CHAPTER 10

3888 Words

Nasa loob ng clinic si David at Maxwell. Nakaupo sa gilid ng kama si David habang sinusundan naman niya nang tingin si Maxwell na inaayos ngayon ang mga gagamitin nito para sa procedure na gagawin sa mukha niya. May kaba sa dibdib na nararamdaman si David pero mas nangingibabaw ang kagustuhang mabago ang kanyang mukha at alam niya na pagkatapos ng araw na ito, unti-unti ng magbabago ang lahat sa buhay niya at iyon ang pinananabikan niyang mangyari. Hindi pa niya alam kung ano ang mga pagbabagong iyon. Wala na rin siyang pakiealam kung positibo o negatibo pa ito basta ang mahalaga sa kanya ay hindi na siya makilala pa kahit kailan ng asawa niyang si Bertrant. Tumingin si Maxwell kay David. Napangiti ito ng tipid. “Handa ka na ba?” pagtatanong ni Maxwell. Marahang tumango-tango si David

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD