Chapter 44

1592 Words

GUMUHIT ang munting ngiti sa labi ni Sergio nang makita si Maryey na himbing ng natutulog sa kama nila. Hindi na siya nito nahintay at tinulugan na siya. Katatapos lang niyang gumamit ng banyo. Naglakad siya palapit sa kama at maingat na tinabihan si Maryey. Pinaunan niya ito sa kanyang braso at niyakap. Hinalikan pa niya ito sa noo bago siya pumikit. Tiyak na napagod ito masyado kanina sa surprise party para sa kanila ng nobya. Kaunting tulog pa at darating na ang pinakahihintay nila ni Maryey na araw. Napakabilis nga talagang lumipas ng panahon. Parang kailan lang nang una silang magtagpo ng landas ni Maryey… May ngiti sa labi na pinilit na ni Sergio na makatulog. Kinabukasan, nagising si Sergio sa ingay na nagmumula sa banyo. Pupungas-pungas na bumangon siya. Wala sa tabi niya si Ma

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD