Chapter 46

2400 Words

HABANG papalapit nang papalapit ang kinasasakyang bridal car ni Maryey sa St. Catherine of Alexandria Parish Church ay pabilis din nang pabilis ang kabog sa dibdib niya. Iyon na ang araw na pinakahihintay niya. Nila ni Sergio. Tatlong araw na literal na wala silang contact ng nobyo dahil kinuha sa kanya ang kanyang cellphone para daw hindi siya mas ma-stress at para sarili lang niya ang alalahanin niya. Maging ang labas ng simbahan ay napakaganda rin ng pagkakagayak. Napakaganda ng flower arrangement. Tipong hindi tinipid kahit kaliit-liitang detalye. The moment na pumasok ang kinasasakyan nila sa gate ng simbahan ay agad iyong isinara ng mga nakabantay roon. Maraming pulis na nasa paligid ng simbahan para sa seguridad ng mga tao na dadalo sa naturang kasal. Pinagmasdan niya ang bouquet

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD