CHAPTER 9

3881 Words

Nasa loob ng clinic ni Maxwell si David. Nakaupo siya sa gilid ng kama, nakasalikop ang magkabilang kamay na nakapatong sa gitna ng kanyang mga tuhod at nakasunod ang tingin kay Maxwell na may binabasang papel na naka-clip sa metal frame na hawak nito. Ngumiti nang tipid si David. Hindi niya maitatanggi na humahanga siya sa kagwapuhang taglay ngayon ni Maxwell. Mas lalo pala itong nagiging gwapo kapag nakasuot ng kulay puti nitong doctor’s gown at may salamin sa mata. Napatingin naman si Maxwell kay David. Napangiti ito. “Bago kita isalang sa procedure ay kailangang i-check muna kita kung okay ang katawan at kalusugan mo. May malalang sakit ka ba?” pagtatanong ni Maxwell. “Wala naman,” sagot ni David. Alam niya sa kanyang sarili na wala siyang sakit at malakas ang pangangatawan niya.

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD