CHAPTER 3

2331 Words
CHAPTER 3 Malapit na kami sa may pintuan nang biglang mapatigil sa paglalakad si Cherry. “Wait lang Alex, p-parang ang sakit ata ng tiyan ko,” sabi niya na nakahawak na sa tiyan. ‘Yan kasi ang takaw. “Ang sakiiit. Natata.. Aaahhh! ‘Di ko na kaya,” sabi niya sabay takbo pabalik at iniwan akong mag-isa. “Tsk! Ano ba ‘yan? Cherry wrong timing ka naman.” Dahil sa kanya wala akong choice kung hindi hintayin siya. Hindi ko naman siya pwedeng iwanan nang ganon. Nasa labas lang ako ng bahay at tinitignan ‘yung mga taong sayang-saya sa party. Lahat sila tawanan nang tawanan. Ako lang ang mukhang binagsakan ng langit. “Alex..” May tumawag sa pangalan ko at humawak sa braso ko. Si Leighla at ang lungkot ng mukha niya. “Alex, sorry na. Hindi ko naman sinasadya ‘yung sinabi ko. Hindi naman ako against sa mga gay o..” Huminto siya saglit ‘tsaka itinuloy ‘yung sasabihin “lesbians. Ang ayoko lang ‘yung mga bading na trying hard magpakababae, kahit na ang lalaki naman ng mga katawan. Nagmumukha kasing katawa-tawa sa tingin ng iba. Parang ginagawa nilang katatawanan ‘yung pagiging bakla nila. ‘Yun lang. Kung na-offend kita, sorry. Pero wala akong masamang ibig sabihin sa sinabi ko kanina.” Mahabang paliwanag niya. “Kaya huwag ka na sanang magalit sa ‘kin.” Yumakap pa siya sa braso ko at hinilig pa ‘yung ulo sa may balikat ko. “Please?” Tinignan ko siya habang nakatingin din siya sa ‘kin. Pinapupungay pa niya ‘yung mata niya at medyo naka-pout pa ‘yung labi niya. “Please, bati na tayo,” sabi niya, kaya ngumiti ako at tumango na. “Thank you!” Masaya siya na nagka-ayos kami at sa sobrang saya ata niya nagulat na lang ako nang bigla niya ‘kong halikan sa pisngi. Napahawak tuloy ako sa pisngi ko at ‘di makapaniwala sa ginawa niya. “Tara na Alex, pasok na tayo ulit sa loob,” yaya niya at hinatak na niya ‘ko pabalik sa loob, para makisaya ulit sa party. Tapos na ‘yung nakakagimbal na performance nung limang bakla kanina. Balik na ulit sa kanya-kanyang kwentuhan, sayawan at inuman ‘yung mga bisita. “Alex, try mo ‘to.” May iniabot sa ‘king maliit na baso si Leighla na mukhang gulaman na kulay rainbow ‘yung laman at may buong cherry na may nakakabit pang tangkay. “Masarap ‘yan. You should try it.” Pang-eengganiyo pa niya sa ‘kin. “Ano ‘to?” tanong ko sa kanya. “Jello. Basta try mo na.” Hinawakan niya ‘yung tangkay nung cherry kaya natanggal ‘yung gulaman sa baso, tapos inilapit niya sa labi ko. “Say ahhh..” sabi pa niya kaya ibinuka ko naman ‘yung bibig ko para kainin ‘yung gulaman na isinusubo niya sa ‘kin. Nginuya ko ‘yung gulaman at napatango-tango ako. Masarap nga siya. “Di ba masarap?” sabi niya nang nakangiti pa sa ‘kin. “Masarap,” sagot ko naman. Naka-ilang subo pa ng gulaman si Leighla sa ‘kin. Pagkatapos bigla akong hinatak na naman para sumayaw. Tulad kanina ang kislot na naman ng mga kilos niya. Ako naman, konting kilos lang kasi parang nakakaramdam na ako ng pagkahilo. Hindi ko alam kung dahil ba sa likot ng mga ilaw o kung nalipasan ba ako ng gutom kasi wala pa ‘kong nakaing matino maliban sa gulaman na pinakain sa ‘kin ni Leighla kanina. Sumasayaw si Leighla sa harapan ko at unti-unti niyang nilalapit ‘yung mukha niya sa ‘kin. Mapupungay ang mga mata niya at ang pula ng labi niya na paminsa-minsan ay kinakagat ang ibabang bahagi nito. Inilalapit niya ang labi niya sa ‘kin na para bang inaakit ako na halikan ko siya, pero kapag lalapit naman ako bigla siyang lumalayo. Hinawakan ko siya sa bewang para medyo mapigilan ko ‘yung pagkilos niya, ‘tsaka ko siya tinitigan sa mata. “Leighla, mahal kita.” Unti-unti kong inilapit ‘yung mukha ko sa kanya para halikan siya, pero tulad kanina umiwas na naman siya. “Pagod na ‘ko. Upo muna tayo,” sabi niya kaya naupo muna kami sa couch kung saan may babae't lalaki na naghahalikan at walang pakialam sa mga nakakakita. “Restroom muna ko ha?" sabi ni Leighla na tumayo agad at umalis. Ang tagal mag-banyo ni Leighla, kaya sa inip ko, kinain ko na lang ‘yung gulaman na nakita kong nasa tray na nakapatong sa maliit na lamesang nasa harapan ko. Naka-lima ata ako. Ang sarap kasi, lalo na mahilig ako sa cherry. Speaking of Cherry, nasaan kaya ‘yung bestfriend ko? Nagtira na ata sa banyo. Parang 20 minutes na ata akong naghihintay kay Leighla pero hindi pa rin siya bumabalik at ‘yung pagkahilo ko lalo pa atang tumitindi. Konting kilos ko lang umiikot ‘yung paningin ko. Mukhang kailangan ko na umuwi. Kahit ang hirap maglakad, hinanap ko si Leighla. Sa paglalakad ko ang dami kong nakabungguan. “Sorry po. Pasensya na.” Paghingi ko ng paumanhin sa kanila. “Alex! Kanina pa kita hinahanap. Puntahan mo raw si Leighla. Nasa CR siya, sa taas. Dulong pintuan sa kaliwa,” sabi ni Pie sa ‘kin nang makasalubong ko siya. “Ok, thanks,” sagot ko naman kahit umiikot na ‘yung paningin ko. Habang papanik ako ng hagdan, nakahawak na ako sa pader bilang suporta. Hanggang sa makarating ako sa dulong pintuan sa kaliwa, nakahawak pa rin ako sa pader. Nang nasa tapat na ‘ko ng pintuan, may narinig akong mahinang halinghing. “Leighla, nandyan ka ba?” tanong ko. Walang sumagot pero tuloy pa rin ‘yung naririnig ko sa kabila ng pintuan ng banyo. “Ok ka lang ba?” Hinawakan ko ‘yung doorknob at dahan-dahan kong inikot. “Papasok ako ha?” Paalam ko pa sa kanya. Pagbukas ko ng pintuan, nagulat ako sa nakita ko at parang nawala ‘yung pagkahilo ko. Si Leighla nakita kong nakikipaghalikan sa isang lalaki na hindi ko kilala. Walang kahit na anong bakas ng pagkagulat sa mukha niya. Ngumiti pa siya sa ‘kin at nagsalita. “Hi, Alex. Ah, pwedeng lumabas ka na? Nakakaistorbo ka kasi sa ‘min.” Ngumiti nang nakakaloko ‘yung lalaking kasama niya. “Anong ibig sabihin nito Leighla?” Hindi ko kasi maintindihan ‘yung nakita ko at nangyayari. Kanina lang okay kami ni Leighla, tapos biglang nagbago at ngayon may lalaki na siyang kasama. “Si Stephen nga pala boyfriend ko,” sagot niya na parang wala lang sa kanya. Na parang wala siyang pakialam na apektado ako at nasasaktan sa ginagawa at sinasabi niya. “Boyfriend? Kung may boyfriend ka, bakit hinayaan mo pa ‘kong ligawan ka? ‘Tsaka akala ko okay tayong dalawa? Hinalikan mo pa nga ako kanina,” sabi ko, pero isang malakas na tawa ang narinig ko galing sa kanya. “At dahil sa halik na ‘yon, sa tingin mo gusto na rin kita?” Tumawa siya ulit. “Alam mo Alex, sa totoo lang nandidiri ako sa ‘yo. At ano bang pumasok d’yan sa kokote mo na magkakagusto ako sa ‘yo? Napag-tripan ka lang naman namin kaya sumakay ako d’yan sa kahibangang panliligaw mo. Sa totoo lang inis kasi ako sa ‘yo. Ayoko sa ‘yo. Mapagpanggap ka! Ang daming lalaking nagkagusto sa ‘yo, ‘yun naman pala tulad nila, babae rin ang hanap mo. Nakakadiri ka!” “Alam mo babe, hindi ko nga rin akalain na nagkagusto d’yan ‘yung kabarkada kong si James.” Tinignan ako mula ulo hanggang paa nung Stephen. “Ang ganda sana kaso tomboy naman pala.” Ano bang masama sa pagiging tomboy? Ang kapal ng mukha nitong Stephen na ‘to. Maskuladong mukha namang kuko. “Tomboy na, ilusyonada pa,” tumatawang sabi ni Leighla. Hindi ko na kaya pang tiisin ‘yung mga sinasabi nila sa ‘kin.  Tumalikod na lang ako para umalis. Nakasalubong ko pa sina Amber at Pie na tumingin nang nakangisi sa ‘kin. Naiiyak ako. Grabe sila kung husgahan ang pagkatao ko. Pero sa bagay kahit nga sariling nanay ko, hanggang ngayon hindi pa rin matanggap ‘yung totoong ako dahil hanggang ngayon hindi niya pa rin ako iniimik. Rinig ko ‘yung tawanan nina Pie, Amber at Leighla. Alam kong ako ang pinagtatawanan nila. Isama pa ‘yung mga tawanan ng lahat ng tao na nandito sa party, pakiramdam ko lahat sila ako ang pinagtatawanan. Ayoko nang makarinig pa kahit isang tawa o halakhak ng sino man, kaya nang may makita akong isang pintuan, binuksan ko kaagad ‘yun at pumasok. Walang tao sa loob kaya agad kong ni-lock ‘yung pintuan. Iyak ako nang iyak. Ganito ba talaga kalupit ang mundo para sa mga taong tulad ko? Kasalanan ko bang ipanganak akong babae, pero umibiig din sa babae? Hindi ko alam kung kaninong kwarto ba ‘yung pinasok ko, pero kung kanino man 'to nagpapasalamat ako kasi may nakita akong bote ng alak. Agad ko ‘yong kinuha at nilagok ang laman. Hindi ako sanay uminom lalo na ng ganun katapang. Ang init at gumuguhit sa lalamunan hanggang sa sikmura. Noong una nasasamid pa ‘ko at hindi ko makayanang inumin, pero sa sama ng loob ko napilit kong lagukin. Sa bawat lagok kasabay noon ang pagluha ko. Medyo tinatamaan na ‘ko, pero ayos na rin ‘yun at least makakatulog ako at kahit sandali makalimutan ‘yung sakit na pinaramdam sa ‘kin nina Leighla. Nakaupo ako sa kama at hawak ‘yung bote nang biglang may bumukas na pintuan sa likuran ko. Pintuan ata ng banyo ‘yun. Agad akong napalingon. Hilo na ‘ko at hindi ko na rin siya maaninag masyado, pero sa tingkad ng kulay ng suot niyang damit at ng wig niya alam kong isa siya sa mga baklang sumayaw kanina. “Sorry. Hindi ko alam na may tao pala rito,” sabi ko at akma na ‘kong tatayo pero bigla akong napaupo ulit sa kama. Lumapit siya sa ‘kin at umupo sa tabi ko. “Are you okay?” tanong niya. “Tanga ka ba? Mukha ba ‘kong okay?!” Kita niyang luhaan ako, may hawak na bote ng alak tapos tatanungin niya ‘ko kung okay lang ako. Patawa rin ‘tong baklang ‘to. “Sabi ko nga hindi ka okay. Sige, maiwan na kita d’yan,” sabi niya tapos tumayo, pero pinigilan ko siya, at hinawakan ko siya sa braso. "Teka lang. Dito ka na lang, samahan mo ‘ko uminom. Tutal magka-uri naman tayo,” sabi ko habang hilong-hilo na ‘ko. “What’s your problem ba?” tanong niya sabay kuha ng bote sa ‘kin. Tumingin naman ako sa kanya. Iba na ‘yung mukha niya. Wala na kasi ‘yung makapal na make-up niya. Ganda pala niya. “Inom ka muna bago ako sumagot.” Dapat damayan niya ‘ko ‘di ba? ‘Tsaka mukhang naka-inom na rin siya kasi amoy alak na rin siya. Sumunod naman siya sa sinabi ko at uminom din siya ng alak mula sa bote. Daldal ako nang daldal habang siya naman inom nang inom at nakikinig lang sa ‘kin. Parang mauubos na nga niya ‘yung laman ng bote. “Uy ang daya mo ah. Inuubusan mo ‘ko,” sita ko sa kanya, kaya inabot niya sa ‘kin ‘yung bote tapos tumayo siya at pagbalik niya may hawak siyang sariling bote ng alak. Aba maglalasingan talaga kami ha. Sige, game ako d’yan. “Bakit ba ganon ang mga tao? Kasalanan ba talaga maging bakla at tomboy? Bakit ba hindi nila tayo matanggap?” Habang nagsasalita ako parang maiiyak na naman ako. “Kahit nanay ko, hindi ako matanggap.” “Same pala tayo,” sagot naman niya. “Ewan ko ba, bakit hindi na lang nila tanggapin kung saan tayo masaya.” “Tama!” Pag-sang-ayon ko sa kanya. Nagkakaintindihan kami, kasi pareho kami ng nararamdaman. “At tama na rin ‘yan pogi. Lasing ka na,” sabi niya tapos kinuha ‘yung bote sa ‘kin, pero inilayo ko ‘yung bote sa kanya. “Pagkatapos mo ibigay sa ‘kin ‘to at kumuha ka ng sarili mo, babawiin mo? ‘Tsaka nag-e-enjoy pa ‘ko, kaya inom pa!” sabi ko sabay inom ulit ng alak. “Sino pa lang hindi makatanggap sa ‘yo?” tanong ko sa kanya. “My Dad,” sagot naman niya. “Eh, sa pag-ibig nasaktan ka na ba? Nagka-boyfriend ka na ba?” “Oo, pero isang beses pa lang naman.” “Uy.. Pihikan si bakla,” biro ko sa kanya. Natawa naman siya o baka kinilig sa pag-alala sa ex niya. Buti pa siya, kahit isang beses naranasan niyang mahalin siya. Eh ako nag-uumpisa pa lang bigo agad. “Uy, bakla..” bakla lang tawag ko sa kanya kasi nakalimutan ko ‘yung pangalan niya. “Bakit pogi?” “Tayo na lang kaya?” “Huh?” Inilapit ko ‘yung mukha ko sa kanya. “Tayo na lang, tutal babae ka na na-trap sa katawan ng lalaki, at ako naman lalaki na na-trap sa katawan ng babae. Pwede ‘di ba? ‘Tsaka.. Ang ganda mo..” sabi ko at saka ko siya hinalikan. Gumanti naman siya pero tumigil din sa paghalik sa ‘kin. “Wait, hindi 'to pwede,” sabi niya. “Pati ba naman ikaw tatanggihan ako? Isipin mo na lang lalaki ako, tapos iisipin kong babae ka,” hinalikan ko siya uli at humalik din siya pabalik sa ‘kin. At nangyari na ang gabi na hindi dapat nangyari.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD