JAXON Nang makaalis ang tatay ni Amara matapos ang pa simple na sinuntok ako at umalis na parang walang nangyari ay masayang lumapit sa akin ito. "Ang bait talaga ng daddy ko," masaya at proud na sabi nito. Tumango na lang ako dahil ayaw ko na ipaalam pa dito ang ginawa ng ama. Naiintindihan ko naman ang nangyari dahil sa mga pinagsasabi ni Amara kanina ay hindi nagustuhan nito. Mabuti nga at iyon lang inabot ko at hindi na basag ang mukha ko. "Sabi sa'yo, hindi ka tatanggihan ni daddy kapag sinabi natin na magkaka-apo na siya." Napailing na lang ako dahil puro siya kalokohan. Hindi man lang ba niya na isip ang sinabi sa ama? Buti na lang at tinanggap ako kahit nakatanggap ako ng suntok sa sikmura dahil kung nagkataon na iba baka nga sa mga oras na ito ay tinapon na ang katawan ko sa