JAMES Ilang araw pa ang lumipas at narito pa rin ako nagpapagaling sa silid na kinaroroonan ko. Hindi na ako umaasa na may dadalaw sa akin lalo na at wala namana akong ibang pamilya maliban kay Rose. Sabay na pumanaw ang mga magulang ko matapos bumagsak ang eroplanong sinasakyan nila papuntang Spain. Isang malamig na bangkay na sila ng matagpuan matapos hindi makaligtas sa nasabing aksidente. "Sir, oras na po ng pag-take mo ng gamot mo," magalang na sabi ni Nurse Rizza matapos ilapag sa harap ko ang mga gamot na dala nito. Agad na kinuha ko ito at ininom. Pakiramdam ko ay kahit paano ay malakas na ako. Malaking tulong ang maayos na pag-aalaga sa akin dito sa hospital ng personal nurse ko lalo na ni Doktora Amara na malimit ay tingnan ako. "S'ya nga pala nurse, anong hospital ito at a