Chapter 5

2037 Words
JAXON Mabuti at nagkasya sa akin ang damit na binigay ni Kuya Jack dahil ito ang maayos na suot ko ng mag-punta ako ngayon dito sa isang fast food restaurant na sinabi niyang nakausap na niya ang manager at may trabaho na pwede ko umanong mapasukan kung papasa ako sa interview at trial na ipapagawa sa akin. Nakakahiya man kay Kuya Jack at sa asawa nito ay ginamit ko na ang mga bagay na binigay nila sa akin at laking pasasalamat ko talaga nang sobra dahil ramdam ko na ginagawa ng mabait na mag-asawa ang lahat para tulungan akong mabuhay ng marangal at mapabuti ang takbo ng buhay ko. Saludo ako kay Kuya Jack dahil pinatunayan niya na hindi lahat ng pulis ay nakakatakot ang imahe gaya ng malimit ko na mapanood sa tv na pulis brutality. Isa siyang huwaran na dapat ay tularan ng lahat. Para sa akin isa siyang anghel na binigay sa akin ng diyos para gabayan ako sa madilim na landas na meron ako sa kasalukuyan. Tapat si Kuya Jack sa tungkulin at responsableng pulis at asawa. Isang taong may dignidad at ginagawa ang sa tingin niya ay tama gaya na lamang ang tulungan ako kaya saludo ako sa kan'ya. Iba ang pakiramdam na matapos ang ilang buwan na pakalat-kalat ko sa kalsada ay nagkaroon ulit ako ng maayos na bahay na tinitirhan at masisilungan. Bigla ay pakiramdam ko nagkaroon ako ng saysay sa lipunan at naging totoong tao ako matapos bihisan at tulungan ni Kuya Jack at ng butihing asawa niya. Nasa tapat ako ngayon ng restaurant na sinabi ni Kuya Jack. Dala ang isang piraso ng bio data na may picture ko ay pumasok ako. Magalang na hinanap ko ang manager na mag-interview sa akin at laking pasasalamat ko na kilala na pala niya ako at hinihintay na pumunta kanina pa dito. Actually, hindi na ako dumaan sa formal interview dahil matapos tanungin ang pangalan ko at experience ko sa trabaho ay sinabi niyang pwede na akong magsimula dahil tanggap na ako. Ang saya ko, sa wakas heto at may trabaho na ulit ako. Malaking bagay at tulong talaga ang rekomendasyon ni Kuya Jack sa akin sa kaibigan niya dahil magsisimula na ako, ngayon mismo. Mahirap ang naging trabaho ko lalo na at na-assign ako sa kitchen. Mainit at mausok pero hindi ako pwedeng magreklamo dahil pagkakataon ko na ito para magkaroon ng maayos na pagkakakitaan at kumita sa marangal na paraan para sa sarili ko. Para sa iba mababa ang maging all around staff. Taga-hugas ng pinggan at talaga linis pero ang hindi alam ng marami ay isa itong biyaya na itinuturing kong swerte. Maraming kagaya ko dati ang walang makuhang matinong trabaho kahit pa nagsisikap naman ako. Hindi ko sasayangin ang ganitong bihirang pagkakataon dahil alam ko na hindi sa lahat ng oras ay may taong gaya ni Kuya Jack na handang tulungan ako. "Kumusta ang unang araw mo sa trabaho Jaxon?" tanong ni Kuya Jack ng makauwi ako. Amoy pawis ako at basa pa ang ibabang bahagi ng damit ko dahil na rin sa umaapaw na tubig sa lababo ng basta na lamang inilagay lahat doon ng pasaway na waiter ang mga pinggan na dala nito. Iwan ko ba kung bakit mainit ang dugo nito sa akin samantalang hindi naman ako nakikialam sa trabahong nakaatas sa kan'ya. "Maayos naman po kuya, natanggap po ako at nakapagsimula na po ngayong araw." "Mabuti kung ganon, ituloy mo lang 'yan at pagbutihin mo ang trabaho mo. Sigurado akong matutuwa ang boss mo sa'yo lalo na at masipag kang tao." Kahit pagod sa dose oras na trabaho ay masaya talaga ako. Bukod kasi sa may trabaho na ako ngayon ay nagawa ko na bahagian ng maayos na pagkain ang mga kaibigan ko sa lansangan. Hatinggabi na talaga ako nakarating dahil pinuntahan ko pa si Ed sa lugar kung saan kami madalas matulog sa gabi. Binigay ko sa kan'ya ng pagkain na binalot ko dahil maraming mga natirang pagkain ang hindi naman inubos ng mga customer at malinis naman ang mga ito kaya hindi ako magdalawang isip na ibalot ang mga naipon ko at ipinamahagi sa mga kaibigan ko. Ang gaan sa pakiramdam, masaya akong matutulog ngayong gabi dahil alam ko na nakagawa ako ng mabuti sa araw na ito. Alam ko na matutulog sila ng may laman ang sikmura at hindi gutom gaya ng malimit na maranasan ko sa kalsada dahil sa kawalan ng pera. Naging maayos ang lahat sa akin sa loob ng dalawang linggo ngunit hindi ko inaasahan na may mga tao palang hindi masaya sa naging takbo ng kapalaran ko. Napag-initan ako ng ilang kasamahan ko dahil lagi ay pinupuri ako ng manager namin matapos na makita ang dedekasyon ko sa trabaho ko. Nagalit sila sa tuwing mag-uuwi ako ng pagkain at may mahabang overtime na sila mismo ang tumanggi at umayaw kaya sinalo ko na lang dahil bukod sa pera ay kailangan ko talagang gawin iyon dahil kulang kami sa staff na siyang matotoka na duty. Kahapon kasi nakatanggap ako ng unang sahod ko at ramdam ko ang masamang tingin ng tatlo sa mga katrabaho ko matapos marinig ang sinabi ng manager namin na ako ang may pinakamataas na bilang ng oras na overtime. Hindi naman kasi ako tulad nila na hindi pa sumasapit ang takdang oras ng uwian ay mga nakahanda na silang umuwi. Naririnig ko pa ang mga plano at usapan nila na may pupuntahan silang bar at magaganda umano ang mga babaeng nagsasayaw doon. Minsan napailing na lamang ako dahil hindi naman lingid sa kaalaman ko na puro pamilyadong mga tao ang halos lahat sa mga katrabaho ko. Na patanong na lang ako sa sarili ko kung paano nila nasisikmura ang gano'n samantalang may mga asawa sila na naghihintay sa bawat gabi na uuwi sila. "Anong ibig sabihin nito Max?" nagtataka na tanong ko matapos harangan ako ng tatlo sa kasamahan ko sa trabaho habang pauwi ako at dito dumaan sa likuran at exit ng restaurant. "Masyado kang epal, patay gutom!" mapang-uyam na singhal ni Denver na may hawak na tubo. "Pabida ka masyado. Ano ang dala mo? Sigurado akong mga tira-tira na naman iyan na ipapakain mo sa pamilya mo." Pumikit lang ako at binalewala ang mga naririnig ko. Sanay na ako sa lahat ng uri ng mga insulto at pang-aalipusta sa akin sa kalsada kaya hindi na ako apektado pa. Hinayaan ko lang sila dahil wala akong balak makipagtalo at makipag-basag-ulo sa kanila. "Wala akong ginawa sa inyo. Nagtatrabaho ako ng maayos para mabuhay ng marangal at walang inaapakan kaya wala kayong dahilan para guluhin ako," mahinahon na sagot ko. Umaasa ako na maunawaan nila ang kalagayan ko. Ayoko na kaawaan ako ng kahit na sino kaya ginagawa ko ang lahat para magkaroon ako ng lakas na tumayo sa sarili kong mga paa. "Ngayon, para kang maamong tupa samantalang sipsip kang gago ka!" Napaigik ako ng sikmuraan ako ng lumapit sa akin na si Carlo. Hindi ko inaasahan ang bilis ng kamao niya dahil nasa kaharap ko na sina Denver at Max ang atensyon ko. "Tuturaan ka namin ng leksyon ng magtanda kang tarantado ka!" singhal ni Max na sinuntok na rin ako. Panay ang salag ko sa mga kamao na tumama sa katawan ko pero dahil tatlo sila ay wala akong nagawa ng sunod-sunod na tamaan ako sa mukha at katawan. "Sa susunod na maging bida-bida ka, tutuluyan ka namin gago!" "Magtanda ka!" "Hayop ka, matagal na akong gigil sa'yo!" Hindi ko na alam kung gaano katagal nila akong binugbog dahil pakiramdam ko ay namanhid at naparilasa na ang katawan ko. Naririnig ko ang bawat pagbabanta ng mga kasamahan ko sa trabaho pero wala akong magawa dahil bukod sa mag-isa lang ako ay nanghihina na ako. "Siguro naman pagkatapos nito magta-tanda ka na at matuto ka ng lumugar sa lugar mo. Hindi kami ang dapat na kinalaban mo dahil sa lahat ng ayaw ko ay nasasapawan ako ng gaya mo!" Isang palo sa likod ang naramdaman ko bago ako tuluyang bumagsak sa malamig at basa pang kalsada. Hindi ako sumagot dahil wala akong ibang ginusto sa mga oras na ito kun'di matapos na ang lahat. Lalaki ako oo, pero hindi ako ganoon katapang pagdating sa pakikipag-basag ulo na gaya nito. Nakatira man ako sa kalsada at lumaking walang mga magulang pero minabuti ko ang maging mabuting tao kaya wala akong nakikitang dahilan para maranasan ito. Malupit ang mundo, mas lalong malupit ang karamihan sa mga taong nakakasalamuha ko pero kailangan kong lumaban. Hindi man ako matapang para labanan sila ng pisikal pero matatag ang loob ko na babagon at haharap sa kanila. Wala akong kasalanan para matakot at manahimik na lamang. Soon, babalikan ko sila sa at pagbabayarin sa ginawa nilang pananakit sa akin paraang alam ko. Naniniwala ako na pantay pa rin ang batas at hustisya. Mananagot silang tatlo sa pananakit nila sa akin at hindi ako papayag na dito lang matapos ang lahat lalo pa at banta sila sa buhay at kaligtasan ko. Napapikit na lamang ako para sikapin na bumangon pero hindi ko inaasahan ang susunod na mangyayari ng maramdaman ko na may bumangga sa akin dahilan para bumagsak ako ulit sa lupa at tuluyang nawalan ng malay. "Kill him!" "Kill him and burn his body after!" "Kill him!" Nagpabaling-baling ako dahil alam ko na hindi nagbibiro ang mga taong may sabi nito at nasa paligid ko. Sunod-sunod na putok ng baril ang sumunod na narinig ko at hindi nga ako nagkamali na totoo ang hinala ko dahil naramdaman ko ang mga bala na bumaon sa katawan ko. "Siguruhin ninyong walang maiiwan na bakas o ebidensya sa lugar na ito dahil mananagot tayo kay big boss!" Alam ko sa sarili ko na hindi ko sila kilala pero narinig ko na ang mga boses nila dati pa. "Boss, handa na ang lahat!" sabi ng isa. Sa nanlalabong paningin at magulong isipan na amoy ko ang gasolina na pakiramdam ko ay sinaboy sa katawan at paligid ko. "Silaban n'yo na ng matapos na!" utos ng lalaking kanina pa ay nagmamando sa mga kasama. "Boss, si big boss nag-video call. Gusto niyang makita kung paano natin susunugin ng buhay ang mayabang na ito." Nahindik ako sa mga narinig ko. Mukhang dito na matatapos talaga ang walang kwentang buhay ko dahil hindi titigil ang mga ito ng hindi nagtagumpay sa masamang plano laban sa akin. Hindi ko sila kilala, iyon ang sigurado ako pero mukhang malaki ang galit nila sa akin para saktan ako ng ganito. Kung bakit nila ginagawa ito ay hindi ko rin alam. "Boss, tinatapos na namin ang trabaho," mayabang na balita ng sa tingin ko ay lider ng grupo. "Napa-pirma mo ba?" tanong agad ng kausap nito mula sa kabilang linya pero rinig ko dahil naka-full ang volume ng cellphone na gamit nito. "Boss nagmatigas, kahit anong bugbog at torture ang ginawa namin ay hindi namin na pilit at napiga." "Bobo, 'yan na nga lang ang trabaho mo hindi mo pa nagawa ng maayos. Kailangan ko ang dokumento na may pirma niya dahil kung hindi nag-sayang lang kayo ng oras!" malakas na bulyaw ng kausap nito. "Tingnan mo kung buhay pa!" Ramdam ko na may lumapit sa akin at tinampal ang pisngi ko pero hindi ako nagmulat ng mga mata at nanatiling nakapikit. Pakiramdam ko ay pagod na pagod na ako at ang tanging gusto ko na lamang ay matulog sa mga oras na ito dahil baka sakali na bukas paggising ko ay iba na ang lahat at hindi na ganito ang sitwasyon ko sa buhay. Paulit-ulit na lumalaban ako para mabuhay at magkaroon ng silbi sa lipunan pero sadyang ipinanganak na malas siguro talaga ako dahil kahit anong pilit at pagsisikap ko ay nawawalan ito ng saysay at kabuluhan. "He's dead boss," narinig kong sabi pa ng lalaki na siya palang lumapit at humawak ka akin. "Stupido! Nasayang ang lahat ng plano ko!" huling mga salitang narinig ko sa kausap ng lalaking malapit sa akin. Gustuhin ko man makinig pa pero dahil sa tama ng bala sa katawan ko ay para akong nauupos na kandila na unti-unting nawawalan ng malay at lakas. Siguro panahon na ito para mawala ako sa mundo at tuluyan ng matapos ang paghihirap ko.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD