JAXON Tahimik kami pareho ni Amara habang abala siya sa pagmamaneho at nakatutok ang mga mata sa kalsada. Tanging ang malamyos na musika ang naririnig ko dito sa loob ng sasakyan niya dahil wala ni isa sa amin ang nag-bukas ng usapan. "Kain muna tayo," bigla ay sabi ni Amara ng saglit ay nilingon ako. Lihim na napabuga ako ng hangin dahil nahihiya ako sa sarili ko na nag-aya si Amara na kumain kami sa labas pero wala akong sapat na pera. "Amara, sa bahay na lang tayo muna kumain. Pagluluto na lang kita, hindi kasi kasya ang pera na hawak ko ngayon," nahihiya na sagot at pakiusap ko. "Sige na please, ako naman ang magbabayad. Don't be offended, pero bihira lang kasi ako mag-crave ng pagkain gaya ngayon," nakalabi na sagot nito. Napa-buntong hininga na lang ako. Ayaw ko man ng ideya na