CHAPTER 6

1403 Words
CHAPTER 6 Mukhang gulat na gulat si Cherry, lalo na nang nakipagbeso-beso sa kanya si Brenda. “Ah, eh.. Hi?” ‘yun lang ang nasabi ni Cherry na may kasamang pagkunot pa ng noo. “Che, magkakilala kayo nito?” Nagtatakang tanong ko, habang tinuturo ko si Brenda sa kanya. “Ha? Hindi. Ikaw ang kasama niya ‘di ba? Bakit ako ang tinatanong mo,” sagot ni Cherry sa ‘kin, tapos inilipat ang tingin sa kasama ko. “Teka sino ka nga ba? At bakit beshy ang tawag mo sa ‘kin?” “Hi! I'm Brenda and bestfriend ka ng Alex honey ko,right? Kaya bestfriend na rin kita!” Inabot pa niya ‘yung kamay niya kay Cherry, hinawakan naman ni Cherry ‘yung kamay niya at nakipag-shake hands siya habang nakatingin sa ‘kin at bumulong ng “Honey?” Kitang-kita sa mukha ni Cherry ang isang malaking question mark. Takang-taka siguro bakit tinatawag akong honey nitong baklang ‘to. Tinanggal ko naman ‘yung pagkakahawak ng kamay nila at pumagitna sa kanila, at humarap ako kay Brenda. “Paano mo nalaman na bestfriend ko si Cherry? Ha?” Tinaasan ko pa siya ng dalawang kilay. “Honey, you left your phone kasi. Then I make browse-browse, kaya I saw your pics with your bestie! Ah..Wait!” May kinuha siya sa bulsa niya. ‘Yung phone ko pala. May pinindot-pindot siya tapos pinakita sa ‘kin. “Here oh.” Pinakita niya sa ‘kin ‘yung picture namin ni Cherry na inedit dati ni Cherry at nilagyan ng caption na BFF. “And because of your phone din kaya nalaman ko kung where ka nag-aaral. May pictures ka kasi wearing your school's P.E. Uniform.” Paliwanag ni Brenda na mukhang proud pa sa ginawa niyang pakikialam sa phone ko. Hablutin ko nga! “Akin na nga yang phone ko!” Kinuha ko ‘yung phone ko at inilagay ko kaagad sa bulsa ko. Baka pati password sa email ko makita pa niya rito sa phone ko! “Teka Alex. Naiwan mo ‘yung phone mo sa party ‘di ba? Don't tell me siya yung—“ Tinakpan ko agad ‘yung bibig ni Cherry. Pero kahit ‘di makapagsalita, ‘yung mga mata naman niya ang nagsasalita. Mukhang nagniningning sa tuwa. “Kung ano man ‘yung balak mong sabihin Che, huwag mo nang ituloy. Alam ko namang alam mo na ang sagot sa kung ano mang tumatakbo d’yan sa isip mo.” Pilit tinanggal ni Cherry ‘yung kamay ko na nakatakip sa bibig niya. “Sige na, hindi na ako magsasalita.” Tapos tinignan niya si Brenda, inikut-ikutan pa niya. “Oh my ikaw talaga ‘yon? Ikaw talaga? Shiyeet! Ang gwapo mo namang bakla ka!” Pinisil-pisil pa ni Cherry ‘yung muscle ni Brenda kaya tinapik nito ‘yung kamay ni Cherry. “Girl ah, kahit bestfriend ka ng Honey ko, masasapok kita. Hindi ako gwapo, maganda ako!” Masungit na sabi ni Brenda. “Uy ang taray! Like kita! Super like kita! Sige pumapayag na ako, bestfriends na rin tayo!” Pumalakpak pa si Cherry. Kaibigan ko ba talaga ‘to? “Really?! Oh my God Beshy!” At naghawak pa po sila ng kamay saka nagtatatalon. Nga-nga ako. Cherry? Seryoso? “Hay.. Bahala kayong dalawa d’yan.” Tinalikuran ko sila saka nilayasan. Sila na lang magsama kung gusto nila. “Bes! Sandali!” sigaw ni Cherry. “Honey!” Syempre papaiwan ba si Brenda? Malamang hindi. Inabutan na nila kong dalawa at nasa magkabilang gilid ko pa sila. “Bes, ililibre raw tayo ni Beshy. Tara!” excited na sabi ni Cherry. Basta pagkain talaga at libre ang bilis niya. Huwag sana siyang sakitan ng tiyan ulit. “Sige na Honey, treat ko. Ano bang gusto mong kainin?” Kumapit pa siya sa braso ko, at pilit ibinababa ‘yung ulo niya para ipatong sa balikat ko. Imaginine niyo na lang ang 5 feet na height ko sa tabi ng isang lalaking malaki ang katawan na kumekendeng-kendeng at sa tingin ko 5'11 ang taas. Ang sagwa ‘di ba? Ang sagwa-sagwa! Tinanggal ko ‘yung pagkakakapit niya sa ‘kin at inis na hinarap siya. “Tigilan mo ‘ko! Tigilan mo talaga ‘ko, kundi masusuntok kita!” Pero nginitian niya lang ako at wala akong nagawa nang hilahin nila ‘ko papunta ng canteen. Pinanindigan talaga nila ang pagiging bestfriends at ako ang pinagtulungan. “Cherry humanda ka sa ‘kin mamaya,” bulong ko kay Cherry, habang nasa pila kami at pumipili ng pagkain. “Ano ka ba? Bakit hindi mo bigyan ng chance ‘tong si Beshy,” pabulong na sagot naman niya. “Anong chance?! Nahihibang ka na ba?” “Mukha naman siyang mabait at type na type ka niya, hindi ka lolokohin ‘di tulad ni Leighla.” “Nakita mo ba kung paano siya kumendeng at kung paano pumilantik ‘yung mga daliri niya?” “Oo, babaeng-babae,” sabi ni Cherry sabay tawa. “Di ba ‘yon naman ang gusto mo? Babae?” Nakakaloko ‘yung ngiti niya. “Babae ang gusto ko hindi binabae ‘tsaka nakita mo ‘yung laki ng katawan? ‘Yung muscle? Hindi papasa kahit sa Miss Gay sa baranggay ‘yan. Pwede pa bouncer.” “Ayaw mo non, may girlfriend ka na may tigapagtanggol ka pa?” Hindi mawala ‘yung ngiti sa mukha ni Cherry. “Hay, ewan ko sa ‘yo. Kaibigan ba talaga kita?” Naputol ‘yung pagbubulungan namin ni Cherry nang tanungin kami ni ateng tindera kung ano’ng order namin. Sa inis ko kina Cherry at tutal si Brenda naman ang magbabayad, lahat ng nasa menu inorder ko. Hindi naman masasayang ‘yung pagkain dahil nandyan naman si Cherry para umubos. Si Brenda din ang pinagdala ko ng tray ng lahat ng inorder namin na sa dami hindi nagkasya sa isang tray kaya tinulungan na siya ng isa sa mga tindera sa canteen. Naghanap naman kami ni Cherry ng pwepwestuhan habang nakasunod lang siya sa ‘min. Nang nakapili na kami, sa sulok ako pumwesto. Hahatakin ko sana si Cherry sa tabi ko kaso nauna si Brenda at nag-give way naman ‘tong si Cherry, kaya si Brenda ang nakatabi ko. Habang sarap na sarap sila sa pagkain at pagkwekwentuhan, ako naman tahimik lang na nagre-review. “Beshy, nag-aaral ka pa ba?” tanong ni Cherry kay Brenda. “Hindi na.” “Ahh.. ano work mo?” “May sarili akong business.” “Wooow! Anong negosyo mo?” “May-ari ako ng isang restaurant. Minsan isasama ko kayo ni Honey doon.” Tss! Asa naman siyang sasama ‘ko. “Eh ‘di magaling ka magluto?” “Correct! Gusto niyo, ipagluto ko kayo. Kahit anong gusto ng Honey ko, lulutuin ko.” Umusog pa siya sa tabi ko at mahinang kinabig ‘yung braso ko. Kung siya kaya ang lutuin ko?! Taas ng pangarap eh. “Sige! Sige! Lahat ng paborito ni Bes ichichikka ko sa ‘yo!” Isa pa 'tong si Cherry. Isama ko rin kaya sa lulutuin ko ng buhay? ‘Di manahimik! Hindi pa sila tapos kumain nang iwan ko sila. May klase pa kasi ako. Akala ko ‘yun na ‘yung huling pagkikita namin pero palabas pa lang ako ng classroom nakita ko na silang dalawa ni Cherry. Buti hindi nila ako napansin, kaya sa kabilang pintuan ako dumaan para hindi nila ako makita. Kaso kung minamalas ka nga naman, ‘tong classmate kong si Arnold, pagkalakas-lakas na tinawag ‘yung pangalan ko at hinawakan pa ‘ko sa braso. “Alex! ‘Yung ballpen ko na hiniram mo, hindi mo pa sinasaoli.” Tss! Bwisit! Sana hindi nila narinig. Inis kong binuksan ‘yung bag ko at kinuha ‘yung ballpen niya habang pilit kong itinatago ‘yung sarili ko sa mga nagdadaanan kong mga classmate. “Ayan na! Salamat!” Inabutan ko rin siya ng scotch tape. “Para san ‘to?” tanong niya. “Tapal mo sa bibig mo.” Bulong ko. “Ha?” “Wala, sige na, ba-bye na.” Tinalikuran ko na siya at naglakad, kaso hindi pa ‘ko nakalalayo nang marinig ko na naman ‘yung ayaw ko marinig. “Honey!” Alex... Takbo!
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD