Chapter 2

1512 Words
"Buntis?" Di makapaniwalang tanong n'ong matandang lalaki. "Oo buntis ako!" Sagot ko kahit nahihirapan ako sa pagdilat. Panay agos rin ang mga luha ko dahil sa putik na KATINKO 'to. Lumipat ang tingin no'ng matanda sa groom na nasa may altar. "Lucas, what is this? Nakabuntis ka ng ibang babae? How could you?!" Galit na singhal n'ong matandang lalaki doon sa groom at nilapitan pa ito. OH MY GOSH! Ano ba 'tong pinaggagawa ko. Nakakainis. "N-No! I...I didn't know her." Tanggi n'ong lalaki na halatang naguguluhan sa mga nangyayari. Kunot-noo itong nakatingin sa 'kin at puno ng pagtataka ang mukha. Pero kung sabagay, dapat lang naman na magtaka siya kasi sino ba naman talaga ako, hindi ba? Hindi hamak na sampid lang ako sa kasalan at relasyon nila, ni-hindi ko nga rin kilala kung sino siya. As in wala! Wala akong kilala ni-isa sa kanila. "Sinungaling ka!" Sigaw n'ong matandang lalaki sabay unday ng suntok sa mukha n'ong groom. OMG! Ito na nga ba 'yong sinasabi ko eh. Gulo lang 'tong pinasok ko. So, paano na ako magi-exit mode ngayon? Sh*t! "Dad, stop!" Pigil n'ong bride sa ama niya na nagpupuyos sa galit. Ganito pala makakita ng live drama. Ang ganda huh. Infairness parang pelikula. Oh f*ck! Naisip ko pa talaga 'yon, ano? Nagkakagulo na nga rito dahil sa pinagga-gawa ko. Nilibot ko ang paningin ko sa buong lugar. Halos lahat ng tao na narito ay panay ang bulungan. Tila hindi sila makapaniwala sa nangyayari. Pero nasisigurado ko, sa ginawa kong ito ay kasama na ako sa viral list sa Pilipinas. Siguro malalagay din ako nito sa Pep with a caption "Ang siraulong intruder" Tsk! Ang saklap lang. Kinakakailangan na talagang makahanap ako ng paraan para maisaayos ang lahat bago mangyari ang pinag-iisip ko. Kailangan ko ng sabihing "GUYZ PRANK LANG PO 'TO" ganoon para matigil na sila. Pero ang tanong, paano? Baka ipalapa lang nila ako sa buwaya o ipakain sa leon kapag nagkataon. AYOKO PANG MAMATAY, LORD. "Stop it." Pag-aawat na rin no'ng iba na malamang ay relatives no'ng lalaki. Grabi na kasi, dumudugo na 'yong labi n'ong groom. Nakakaawa naman. "Eh, kagagahan mo rin kasi." Sagot ng konsensiya ko. Teka bakit ako? Hindi ko naman kasalanan, 'di ba? Sisihin kaya nila si Avah, 'yon ang may pakana nitong lahat. Nandito pa naman kami sa simabahan pero gulo itong inabot namin. Isa talaga itong malaking kasalanan. Sobra-sobra na ang kasalanan ko. Buhay pa ako pero sinunog na ang kaluluwa ko. Pero napilitan lang din naman ako, e. Hindi ko naman ginustong gawin ito. Sadyang wala lang talaga akong choice dahil kung hindi ko ito gagawin, mapipilitan naman akong magbigay ng isang milyon bilang pustahan. Tss...saan naman ako kukuha ng ganoong kalaking pera, e, piso nga hirap ko ng kitain, isang milyon pa kaya? Kagat-labi akong napabuntong hininga ng biglang mag-vibrate ang phone ko. Si Avah nagtxt! "Good job girl! You make it. Ang ganda no'ng kuha namin. Now, stop acting and tell everyone that it was only a prank. Je'taime!...Muahhhmuahh tsupp tsupp." What a sh*t text is this? Paano ko naman sasabihing prank lang ang lahat ng ito, e, nagkakagulo na nga. Baka ako ang masakal dito. "Astrid, please let me explain." Rinig kong pagmamaka-awa n'ong groom d'on sa bride kaya napatingin ulit ako sa kanila. "I trusted you, Lucas, pero bakit mo nagawa sa 'kin 'to? I love you and you know how much I am pero ginago mo lang ako. I...I dont know if I can bare with this." Umiiyak na sabi nung babae habang umaagos ang luha sa pisnge niya. Awts, nakakaiyak naman. Para lang akong nanonood ng love story. And at this moment, they look like "Pinagtagpo pero 'di tinadhana" ang sakit! Feel na feel ko 'yong sinasabi n'ong babae. "Love, please let me explain." Pagmamakaawang muli nang groom na ngayo'y nakaluhod na sa harapan no'ng babae. "No! I'm done enough with you, Lucas. I'm sorry but I think this wedding is over. " Sagot n'ong bride at nagwalk-out. Hala! Lagot na. Paano ko na ngayon aayusin 'to? Ang gag* mo kasi self, eh. Hindi ko alam na aabot sa ganito Sinira—este nasira ko na talaga 'yong kasal nila. Lagot na. Habang abala sa panonood sa nangyayari ay muli na namang nag-vibrate ang phone ko at nang tingnan ko kung sino ay ang pangalan ni Gavin ang nabasa ko. "Girl, umalis ka na diyan. We're here already at the car, sumunod ka na. Dali!" with scary emoticon pang kasama. Peshti langs! Iniwan nila ako rito? Paano na ako ngayon? Haizzzt! Bw*sit talaga. "Hey you!" sigaw nung groom kaya napalingon ako sa kaniya. He looks so mad. Nakakatakot 'yong titig niya sa 'kin, para niya akong sasabugan ng apoy sa sobrang galit. "M-me?" Nag-aalangang tanong ko habang tinuturo ang sarili. Tangangers ka self! Syempre ikaw 'yong tinuturo niya, ikaw lang naman sumira sa kasal nila. Shunga! "I will make you pay for this. You assh*le!" Mariing saad niya habang nanggagalaiti sa galit. I'M REALLY DEAD NOW! Sh*t! Sh*t! Sh*t! (End of Flashback) "Hoy, Refrigerator!" Sigaw ni Avah sa may tainga ko. B'wisit, e. "Ano ba, Avah?! Sisirain mo ba talaga ang tainga ko?" Inis na wika ko habang nakahawak sa magkabila kong tainga. "Kasi naman po kanina pa po kami salita ng salita rito pero hindi ka naman po nakikinig," depensa niya. "Eh, bakit ba kasi, huh?" Iritang tanong ko at saka ininom ang milktea ko "Kasi ang sabi ko. Nagtrending po 'yong ginawa nating prank sa kasal. Famous na famous ka na, 'Day." Wala sa sarili akong napatango habang umiinom ng milktea. "'Yun lang naman pala eh—" Nahinto ako sa pagsasalita ng mapagtanto kung ano 'yong sinabi niya. "HOLY COW! A-anong sabi mo?". Naibuga ko pa iyong milk tea mula sa bunganga ko dahil sa sobrang pagkagulat. My Ghod! Ano'ng trending? Hindi puwede. It cant be. "Yuck, Fridge! Nakakadiri ka." Nandidiring ani Gavin habang pinupunasan ng tissue ang braso niya na mukhang natalsikan ng naibuga kong inumin. Well, sorry nalang sa kaniya. Hindi ko sinasadya. "Ahhhhh!" Sigaw ko dahil sa sobrang frustration habang binabatukan ang ulo ko. Hindi ko kaya, e. Hindi ko ini-expect na magiging ganito kalala iyong pinagga-gawa ko. "Hoy, ang ingay mo, ah! Kanina lang, kami 'yong sinisita mo tapos ngayon, isa ka rin pala." Suway ni Avah habang panay titig sa cellphone niya. Padabog ko siyang hinarap. "Kasi naman, e. Bakit mo pa kasi in-upload?" Mapait na mukhang tanong ko. "Hala siya!" sambit naman ni Gavin. Sandaling napatingin sa 'kin si Avah at tinapik ang balikat ko. "Look, Fridge, ayaw mo ba n'on? Famous ka na girl, oh. Kita mo nga, ang ganda kaya ng badge mo sa social media, THE BEST WEDDING INTRUDER OF THE YEAR, 'di ba, ang ganda?" Malapad na ngiting sabi niya kung kaya't agad ko siyang binato ng straw mula sa milk tea ko. "Ano'ng maganda r'on? Sirang-sira na ang buhay ko nito. B'wisit ka kasi," problemado kong sabi. "Wait! Bakit kasalanan ko?" Sabay turo niya sa sarili niya. "Wala naman akong ginagawa, ah! Ikaw nga 'tong may ginawa." Sabay taas niya ng dalawang kilay na tila nang-aasar. "Kung kaltukan ko kaya 'yang ulo mo? Baka nakakalimutan mo ikaw may pasimuno nito, g*go!" "Relax, Fridge! Masyado kang hyper, e. Why don't you just be happy? Ang dami na kaya nating subscribers sa YT channel natin, oh. Clap!clap!clap!" Masayang wika naman ni Gavin habang pumapalakpak. Haizzt! Mga siraulo talaga 'to. Mas iniisip pa talaga 'yong subscriber kaysa sa 'kin. Paano ako? "Yeah! Let's just be happy, okay? And besides, nandito naman si Gavin-net para i-defend ka kung sakali man na idemanda ka n'ong tao," sang-ayon ni Avah. Hindi makapaniwalang napatingin ako kay Gavin at napakamot sa may tenga ko. "Sa kaniya? Huwag nalang, noh!" Kita ko ang pangungunot ng noo ni Gavin ng sabihin ko iyon. Parang disagree siya. "FYI lang, ah! Magaling po akong abogado. Kaya don't me. Kaya kitang ipaglaban." Depensa niya habang nakataas ang isang kamay na para bang nanunumpa. "Kapag nasa katwiran?!" Malakas na sabi ni Avah at itinaas din ang isang kamay sa ere. "IPAGLABAN MO!" Sabay nilang sabi. Nai-ikot ko nalang ang mga mata ko at napailing. "Siraulo!" Sabi ko saka tumingin kay Gavin. "Ano'ng gagawin mo? Baka nga ipagkanulo mo lang ako, like what you did to your client before remember?" Taas kilay na sabi ko. Last time kasi na nanonood kami sa hearing n'ong client niya, puro kapalpakan lang 'yong pinaggagawa niya. Imbes na ipagtanggol 'yong client niya, hinayaan niya lang. Ang ginawa niya lang ay magpa-cute r'on sa isang pulis na crush niya. Tsk! "Well! Dati 'yon kasi nand'on si crush kaya nawala ako sa sarili, but in case they'll sue you. Promise I will defend you as much as I can." Wow! Ang sarap pakinggan pero ang hirap paniwalaan. Alam ko na ang tumatakbo sa utak niyan, e. Pabago-bago, mahirap pagkatiwalaan. Kahit pa sabihing matalino siya, wala pa rin akong tiwala sa pagkuha sa kaniya bilang abogado...charoot! Alam ko na magaling pero...ayoko pa rin talaga siyang kunin na abogado ko, if ever. Lol
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD