Chapter 5

2104 Words
Araw nang lunes ngayon maagang gumising si Lora may pasok siya kaya maaga pa lang nakahanda na ito. “Good morning nanay!” Yumakap si Lora sa kanyang Ina bago umupo sa tabi nito upang mag almusal. “Anak, anong oras ka uuwi? Baka gabihin ako ng uwi huwag mo na akong punatahan. Busy sa mansion ngayon dahil babalik na ang anak ni Senyora Amanda sa States. Mamaya bago ako aalis lulutuan kita ng pagkain para hindi ka na magluto pagdating mo.” Wika ni Aling Berta! “Nay, kaya ko na po ang sarili ko ako na ang bahala sa pagkain ko.” Gusto man sabihin ni Lora sa nanay niya na may trabaho na siya ngunit hindi puwidi dahil alam ng dalaga magagalit ito. “Nay, aalis na po ako!” Humalik si Lora sa pisngi ng Ina bago ito lumabas ng bahay. Dahil maaga pa maglalakad si Lora maganda ang panahon ngayon kaya masarap maglakad. Habang naglalakad si Lora bigla niya naalala si Karen namis ni Lora ang kaibigan siguro kung okay sila ngayon may kasama siya sa paglalakad papunta sa Smith University. Simula pag kabata hindi sila maghihiwalay ni Karen sila palagi ang magkasama hindi lang makapaniwala si Lora sa ginawa ng matalik na kaibigan. Napahinga ng malalim ang dalaga mahirap man pero kailangan sanayin niya ang kanyang sarili. Hindi namalayan ni Lora nasa tapat na pala siya ng Smith University. Pagpasok ni Lora sa kanilang classroom natahimik ang lahat napangiti tuloy ang dalaga. Isa isa kasing bumabalik sa upuan ang kanyang mga classmate. Tahimik na umupo ang dalaga sa kanyang silya ilang saglit lang naramdamam niyang may tumabi sa kanya. “I miss you cutie Lora pasen’sya ka na busy sa bahay kaya hindi ako pumasok kahapon na miss mo ba ako?” Malambing na sabi ni Rafael sa punong tainga ni Lorabelle kinilabutan naman si Lora sa mga pinagsasabi ni Rafael. “Hindi ka ba nahihiya sa sinabi mo Rafael? Please lang huwag mo akong guluhin.” Natawa ng mahina si Rafael. “Hindi ako nakikipaglukohan sa’yo Rafael.” Naiinis na binagsak ni Lora ang ballpen sa kanyang upuan at matalim na tininginan ang binata. “Bakit Lora, sa tingin mo ba nakikipaglukohan ako sa’yo? Seryoso ako gustong gusto kita grabe ka naman ang ibang babae pinapangarap ako samantalang ikaw nahihirapan akong maging tayo. Ano bang gusto mo para magustohan mo ako?” Seryosong saad ni Rafael ditoZ “Alam mo Rafael kung totong mahal mo ako lubayan mo na ako huwag mo na akong abalahin pa dahil marami akong problema sa buhay kaya please lang huwag ka ng dumagdag pa.” Aniya Lora na naiinis sa lalaking kaharap. Natahimik si Rafael dahil dumating na ang kanilang professor rinig ni Lora ang mabigat na buntong hininga ng binata, para bang hindi niya matanggap ang sinabi ni Lora. Pagkatapos ng ilang minutong pagdiscuss nang kanilang professor ay nagbigay ito ng long quiz. Mabuti na lang hindi na makulit si Rafael sa tabi ng dalaga kaya nasagot ni Lora ang lahat ng tanong. Mabilis naglihpit ng gamit si Lora at tumayo na para ibigay kay Sir De Jesus ang papel niya. Napatingin ang lahat kay Lora ng tinungo niya ang table at nilapag ang kanyang papel doon. “Miss Dela Cruz, you’re always make me proud congratulations perfect ka.” Puri ng kanyang professor! “Thank you po, Sir, puwidi na ba akong umuwi?” Nag-paalam ang dalaga minsan kasi inuutosan ito ni Sir De Jesus. “Yes, puwidi ka ng umuwi!” Nagpasalamat ulit si Lora bago ito lumabas ng classroom. Mabilis ang bawat hakbang ni Lorabelle natatakot ito baka maabotan siya ni Rafael at masundan pa sa pinagtrabahoan nitong club. Dumaan si Lora sa likod ng college building para hindi makita ni Rafael sumakay siya ng tricycle papuntang bayan. Parang hinabol ng sampung kabayo ang dalaga pinagpawisan ito ng malapot. Nang marating ni Lora ang Samara’s Club agad itong pumasok ngunit hinarang siya ng security guard. “Ma’am, bawal po ang student dito!” Natampal ni Lora ang kanyang ulo hindi pa pala siya nakapag palit ng uniform. “Manong saan po ang restroom dito?” Nahihiya niyang tanong! “Doon po ma’am sa kabila!” Tinuro ng guard ang harapan na building. “Salamat po!” Naglakad si Lora papunta sa restroom kung saan sa harap mismo ng Samara’s Club. Hindi na pinansin ni Lora ang mga mainit na mata sa paligid pumasok na ito at nagmamadaling magbihis. Sinuot ni Lora ang kanyang maiksing short na kulay puti at crop top na kulay black. Napatitig si Lora sa harap ng malaking salamin hindi siya makapaniwala sa itsura niya ngayon. Huminga ito ng malalim at inisip ang kanyang trabaho. “Kaya ko ito kakayanin ko para sa utang namin.” Bulong ng isip ni Lorabelle. Lalabas na sana siya ng marinig niya ang isang pamilyar na boses galing sa isang cubicle. “Rafael, sunduin mo ako mamaya doon ka matutulog sa bahay, wala si Lola nandoon sa mga anak niya kaya mag-isa lang ako sa bahay. Alas dyes ang out ko hihintayin kita I miss you Rafael.” Malambing na saad pa ni Karen dito narinig ni Lora ang pagbukas ng pinto kaya nagmamadaling lumabas ang dalaga sa takot na makita siya ni Karen. Kailangan niya mag doble ingat dahil kapag malaman ni Karen na pareho sila ng trabaho sigurado pagtatawanan siya nito. “Talagang may relasyon na sila ni Rafael ang kapal rin nang mukha ng isang ‘yon. Mahal daw ako samantalang may ginagawa silang kababoyan ni Karen. Hay.. mga lalaki talaga puro kasinungalingan ang lumalabas sa bibig nila.” Kausap ni Lora sa kanyang sarili. “Sorry, ma’am, ikaw pala si Lorabelle?” Napatango sa gulat ang dalaga sa sinabi ng guard. “Bakit po?” “Hindi ko kasi alam na ikaw ang hinihintay ni Jessa kanina ka pa niya hinahanap pasok na po ma’am.” Napangiti si Lora didiritso sana ito sa harapan ngunit hinarang siya ng isang malaking kamay. “Sa susunod dito ka dadaan, gusto mo bang papakin ka ng mga customer diyan?” Nagpahila si Lora kay Jessa umikot sila sa likod at pumasok sa isang malaking kuwarto na puno ng mga babae. Akala ni Lora uupo na siya kasama ang mga babae na nakabihis na at naka make up, ngunit hinawakan siya ni Jessa at iginiya sa isa pang kuwarto. Nagulat naman ang dalaga dahil walang tao at sobrang linis dito sa loob. “Ilagay mo ang mga gamit mo doon sa isang cabinet na ‘yon? Dito sa kuwartong ito tayong dalawa lang ang gagamit. Walang puwidi pumasok dito ikaw, ako, si Madam Samara lang kaya bago ka lumabas make sure nakasado nang maayos ang pinto kapag wala ako e tsek mo nang mabuti.” Napatango naman si Lora sabay baba sa bag nito ginala niya ang kanyang mata sa buong paligid. Ang daming mga gamit dito damit, makeup, mask, at iba’t ibang gamit pang babae. “Tara!” Akala ni Lora lalabas sila ni Jessa pero dinala siya nito sa rooftop kung saan makikita mo ang iba’t ibang gamit para sa pagsasayaw. May pole dance malaking salamin na nakapalibot sa pader iba’t ibang kulay ng ilaw at mayroon din swimming pool sa kaliwang bahagi. May stage rin na kompleto sa kagamitan para sa pagkanta. “Handa ka na ba?” Nagulat si Lora sa biglang pagsulpot ni Jessa naka panty bra na lang ito at nakasuot ng heels na 8 inches ang taas. “Panuorin mo muna ako then subukan mong kumilos kapag kaya mo na. Alam ko mahihirapan ka pero gusto mo ‘to diba?” Tumango si Lorabelle pinapanuod niya si Jessa na talaga naman napabilib ang dalaga sa galing nitong mag pole dance. Ilang minuto pa ang lumipas huminto si Jessa umupo ito sa tabi ni Lora. “May one week ka sa practice kailangan mong matuto sa loob ng one week na ‘yon. Tumayo ulit si Jessa inabot niya ang kamay ni Lora at nagsimula sumayaw ang dalawa. Kakasimula pa lang ni Lora hingal na hingal na ito hindi niya ininda ang sakit ng kanyang paa. Sa sobrang taas nang heels ng sapatos niya para siyang mabubuwal. Kung hindi siya nakahawak sa pole baka natumba na ang dalaga. Sa unang sabak ni Lora sa insayo nasugatan ang kanyang mga paa. “Don’t worry kapag nasanay ka na promise magugustohan mo.” Ani Jessa! Matapos magbihis nagpaalam na si Lora kay Jessa nine na ng gabi kaya sumakay na ito ng tricycle. Parang binugbog ang katawan ni Lora sa matinding sakit napahawak siya sa kanyang tuhod namaga ito. “Kuya, dito na po ako!” Hindi na pinapasok ni Lora ang tricycle baka kasi magising ang nanay niya. Nagsimulang maglakad si Lora papunta sa kanilang bahay napahinto ito ng harangin siya ng isang sasakyan. Napahinga nang malalim si Lora dahil si Rafael ang sakay ng kotse. Akala ni Lora si Rafael lang ang nasa loob ngunit ng lumabas si Karen doon lang niya napagtanto na magkasama pala silang dalawa. “Wow, ginabi ka yata alam ba ito ng nanay mo? Siguro may trabaho ka na? O baka naman may boyfriend ka na?” Tumawa si Karen ng nakakaluko. “Alam mo ba na kanina pa nagagalit itong si Rafael dahil hindi ka raw niya makita sa buong school. Saan ka ba nagpunta? Hmm.. Parang nakakapanibago naman Lora, diba ayaw mong gabihin ka ng uwi? Unless may kinabibisihan ka na?” Hindi pinansin ni Lora si Karen naglakad ito at nilampasan sila. “Hindi pa ako tapos magtanong sa’yo kaya huwag kang bastos!” Hinila ni Karen ang balikat ni Lora kaya napaharap ito sa kanya. “Wala ba talaga kayong magawa sa buhay? Bakit ginugulo n’yo ako? Ano Karen, hindi ka pa ba kontento sa pagsira ng buhay ko? Gusto mo ba talagang wasakin ako hanggang sa wala ng matira sa akin? Napaka-unfair mo nagsisisi ako kung bakit ikaw pa ang naging kaibigan ko.” Sabay baklas ni Lora sa kamay ni Karen na ikinagulat nito. “My love, wait!” Hinarang ni Rafael si Lora. “Isa ka pa Rafael napakasinungaling mo hindi porket mayaman ka lahat na nang gusto mo ay makukuha mo. Ibahin mo ako Rafael kahit magpakamatay ka pa sa harapan ko hinding hindi mangyayari na magkagusto ako sa’yo. Sinira mo ang buhay ko sinira ninyo ni Karen ano bang kasalanan ko para ganitohin ninyo ako?” Pinagsusuntok ni Lora ang dibdib ni Rafael hinayaan lang ng binata ito hanggang sa kusa ng tumigil si Lora. “I’m sorry Lora, I’m sorry kung nasaktan kita.” Niyakap ni Rafael ang dalaga. “Bitawan mo ako wala kang karapatan na yakapin ako tandaan mo Rafael simula sa gabing ito kalimutan mong magkaibigan tayo.” Nang makawala si Lorabelle sa yakap ni Rafael mabilis itong tumalikod palayo. Hindi pa man siya naka hakbang nagsalita ulit si Karen. “Wow Lora, ibang iba ka na ngayon? Hindi na ikaw ang dating Lora na sinusunod ang sinasabi ko. Tandaan mo Lora ako lang ang nakaka-alam na may nangyari sa inyo ni Rafael.” Napabaling ang tingin ni Rafael kay Karen. “Can you please stop talking nonsense? Paulit-ulit mo ng sinasabi ‘yon? Hindi ka pa ba nag sasawa?” Lumaki naman ang mata ni Karen sa sinabi ni Rafael! “Why? Susuko ka na ba Rafael?” Hmmm..Puwidi kong sabihin sa nanay mo ang nangyari sa inyo ni Rafael.” Ngumiti si Karen. “Alam mo Karen nakaka-awa ka namamalimos ka nang attension sa ibang tao. Sayang kung hindi mo sinira ang tiwala ko pinahiram ko sana sa’yo ang pagmamahal ni Inay. Alam mo kung anong wala ka? Utak at pagmamahal, hindi naman ako mayaman para ka-iinggitan mo? Sige magsumbong ka kay nanay. Pero ito ang tandaan mo kung may nangyari man sa amin ni Rafael ginusto iyon ni Rafael. Eh ikaw nong may ginawa kayong kababoyan sa mismong bahay ng Lola mo sa tingin mo ba ginusto ‘yon ni Rafael? Gamitin mo ang utak mo Karen ginamit ka lang ni Rafael iyon ang isaksak mo diyan sa kukoti mo. O baka gusto mong isa-isahin ko kong saan ka pinarausan ni Rafael? Huwag mo akong subukan Karen dahil hindi mo pa ako lubos kilala.” Tumalikod na si Lorabelle at patakbo na itong umalis. Nanggagaliiti naman sa galit si Karen kaya kay Rafael niya ibinuhos ang galit niya. “You, b***h!” Turo ni Rafael kay Karen. “Rafael, bumalik ka dito! Rafael!” Sigaw pa ni Karen ngunit tanging usok na lang ng sasakyan ang iniwan ni Rafael kay Karen.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD