CHAPTER 4

1895 Words
CHAPTER 4 Bumangon at tumayo ako mula sa kama na papungas-pungas pa. Napahawak ako sa ulo ko kasi ang sakit. Pati buong katawan ko ang sakit. Lahat ata sa ‘kin masakit. Pagtayo ko medyo nanginig pa ‘ko, kasi parang sobrang lamig. Dahil sa lamig iniyakap ko ‘yung braso ko sa sarili ko, ar naramdaman ko na parang balat sa balat ang naglapat. Napatingin ako sa baba at napasigaw ako dahil wala akong damit. WALA AKONG DAMIT! Bigla akong napalingon nang may marinig akong mahinang ungol at hindi ko alam kung anong gagawin para matakpan ang h***d kong katawan, kaya bigla na lang akong umupo sa sahig at unti-unting sinilip ‘yung lalaking nakahiga sa kama na hindi man lang nagising sa ginawa kong pagsigaw kanina. Magandang lalaki siya, at ang ganda rin ng katawan niya. Pero sino ba ‘yun? Ano bang nangyari? Bakit wala akong damit? Oo nga pala wala akong damit! Nasaan ba ‘yung damit ko? Para matakpan ‘yung katawan ko, dahan-dahan kong hinatak ‘yung kumot na nakapatong doon sa lalaki sa kama. Mukhang tulog na tulog siya kasi hindi niya naramdaman ‘yung paghatak ko sa kumot. “Konti na lang, konting hatak na lang,” sabi ko sa sarili ko. Nang mahatak ko na ‘yung buong kumot, muntik na ‘kong mapasigaw ulit sa nakita ko. Nakadapa kasi siya at ‘yung.. ‘yung.. ‘yung p***t niya nakalabas! WALA DIN SIYANG DAMIT TULAD KO! Aaahhh! Ano ba talagang nangyari?! Ibinalot ko ‘yung kumot sa sarili ko at umupo ulit sa sahig. Pilit kong inisip at inalala kung ano’ng nangyari kagabi. Naalala ko sina Leighla. “Tama, nahuli ko si Leighla na may kahalikan. Boyfriend daw niya ‘yun tapos pinagtawananan nila ako. Nakakadiri raw ako. Tapos pumasok ako sa kwartong 'to.” Napatingin ako sa gilid ko. Nakita ko ‘yung mga bote ng alak na halos wala nang laman. “Naalala ko, uminom ako. Naglasing. May kainuman ako. ‘Yung baklang maganda.” Napatakip na lang ako ng bibig dahil sa mga sunod na naalala ko. Tayo na lang, tutal babae ka na na-trap sa katawan ng lalaki, at ako naman lalaki na na-trap sa katawan ng babae. Pwede ‘di ba? ‘Tsaka.. Ang ganda mo.. Sinabi ko ba talaga ‘yun? May nangyari ba sa ‘min? Kaya ba masakit ‘yung ano? Kailangan ko makasigurado! Tumayo ako at tinignan ‘yung kama. May bahid ng dugo. DUGO?! Sa ‘kin ba galing ‘to?! Gusto kong sumigaw, pero baka magising siya. Kailangan kong makaalis agad. Kailangan kong makalayo sa lugar na ‘to!  Hinanap ko agad ‘yung mga damit ko. Hindi ko kayang makaharap ‘tong baklang ‘to! Ano ba kasing kahibangan ‘yung ginawa ko! Naiinis ako sa sarili ko. Buti na lang nasa sahig lang ‘yung b*a at panty ko pati pantalon ko, pero ‘yung polo ko hindi ko makita. Tumingin ako sa kama, nagbabakasakaling nandoon, at tama nga ako. Nasa kama ‘yung polo ko, pero dinadaganan naman nung baklang bakulaw na mantika kung matulog. Huminga muna ako nang malalim bago ko sinubukang hatakin. Sa itaas na bahagi ng katawan niya lang ako nakatingin, dahil ayokong tignan ‘yung matambok niyang p***t. Sinabi ko bang matambok? Tss! Dinescribe ko pa talaga! Mahina lang ang paghatak ko dahil baka magising siya, pero walang nagawa ‘yung paghatak ko dahil ang bigat niya. Nilakasan ko nang konti ‘yung puwersa ng paghatak ko, pero dahil sa ginawa ko at dahil sa bigat niya, narinig ko na lang ‘yung pagkapunit ng polo ko. Ayos! Ayos na ayos talaga! Langyang bakulaw ‘to. Ang bigat! Ano na ngayon ang susuotin ko?! Naihilamos ko na lang ‘yung kamay ko sa mukha ko. Badtrip! Badtrip talaga! Wala na ‘kong susuotin dahil sa punit na nga ‘yung polo ko. Hindi ko pa ‘to makuha dahil dinadaganan nitong baklang bakulaw sa laki at bigat, kaya tinignan ko ‘yung mga cabinet. Baka sakaling may makuha akong damit, pero wala! Siguro guestroom 'to kaya walang damit. Ayos ‘to. Napakaswerte mo talaga Alex. Napakaswerte mo! Habang nakatingin ako sa baba at nag-iisip ng gagawin nahagip ng mata ko ‘yung iba pang damit na nagkalat sa sahig. Tama! Bakit hindi ko kaagad naisip ‘yun. Susuotin ko na lang ‘yung damit niya. Kinuha ko ‘yung pink na t-shirt sa sahig at isinuot ko ‘yun. Ang luwag sa ‘kin, pero nang suot niya ‘to kagabi hapit na hapit sa kanya. ‘Yung katawan ko ata, kalahati nung kanya. Nang makapag-ayos na ‘ko. Lumabas ako agad ng kwarto. Tumingin-tingin muna ‘ko sa paligid at buti na lang walang tao, pero puro kalat. Ang daming bote, baso at kung anu-ano pang kalat na naiwan ng dahil sa party kagabi. Habang pababa ako ng hagdanan, hirap na hirap ako lumakad. Hindi lang ulo at katawan ko ang masakit, pati yung ano ko kasi. Kinilabutan ako sa pag-iisip kung ano-ano ang mga pwedeng nangyari kagabi sa ‘min nung baklang ‘yun. Pagdating ko sa baba, may mga taong natutulog pa. Sa itsura nila halatang mga nalasing at doon na inabutan ng pagtulog. Pero wala akong panahon na tignan pa sila isa-isa kaya dali-dali akong lumabas ng bahay at ng gate bago pa may makakita sa ‘kin. Swerte ko naman na may dumaan agad na taxi. Kaya pinara ko kaagad at sumakay, saka ko sinabi sa driver ‘yung address ng bahay namin. Habang nasa taxi ako, naalala ko si Cherry. Nasaan kaya ‘yun? Sana naka-uwi siya nang maayos, at walang nangyaring masama sa kanya, ‘di tulad sa ‘kin. Kukunin ko sana ‘yung cellphone ko, para matawagan siya, pero lahat na ata ng bulsa ng pantalon ko kinapkap ko na, pero wala talaga ‘yung cellphone ko! Swerte ko talaga, naiwan ko pa ata doon ‘yung cellphone ko. Ano ngayon ang gagawin ko? Pero wala na ‘kong balak na bumalik pa doon, o magpakita sa kahit na sinong nasa party na ‘yun. Kaya hahayaan ko na lang ‘yung phone ko. Kung sino man makakuha noon, kanya na! Pagdating ko sa bahay, sinalubong ako ng yakap ng nanay ko. “Alex, saan ka nagpunta? Alalang-alala ako sa ‘yo! Hinanap kita kay Cherry, pero ang sabi niya hindi raw niya alam kung saan ka nagpunta dahil bigla ka raw nawala sa party. Tinatawagan namin ‘yung phone mo, pero naka-off. Alalang-alala talaga kami sa ‘yo.” Mangiyak-ngiyak pang sabi ni Nanay “Anak, patawarin mo ako kung naging sarado ang isip ni nanay. Tanggap ko na, tanggap kita, kung ano ka man. Kung ano man ang gusto mo, tanggap ko. Kung saan ka magiging masaya, susuportahan kita, kasi mahal na mahal kita.” Yakap-yakap pa rin ako ni Nanay, tapos hinalikan pa niya ‘ko sa ibabaw ng ulo ko. “Salamat Nay, mahal na mahal ko rin po kayo. Huwag na po kayong mag-alala, okay lang po ako,” sagot ko kahit na may halong pagsisinungaling ‘yung bandang dulo. **** “Bes! Saan ka nagpunta? Bakit mo ko iniwan doon sa party? Tawag ako nang tawag pero hindi mo sinasagot hanggang sa hindi na talaga kita matawagan. Alam mo bang naka-ilang balik ako sa banyo na halos magtira na ko doon! Muntik na rin akong hindi makauwi sa sobrang sakit ng tiyan ko. Akala ko nga aabutan ako doon sa taxi. Buti na lang napigilan ko. Hmp! Galit ako sa ‘yo. Iniwan mo ako!” Tampung-tampo na sabi ni Cherry. Nakahalukipkip pa ‘yung mga braso niya, at pagkatapos niya sabihin ‘yun tinalikuran ako. Nandito kami sa bahay nila ngayon. Pinuntahan ko siya para mag-sorry sa kanya. At siya lang kasi ang pwede kong pagkwentuhan ng nangyari sa ‘kin. “Sorry na. Kung alam mo lang ang nangyari sa ‘kin. Magpapasalamat ka na sakit ng tiyan lang ang naranasan mo kagabi.” “Bakit? Ano bang nagyari sa ‘yo? Ang alam ko lang badtrip ka at gusto mo nang umuwi.” Kinuwento ko sa kanya lahat ng nangyari, mula kina Leighla hanggang sa paggising ko kaninang umaga kasama ‘yung baklang ‘yun. “Ano?! Grabe Bes ah, ang landi mo. Akala ko ba tomboy ka, tapos nakipag-toot ka.” “Bakla siya Cherry! Ilang beses ko ba kailangang sabihin sa ‘yo na bakla siya.” “Kahit na, lalaki pa rin ‘yun.” “Pero bakla pa rin siya. Mas malambot pa balakang nun sa ‘kin. ‘Tsaka wala na ‘kong maalala, maliban na lang sa hinalikan ko siya. Nagising na lang ako kaninang umaga, tapos na, nangyari na ‘yung ‘di dapat. Malamang gising na rin ‘yun ngayon at panigurado tulad ko, diring-diri sa nangyari sa ‘ming dalawa. Hay, huwag na nga natin siya pag-usapan. Kinuwento ko lang sa ‘yo, dahil wala akong mapagsabihan. At para mawala na yang tampo mo sa ‘kin.” “Pero alam mo Bes. Naisip ko lang naman ha.. Tama ka naman, pwede kayong dalawa. Babae’t lalaki pa rin kayo. Nagkapalit nga lang. Medyo namali ata si Lord ng gawa. ‘Tsaka pareho kayong sawi sa pag-ibig. Bakit hindi na lang kayo?” “Kung pektusan kaya kita d’yan Cherry?” “Bakit? Ikaw naman unang naka-isip nun.” “Lasing ako kagabi.” “Pero matanong kita, pagkatapos ng ginawa ni Leighla sa ‘yo. Magkakagusto ka pa rin ba sa babae?” “Sa ngayon, ayoko na muna.” “Eh sa lalaki?" “Mas lalong ayoko. Para sa ‘kin pare-pareho lang ang mga lalaki. Masama ang ugali tulad ng tatay ko.” Kaya nga wala akong kaibigang lalaki. Ayoko sa kanila. At ‘yung mga nagtatangkang manligaw, basted agad. “Eh sa bakla?” tanong ni Cherry na may nakakalokong ngiti. “Babalik na naman tayo d’yan? Pepektusan talaga kita!” banta ko sa kanya. Tumawa lang si Cherry. “Huwag ka magsalita ng tapos Bes. Hmm.. sinasabi ko sa ‘yo.” **** Nasa school ako at tahimik akong nakaupo sa isa sa mga bench sa labas ng school nang may marinig akong ‘di kaaya-ayang boses. “Honey!” May narinig akong sumisigaw. “Honey!” sigaw ulit nung boses bakla. Tinatawag siguro boyfriend niya. Hindi ko na lang pinansin, dahil busy ako sa pagre-review para sa quiz mamaya. “Alex! Honey!” Nagulat ako nang marinig kong tawagin niya ‘yung pangalan ko. Itinaas ko kaagad ‘yung ulo ko para tignan ‘yung tumawag sa pangalan ko at sa totoo lang gusto kong magtatakbo paalis, dahil papalapit sa ‘kin ‘yung baklang bakulaw. Ang lapad ng ngiti niya at tinawag niya ulit ‘yung pangalan ko. “Alex! Honey!” at nang makita niyang nakatingin ako sa kanya. Malandi siyang tumakbo palapit sa ‘kin at tumabi pa ng upo. Nakangiti siyang humarap sa ‘kin. May pakagat labi pa siyang nalalaman, sabay sabi ng “Hi..” hinawi pa ‘yung buhok niya na akala mo ang haba, pero ang igsi naman. Wala akong naging rekasyon kundi, mapatunganga na lang. Lord katapusan na po ba ng mundo? Bakit nasa harapan ko ‘to?
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD