Chapter 3

1713 Words
Kanina pa naghihintay si Lora sa kanilang maliit na sala ngunit hanggang ngayon hindi pa dumating ang kanyang ina. Hindi naman matawagan ni Lora ang ina dahil wala silang cellphone kaya naman tumayo ito inabot ang payong at tinungo ang pinto. Susunduin ni Lora ang nanay niya sa mansion ng mga Smith. Mabilis ang bawat hakbang ng dalaga pumara ito ng tricycle at nagpahatid sa mansion. “Oh, Lora saan ka pupunta?” Tanong sa kanya ng tricycle driver na si Mang Tonyo. “Susunduin ko po si nanay sa mansion gabi na hindi pa siya umuwi.” Aniya! Mabait na bata si Lorabelle kaya kilala ito sa kanilang lugar sa katunayan beauty queen ang tawag nila sa dalaga dahil sa taglay nitong kagandahan. “Baka maraming bisita ang mga Smith? Balita kasi sa baranggay kaarawan ngayon ng anak ni Senyora Amanda kaya nagpakain sila sa buong baryo tamang tama doon rin ang punta ko.” Saad pa ni Mang Tonyo. Napatango naman ang dalaga sabay ngiti nito malayo pa si Lora tanaw na niya ang malaking gate ng mansion. “Salamat po Mang Tonyo.” Sabay abot ni Lora sa bayad niya. Mabilis naman bumaba ang dalaga maraming taong nakapila sa labas ng mansion naghihintay silang sa libreng pagkain. Kilala naman ng security guard si Lorabelle kaya nakapasok ito dahil maraming bisita sa kabilang pintuan ng mansion dumaan ang dalaga. “Magandang gabi po!” Agad nilapitan ni Lora ang kanyang ina. “Mano po inay. Nay, ako na po diyan maupo ka muna.” Napahinga ng malalim si Aling Berta alam ng dalaga hindi nagustohan ng nanay niya ang pagpunta niya dito sa mansion. Pinagbawalan ni Aling Berta ang anak na dalaga dahil ayaw niyang makita ng kanyang among babae. “Nay, sorry po nag-alala kasi ako sa’yo kaya sinundo kita hindi mo naman sinabi na may birthday pala.” Ramdam ni Lora ang pagod ng kanyang ina. “Ako na po ang gagawa nito diyan ka lang muna ako na ang bahala dito.” Nakangiting wika ni Lora. Alam ni Lora galit pa rin ang Nanay niya pero binaliwala ‘yon ng dalaga. “Bakit nandito ka? Matagal pa matapos itong trabaho namin hindi ka na sana pumunta dito dahil may pasok ka bukas.” Sabi pa ni Aling Berta sa mababang tono. “Nay, huwag po kayo mag-alala dahil wala akong pasok bukas.” Hindi na nagsalita si Aling Berta nakamasid ito sa kanyang anak. “Lora?” Tili ni Marie. “I miss you mabuti pumunta ka dito.” Nag-yakapan ang dalawa na miss nila ang isa’t isa. “Nakakinis ka bakit lalo kang gumaganda ngayon? Anong secreto mo?” Nakangusong wika ni Marie. Bihira lang magkikita sina Marie at Lora dahil pareha silang busy sa pag-aaral. “Ikaw talaga baka may makarinig sa’yo maniwlaa pa sila sa sinasabi mo.” Ngiting sabi naman ni Lora patuloy pa rin sa pakikipag biruan ang dalawa habang nag huhugas sila ng iba’t ibang klase nang prutas. “Alam mo ba ito ang unang pagkakataon na umuwi ang anak ni Senyora Amanda? Marami nag-sasabi guwapo daw ‘yon pati mga pinsan niya nandito raw sana makita man lang natin kahit isa sa kanila.” Kinikilig pa si Marie habang binabanggit ang anak ng mga amo. “Marie, anak kapag tapos na kayo diyan? Ihahatid ninyo sa labas ang mga prutas kailangan na sa mesa.” Utos ng ina ni Marie. “Opo, Nay!” Napatili si Marie exited na siya makalabas gusto niya makita ang anak ni Senyora Amanda. Nang matapos sila agad nag suklay si Marie naglagay pa siya ng lipgloss sa kanyang labi. Natawa naman si Lora dahil kung tutousin maganda naman siya. “Let’s go Lora.” Aniya! Lalabas na sana ang dalawa ng pumasok si Aling Berta. “Lora anak, kami ni ‘Marie ang maghahatid niyan sa labas hiwain mo itong pakwan.” Sabay kuha ni Aling Berta sa hawak ni Lora. Napatingin si Marie kay Lora huminga ito ng malalim bago lumabas. Napangiti naman si Lora dahil hindi talaga niya ugali ang humanga sa mga guwapo. Itong kaibigan niya para siyang binudburan ng asin. Isa pa hindi na siya malinis na babae kaya hindi na niya abalahin ang sarili sa mga lalaki. Habang abala sa pag-hihiwa ng pakwan si Lora narinig niya na may pumasok hindi na nag-abalang tingnan ng dalaga kung sino ‘yon. Patuloy sa paghihiwa ng pakwan si Lora hanggang sa napa-aray ito. “Aray!” Nabitawan ni Lorabelle ang hawak na kutsilyo. “Are you alright? Oh, s**t!” Napamura ang lalaki nang makita ang dugo na umaagos mula sa kamay ni Lora. Nagulat din si Lora sa biglang pagsulpot ng lalaki sa likod niya. Agad dinampot ng lalaki ang malinis na towel na nakasabit doon at mabilis niyang itinapat sa kamay ni Lora. “Be carefull next time!” Wika pa nito dinukot niya ang kanyang malinis na panyo at itinali ‘yon sa kamay ni Lora. Walang salitang lumabas sa mula sa bibig ng dalaga nakatingin lang ito sa lalaki. “Kuya, what happend? Kanina ka pa hinahanap ni Mom? Bakit nandito ka sa kusina?” Agad lumipad ang mata ni Rafael sa kamay ni Lora na hawak ng lalaking tinatawag niyang kuya. “Lorabellle?” Gulat ang mukha ni Rafael nang makita ang dalaga. Kung nagulat si Rafael sa nakikita niya ngayon mas nagulat si Lora sa kanya. “Rafael, gave me the medicine kit faster.” Utos nito! “Salamat pero hindi na kailangan ayos na po ito at hindi naman malala.” Aniya Lora sabay talikod sa dalawang lalaki ramdam ni Lora ang pagsunod nang tingin ng dalawa sa likuran nito sabay silang napatingin ng bumukas ulit ang pinto. “Nandito lang pala kayong dalawa son dumating na ang mga kaibigan mo gusto ka raw nila makita. Anong nangyayari dito?” Palipat lipat ang tingin ni Senyora Amanda saI tatlo. “Magandang gabi po ma’am Amanda pasen’sya na po kayo natagalan ang pakwan na hiniwa ko.” Yumuko si Lora nahiya siya dahil pinagtitingnan nila ito. “Lora, Ikaw na ba ang anak ni Aling Berta?” Gulat na tanong ni Senyora Amanda lumapit ito sa kinatatayuan ni Lora at niyakap ang dalaga ng mahigpit. Sakto naman pumasok si Aling Bert kaya nakita niya ang nangyayari. “Ma’am Amanda? Sorry po amoy pawis po ako nakakahiya sa inyo.” Aniya Lorabelle. Natawa naman ang senyora sa sinabi ng dalaga. “Senyora Amanda pasen’sya na po kayo!” “Ikaw Berta, ayaw mo lang makita ko ang anak mo bakit mo ba siya tinatago? Napakaganda ng anak mo dapat magiging proud ka sa kanya. Hija, alam ko hindi mo naintindihan ang sinasabi ko ilang beses na kase ako nag request sa nanay mo na isama ka dito pero ang sabi niya busy ka sa pag-aaral. Nagtataka lang ako simula nang magdalaga ka hindi na kita nakikita dito sa mansion. “ Hija, are you okay?” “Yes po, thank you!” “Mom, she’s not okay? May sugat siya sa kamay.” Sumbong ng lalaki sa mommy nito. Pag-angat ni Lora ng tingin nakatitig pala si Rafael at ‘yong lalaki sa kanya napaiwas ng tingin ang dalaga. “Son, sige na ako na ang bahala dito harapin mo muna ang mga bisita mo Rafael sumama ka na sa kuya mo.” Ma-awtoridad na utos ni Senyora Amanda. Nailabas na ang lahat ng pagkain sa kusina kaya naman nakahinga si Lora nang maluwang. Hindi pumayag ang dalaga na gamotin ang sugat niya dahil hindi naman malala. “Marie, nakita mo ba si nanay?” Kanina pa kasi hinahanap ng mata ni Lora ang ina ngunit wala sa kusina. “Baka nasa labas o baka tinawag ni senyora.” Sagot ni Marie! Napatango si Lora sabay abot ng kanyang tubig. “Marie, pakisabi kay nanay doon muna ako sa kubo.” May malaking kubo kasi sa likod ng mansion kung saan tumatambay ang mga maids kapag tapos na sila sa kanilang trabaho. Mabilis tinungo ni Lora ang kubo napapikit pa ang dalaga dahil sa lamig ng hangin na tumatama sa kanyang balat. Simula bata pa si Lora dito na nagtatrabaho ang kanyang ina sa pamilyang Smith. Pero ngayon lang nalaman ng dalaga na anak pala ni Ma’am Amanda si Rafael. Napaluha si Lora paano niya sasabihin sa kanyang ina na si Rafael ang lalaking nagsamantala sa kanya. Napuno nang galit ang puso ni Lora kay Karen sigurado si Lora na alam ng kaibigan ang pagkatao ni Rafael ngunit hinayaan siya nito na baboyin siya. “Ang sama mo Karen!” Mahinang hikbi ni Lora. “Bakit nandito ka? Alam mo ba na delikado dito?” Napatayo si Lora mabilis niyang pinahid ang kanyang mukha. “Are you crying? Lora what happend?” Hahawakan sana ni Rafael ang kamay nito ngunit mabilis lumayo ang dalaga at tumakbo ito pabalik ng mansion. “Nandito ka na pala tara na baka maabotan tayo ng ulan. Mareng Rebecca aalis na kami.” Paalam ni Aling Berta dito. Nagyakapan naman sina Marie at Lora bago umalis. “Mag-ingat kayo kapag wala akong pasok pupunta ako sa bahay ninyo.” Ngiting sabi ni Marie. Napatango naman si Lorabelle. “Anak, sa susunod kahit na gabihin ako huwag mo na akong sunduin. Lora, hindi sa pinagbawalan kitang pumunta sa mansion ayoko lang makita ka ng mga anak ni Senyora Amanda. Lorabelle anak makinig ka sa akin iwasan mo ang mga anak ni senyora. Malaki ang tiwala ko sa’yo Lora at alam ko maiintindihan mo ang sinasabi ko. Matagal ka nang gusto ni Amanda para sa kanyang mga anak hindi ko lang alam kung sino sa tatlong anak na lalaking niya. Oo mahirap lang tayo pero ayokong masaktan ka sa bandang huli gusto ko ikaw mismo ang pipili ng lalaking pakakasalan mo.” Lumuluhang sabi ni Aling Berta! “Inay, may utang ba tayo sa pamilyang Smith? Napahagugol ang matanda sa harap ng kanyang anak. “Inay, magsabi po kayo sa akin ng totoo malaki ba ang utang natin sa kanila? Bakit n’yo po inilihim sa akin? Inay, ako ba ang pambayad ni ma’am Amanda para makabayad tayo ng utang sa kanya?” Hindi nakapagsalita ang matanda niyakap ni Aling Berta ang anak nitong si Lorabelle.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD