26 - Stand by You

2677 Words

Kael “DR. KAEL” Guzman Habang hinahantay na umusad ang mga sasakyan sa aming dinaraanan ay palihim ko naman tinitignan ang babaeng nakaupo sa aking tabi. Nag-apply siya ng manipis na foundation sa kaniyang mukha. Pati ang pilikmata at kaniyang kilay ay kaniyang inayusan. ‘Lumalabas ang kaniyang natural na ganda kapag ganito lang kasimple ang kaniyang kolerete sa mukha.’ Dahil tulala habang tinitingnan siya ay hindi ko na namalayan na nakatingin na rin pala siya sa akin. Nakangiti ito habang inaayos ang kaniyang lipstick. Kahit hindi nakaharap sa salamin ay maayos niya pa rin nailalagay ang lipstick sa kaniyang labi. “Muah!” Hinalikan niya ako. Ngumingisi pa siya dahil sa kapilyahan na kaniyang ginawa. Marahan niyang dinampi ang aking labi. “Kala ko hindi magmamantsya sa labi mo,” sabi

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD