Chapter 4

1815 Words
Kinabukasan maagang gumising si Lorabelle masakit ang ulo ng dalaga dahil buong gabi iniisip niya ang sinabi ng kanyang Ina. Gustong sabihin ni Lora kay Aling Berta ang nangyari sa kanya ngunit pinangunahan siya ng takot. Hindi sanay maglihim si Lora sa Ina niya kaya naman palaging nakatulala sa kawalan ang dalaga. Para kay Lora isang bangungot na hindi niya makalimutan ang nangyari sa kanya nong gabing kasama niya si Rafael. “Tama si nanay simula ngayon iiwasan ko si Rafael pati na rin si Karen.” Aniya! Paglabas ni Lora sa kanilang bakuran agad natanaw ng dalaga ang magarang sasakyan ni Rafael sa tapat ng bahay ni Karen. Alam na ni Lora kung anong ginagawa nang dalawa kaya hindi na niya ito pag-aksayahan ng oras. Tatlong araw na rin hindi nakikita ni Lora si Karen maging si Rafael ay ganun rin. Sumakay si Lora ng tricycle pupunta siya sa bayan nag-paalam na si Lora sa kanyang Ina, kaya magaan sa pakiramdam ang aalis siya ng bahay na walang alalahanin. Ilang araw nang pinag-isipan ni Lorabelle ang plano niya halos hindi na ito natutulog ng maayos sa kakaisip kung tama ba itong decision niya. Pagdating niya sa bayan agad siyang pumasok sa isang restaurant kahit papano naman may naiwan pang pera si Lora sa baon niya. Tipid si Lora sa lahat ng bagay kaya halos kalahati nang allowance ay tinatabi niya ito. Sumapit ang alas singko ng hapon pinuntahan ni Lorabelle ang club kung saan siya mag-aaply. Ito ang malaking club at sikat dito sa bayan kaharap ito ng bar na pinuntahan nila last week nina Karen at Rafael. Pagpasok ni Lora amoy ng sigarilyo ang sumalubong sa kanya. Dumiritso si Lora sa counter table umupo at nag-order ng juice. Lahat nang lalaki nakatingin sa kanya siguro dahil sa suot niya. Nakasuot lang naman si Lorabelle ng tube dress na puti at pinatungan niya ng cardigan na kulay black. Hindi naman malaswa ang suot niya siguro nagtaka sila kung ba’t pumasok ang dalaga dito sa club na. “Excuse me Sir, saan ako puwidi mag tanong para makapag-apply? May nakalagay po kasi sa labas kailangan ninyo nang singer and dancer.?” Magalang niyang sabi. “Yes po ma’am sino po ang mag-aapply?” Napangiti si Lora! “Ako, ako ang mag-aapply!” Sabay turo pa ng dalaga sa kanyang sarili. Napa-kurap naman ang lalaki hindi siya makapaniwala sa sinabi ni Lora. “Ma’am, sure po ba kayo?” Lumapit ang lalaki sa kanya. “Sir, mukha ba akong nagbibiro? Kailangan ko talaga ng trabaho kaya huwag mo naman akong tawanan please.” Paki-usap ni Lora dito, mas lalo tuloy napangiti ang lalaki. “Hmmm.. Wait tatawagan ko si boss. At kung intresado ka talaga baka mamayang gabi isasabak ka na nila. Okay ba sa’yo ‘yon?” Saad pa ng lalaki napatango naman si Lora hindi na nag-isip ang dalaga kung ano ang mangyayari ang mahalag sa kanya may trabaho siya. Isang buwan na lang matatapos na ni Lora sa kanyang first year college. Kapag suwertihin siya sa trabahong ito next year mag wo-working student siya. Sa ngayon kailangan niyang kumita ng pera para pambayad sa utang nila kay Senyora Amanda. Hindi pa man kompermado kung may utang nga ba sila ang mahalaga may income siya. Tama naman ang Nanay ni Lora mahirap makasal sa taong hindi mo mahal walang silbi ang yaman kung maraming babae ang taong pakakaslan mo. Sa tindig pa lang ni Rafael baka mamatay si Lora sa konsemisyon. Hindi rin papayag si Lorabelle na makasal siya kay Rafael kaya minabuti ng dalaga na itago ang ginawa ni Rafael sa kanya. Naisip rin ni Lora kung magsusumbong ito paniwalaan kaya siya? Mayaman ang pamilya ni Rafael kaya imposibleng maniwala sila sa kanya. Kahit sabihin pa natin na gusto siya ni Amanda hindi ‘yon sapat para aminin niya na may nangyari sa kanila ni Rafael. Nagulat pa si Lora sa biglang pag-kalabit sa kanya nang lalaking kausap kanina pa pala ito nakatayo sa harapan ng dalaga hindi niya ‘yon napansin. “Miss Ganda, sumama ka sa akin gusto ka raw maka-usap at makita ng boss ko.” Ngiting wika ng lalaki mabilis naman sumunod si Lora sa lalaki tinahak nila ang madilim na pasilyo at pumasok sa isang malaking kuwarto. “Good luck Miss Ganda maiwan na kita!” Nang makalabas na ang lalaki naiwan siyang mag-isa sa loob ng kuwarto. Humigpit ang hawak ni Lora sa kanyang bag bigla siyang kinabahan. Nilibot niya ang paningin sa buong silid humanga siya sa ganda ng paligid parang hindi club kung pagmamasdan mo ito sa labas. “Miss, ikaw ang mag-aapply?” Gulat na tanong nang magandang babae. “Miss, sigurado ka ba sa gagawin mo? Parang wala kang karanasan sa mundo? Alam mo ba kung anong trabaho ang papasukin mo? Darling hindi ito opisina para mag-apply ka ng secretary? Club ito at alam mo na ang trabaho dito.” Tatayo na sana ang babae ngunit nagsalita si Lora. “Ma’am, alam ko po na hindi kayo maniwala sa kakayahan ko handa po akong matuto kung sakaling tanggapin n’yo ako. Ma’am, kailangan ko po ng trabaho maawa po kayo baon po kami sa utang.” Diritsong amin ni Lora, napa-upo ulit ang babae tinitigan niya si Lora sabay tango. “Well gusto ko ang lakas ng loob mo ang tanong handa ka na ba sa gagawin mo? Don’t worry hindi ako nag papa-take out ng mga babae sa customer so you’re safe.” Ngiting sabi pa nito. “Marunong akong kumanta pero sa sexy dance hindi po pero handa akong matuto.” Lakas loob na sabi ni Lorabelle. “Sa lahat ng nag-apply dito kakaiba ka congratulations darling. Puwidi ka nang magsimula bukas kung gusto mo makita ang performance ng mga babae ko mas mabuti manuod ka muna bago ka umuwi.” Sabay tayo nito at humithit ng sigarilyo. “Anyway, I’m Samara, dito sa club ko wala akong rule masipag ka lang sa trabaho sapat na sa akin ‘yon.” Napatayo si Lora sabay abot niya sa kamay ni Samara. “Thank you po ma’am makaka-asa ka na pagbutihin ko ang aking trabaho.” Matapos ma interview ni Lora, naghintay muna siya sa loob ng club. Hindi na niya pinansin ang mga mainit na titig ng mga kalalakihan sa paligid. Alam ni Lorabelle na hindi maganda sa mata ng tao ang trabahong ito ngunit isa lang ang tumatak sa kanyang isip. Kilala niya ang kanyang sarili ‘yon ang mahalaga isa pa wala siyang ina-apakang tao. Naka-upo sina Lora at Samara sa isang sulok hinihintay nila ang paglabas ng mga babae mag perform ngayong gabi. Maraming mga lalaki ang naka-abang lahat sila naka pormal attire ‘yong iba galing pa sa opisna ang iba naman ay talagang sinadya nilang pumunta dito. Sa tingin ni Lora hindi basta-basta ang mga customer nila dito sa tindig palang alam mo na mayaman sila. “Jessa!” Tawag ni Samara sa isang babae na nakatayo sa harapan. Agad naman itong lumapit sa kinaroroonan nila at binigyan ng sigarilyo si Samara. “Si Lora, ikaw na ang bahala sa kanya hanapan mo siya ng code name iyong bagay sa itsura niya. At bukas magsisimula na siya Jessa ingatan mo ang batang ito kapag may problema ka sa kanya dumiritso ka sa akin. Alam mo na ang patakaran ko, Jessa kausapin mo siya ng maayos.” Aniya Samara! “Don’t worry madam ako ang bahala sa kanya.” “Ihasa mo si Lora para sa susunod na linggo siya na ang mag perform sa stage.” Dagdag pa nito pagkatapos ng isang oras na panonoud ay nagpaalam na si Lora kay Samara at Jessa. Akala ni Lora babae si Jessa isa pala siyang bading napangiti tuloy ang dalaga habang papasok na ito sa kanilang bakuran. Bukas alas dos ang pasok ni Lora sa club kaya may oras pa siyang pumasok sa school. “Mano po nay, sorry kung nalate ako nang uwi may inasekaso po ako.” Nakita ni Lora na malungkot ang kanyang ina kaya naman niyakap niya ito ng mahigpit. “Nay, may problema po ba? Bakit po malungkot kayo?” Umiling si Aling Berta ngunit ramdam ni Lora na may tinatago ang nanay niya. “Kumain ka na ba? Nagluto ako ng paborito mo sige na magbihis ka na don at kakain na tayo.” Ani Aling Berta! “Opo, nay.” Napahinga ng malalim si Lora hindi niya alam kung ano ang problema Ilang araw na napapansin ni Lora na matamlay ang nanay niya. Matapos magbihis agad bumaba si Lora gutom na rin siya kaya natakam ito sa nakahanda sa mesa. “Salamat po nay mukhang sumahod na po kayo dahil masarap ang ulam natin.” Masayang saad ni Lora napadami ang kain ng dalaga pati na rin si Aling Berta napakain din. “Namalengke na rin ako para pang gastos natin sa isang linggo ito baon mo itabi mo ‘yan” Inabot ni Aling Berta ang sobre kay Lora. “Nay, may baon pa po ako itabi mo na lang ‘yan hihingi ako kapag ubos na.” Napahinga ng malalim si Aling Berta. “Lora, kailan ka natuto na tanggihan ang binibigay ko? May trabaho ka ba kaya hindi mo na tinatanggap ang pera ko?” Napahinto si Lora sa paglalakad inilipag muna niya ang mga plato sa lababo at binalikan ang nanay niya. “Nay, hindi naman po sa ganun s’yempre gusto ko may pera din kayo lahat na lang ng sahod mo binibigay mo sa akin? Sige na nga po akin na ‘yan ayoko ko po magtampo kayo sa akin.”Paglalambing ni Lora sa nanay niya. “Nay, magkano po ba ang utang natin kay Senyora Amanda?” Napatingin si Aling Berta kay Lorabelle mahigpit na hinawakan ni Lora ang kamay ng kanyang ina, “Nanay, mahal na mahal po kita ayoko po na may galit kayo sa akin hindi po ako sanay. Patawarin mo ako nay kong may nagawa akong kamalian wala ako sa mundong ito kung hindi dahil sa’yo.” Kahit lumuluha si Lora pinilit niyang ngumiti. “Pasen’sya ka na kung minsan hindi ko mapigilan ang sarili ko mahal ka ni nanay kung pinagalitan man kita ‘yon ay para sa ikabubuti mo. Mag-aral ka nang mabuti dahil ito lang ang kaya kung ibigay sa’yo. Hindi sa lahat ng oras kasama mo ako palagi kang mag-pakatatag huwag mong hayaan na apihin ka ng ibang tao. Lora, palagi mong tandaan kapag nasa tama ka ipaglaban mo ang karapatan mo.” Napaluha si Lorabelle! “Nay, huwag po kayo mag-biro ng ganyan? Diba sabi mo hindi tayo maghihiwalay? Malulungkot po ako hindi ako sanay mag-isa.” Hikbi ni Lora sa bisig ng kanyang ina. Hindi maintindihan ni Lora kung anong ibig ipahiwatig ni Aling Berta pero kinakabahan siya. “Mahal na mahal kita anak!”
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD