JAMES Hindi ko alam kung paano at saan magsisimula. After a week of stay sa silid na akala ko ay isang ospital ay nakalabas din ako at heto ako malayang nakatunghay sa paligid. Malaki at malawak ang bahay na tinutuluyan ko but I don't care about it dahil mahigit isang linggo na akong halos wala sa sarili ko kakaisip my mga impormasyon na nalaman ko. Until now, hindi pa rin tuluyang ma-absorb ng utak ko na nagising ako more than twenty five years sa katauhan ng isang tao. I don't know how did it happened dahil kahit anong isip ko at tanong sa sarili ko ay hindi ko rin mahanap ang sagot at lalo lamang nagugulo ang isipan ko knowing na hindi ko pag-aari ang mukha na nakikita ko sa salamin. Mas magulo ang utak ko dahil alam ko na sa mahabang panahon ay marami na ang nangyari at nagbago. Gu