CHAPTER 5
“Awww.. Gandang-ganda ka siguro sa ‘kin Honey kaya napatunganga ka d’yan. I know the feeling. Minsan napapatulala rin ako kapag nakaharap ako sa salamin,” malanding sabi niya habang papungay-pungay pa ng mga mata niya. Napansin ko tuloy na ang haba pala ng mga pilik-mata niya. Ay teka! Bakit ko ba pinapansin ‘yun?!
“Ha?! Anong pinagsasabi mo d’yan? ‘Di kita kilala ‘no. Sino ka ba?” Maang-maangan ko sa kanya, kunwari hindi ko siya kilala at tumayo na ‘ko para iwan siya. Pero mabilis siyang nakaharang sa harapan ko at nakabukas pa ang magkabila niyang braso, ‘yung mukhang ipapako sa krus.
“Wait Honey. Saan ka pupunta? And anong hindi mo ako kilala?” tanong niya pero ‘di ko siya pinansin. Pilit kong sinusubukang umalis pero nakikipagpatintero lang ako sa kanya. Lapad kaya ng katawan niya!
“Umalis ka nga sa dadaanan ko!” medyo inis na sabi ko.
“Kung tumigil ka kaya kakapilit umalis. Hmp!” sabi niya, tapos hinawakan niya ‘ko sa magkabilang balikat at sapilitang iniupo ulit. “Dyan ka lang, hindi ka aalis. We need to talk.” Mataray niyang sabi, saka umupo sa tabi ko.
“Aba, at sino ka para utusan ako? Hindi nga kita kilala.” Nagmaang-maangan pa rin ako.
“Okay, I will introduce myself, tutal hindi naman talaga tayo nakapagtanungan man lang ng pangalan. I’m Brenda,” sabay abot ng kamay niya sa ‘kin na may kasamang malapad na ngiti sa labi, pero hindi ko inabot ‘yung kamay niya. Ayokong makipag-shake hands sa kanya. Sa halip tinawanan ko siya, pang-asar sa kanya. Baka sakaling tantanan ako.
“Pft! Brenda?” Tinaasan ko pa siya ng dalawang kilay ko. “Yung totoo? Kasi sigurado ako yung Brenda, pangalan mo ‘yan sa gabi.” Tinawanan ko siya ulit.
“Hmp! Ang mean mo Honey. Brenda nga ang name ko.” Pinagpipilitan niya pa rin ‘yung pangalang Brenda at ang arte pa ng pagkakasabi niya ng pangalan niya.
“Tss.. bahala ka nga d’yan. Mahirap ka kausap.” Akmang iiwanan ko ulit siya, pero hinawakan niya ako sa braso.
“Okay.. okay.. Ayoko mang sabihin pero..Ugh.” Umikot ‘yung mata niya. “Brandon. My name is Brandon, pero mas like ko ‘yung Brenda, mas bagay kasi sa ‘kin. Mas maganda. Like me.” Tss. Ang arte. May pakendeng-kendeng pa siya habang nakaupo.
“Ah.. Brando.. Nice to meet you Brando. Sige alis na ‘ko.” Itinaas ko pa ‘yung kamay ko sign ng pagpapaalam ko.
“Hey! Walang aalis. Kulit mo Honey. Alis ka nang alis, and it's Brandon not Brando but I prefer Brenda. Okay? Bren-duhh..” Naku, sumasakit ulo ko sa kanya. Masyadong mapilit at ang arte pa.
“Sige Brenda na kung Brenda. Pero pwede ba tigilan mo ang katatawag sa ‘kin ng honey? Hindi naman ako mukhang bubuyog at lalong wala naman tayong relasyon. Ngayon nga lang kita nakita eh.” Lord, sana tumigil na siya. Sana mapaniwala ko siyang hindi ko siya kilala.
Bigla niya ‘kong tinaasan ng kaliwang kilay. “Seriously? You don’t remember me? My God Honey, pagkatapos ng ginawa natin? Pagkatapos ng s*******n mong pagkuha sa aking puri. Anong klase kang lalaki?!”
“Hoy! A-anong bang pinagsasabi mo d’yan?” Tinakpan ko ‘yung bibig niya gamit ‘yung kamay ko. “At pwede huwag kang maingay d’yan. Baka may makarinig sa ‘yo.” Nakakahiya ‘yung mga lumalabas sa bibig niya. Tuloy pa rin ang pagtanggi ko. Paninindigan ko talaga ‘to hanggang sa sumuko siya.
“Parang nung gabi lang..” Umarte siya na parang ang lungkot-lungkot na akala mo iiyak na. “Ikaw pa kayang nagsabi na tayo na. Pinilit mo lang naman ako. Tapos ganito ang gagawin mo sa ‘kin?”
“Ano ba namang drama ‘yan?” Kunwari ‘di ako apektado sa mga ginagawa at sinasabi niya. Kaya mo ‘yan Alex. Umaarte lang ‘yan.
“Drama? Then how do you explain these?" Bigla siyang tumalikod, at itinaas ‘yung t-shirt niya para ipakita ang maraming kalmot sa likod niya. “Ikaw kaya may gawa niyan,” sabi pa niya.
“Hoy! Ibaba mo yan!” Tarantang sabi ko sa kanya, ‘tsaka ko ibinaba ‘yung t-shirt niya, at humarap siya sa ‘kin. Tumingin-tingin pa ‘ko sa paligid dahil baka may nakakita. Buti na lang mukhang wala naman.
“And meron pa kaya rito,” sabi niya at akmang itataas pa ‘yung t-shirt niya sa harapan, pero pinigilan ko siya bago pa niya ipakita kung ano man ‘yung balak niyang ipakita. “Ano? Sasabihin mo pa ba na hindi mo ako kilala, at walang nangyari sa atin?” tanong niya.
“Ginawa ko ba talaga ‘yan? Hindi ko ata maalala.” Ay naku naman! Nagtanong pa talaga ako.
“Yes.. Kaya panagutan mo ‘ko Honey.” Ano raw? Panagutan siya?
“Hoy! Anong akala mo sa sarili mo? Babaeng virgin na nabuntis at kailangang panagutan? Sa pagkaka-alam ko, sa akin may nawala pero sa ‘yo wala.” Ay naku naman ulit! Parang umamin na rin ako na kilala ko siya at alam kong may nangyari sa ‘min kagabi.
“Umamin din siya.” Kitang-kita ko ‘yung ngiti sa mata at labi niya. Natalo ako sa sarili kong bibig.
“A-anong umamin?” Maang-maangan ko pa rin kahit obvious na.
“Ah basta! Honey, kailangan panagutan mo ‘ko or else, kakasuhan kita ng rape.”
“r**e?!” Medyo napalakas ‘yung pagkakasabi ko. May sira ata ‘to sa ulo. Ako kakasuhan niya ng r**e?
“Yes, pinilit mo kaya ako.”
“Anong pinilit? Pumayag ka kaya!” ‘Diba pumayag siya? Teka, wala nga akong maalala eh!
“Eeee... Ang gwapo mo kasi eh,” malanding sabi niya na may kasamang pamimilipit pa. Arte talaga! Napasapo na lang ako sa ulo ko.
“D’yan ka na nga. Hindi ka maayos kausap.” Tumayo ako agad at buti hindi niya ‘ko napigilan. Binilisan ko ang lakad para hindi niya ako abutan.
“Honey, wait.. Honey!” Tawag niya habang nakasunod sa ‘kin. Kahit saan ako magpunta nakasunod siya at paulit-ulit niyang sinasabi na panagutan ko siya. Pinagtinginan tuloy kami sa canteen at napalabas kami ng library. Hindi ko na alam kung saan ako pupunta hanggang sa makasalubong ko si Cherry.
“Che—“ Babanggitin ko pa lang ‘yung pangalan ni Cherry pero nasapawan ako nitong baklang ‘to.
“Beshy!” Patili niyang tawag kay Cherry. Ano raw, beshy?! Kilala ba niya si Cherry?!