JAXON Sa sulok ng mga mata ko ay kitang-kita ko kung paano mabilis na na-isakay si Amara sa itim na sasakyan matapos takpan ang ilong at bibig nito at mawalan ng malay. Hindi siya naka-palag at naka-panlaban dahil nakita niya na nakatutok ang mga baril sa ulo at katawan ko my tatlong lalaking may hawak sa akin. Mahigpit ang pagkakahawak ng mga ito sa akin bagay na hindi ko na paghandaan lalo na at tatlo sila at malaki ang mga katawan. Kung sana ay wala silang mga armas at hindi nila hawak si Amara ay baka nagawa ko pang mang-agaw ng baril pero dahil nakita ko na wala itong malay ay wala akong magawa sa ngayon kun'di panoorin ang lahat ng nangyayari sa harap ko. Malakas na tama ng kung ano sa batok ko ang naramdaman ko bago ako nawalan ng malay matapos na mag-dilim ang paningin ko. W