HINDI magawang alisin ni Maryey ang tingin sa babaeng palapit ngayon sa kanila. Nakatingin din ito sa kanya na ware’y kinikilala siya. “Maryey?” sa wakas ay bulalas ni Casmel nang mamukhaan siya. Hindi siya agad nito namukhaan dahil nakaayos siya katulad nito. “Magkakilala na kayo?” gulat na wika ng Mommy Corazon ni Sergio. Tumingin pa si Casmel kay Sergio at makahulugan na nginitian. Dahil nagpaling ng tingin si Maryey sa mommy ni Sergio kaya naman hindi iyon nakita ni Maryey. Si Casmel ang mabilis na sumagot. “Opo. One week ago, if I’m not mistaken.” Nilapitan siya ni Casmel at bineso sa pisngi. Bigla ay parang nahilo ang pakiramdam ni Maryey nang maisip ang mga ikinuwento ni Casmel noon sa kanya sa Monterey Mall. Ang lalaking tinutukoy nito sa mga kuwento nito ay si Sergio kung hin