Chapter 1

1784 Words
"BINGO!" Natakpan kong bigla ang dalawang tenga ko dahil sa kaingayan ni Avah. Sobrang lapit lang namin sa isa't isa kaya nakakairita.Daig niya pa iyong may megaphone sa bibig kung makapagsalita. Ang sakit sa eardrums. "Will you please lower down your voice, Avah? Hindi lang po tayo ang nandito, okay? Nakakahiya!" Inis na saway ni Gavin rito. "Ang arte mo!" Baling sa kaniya ni Avah sabay ikot ng mga mata bago muling tiningnan ang isang lalaki na nasa hindi kalayuan, sa kabilang mesa. "See? I knew it! That boy in a white and v-neck shirt is a gay," pagmamalaki pa niyang sabi. Mula sa lagyanan ng milktea ay lumipat ang tingin ko sa tinutukoy niyang lalaki at kinilatis kung tama nga ang hula niya. From there, I guess he is. Naka-cross ang mga dalawang binti niya. Tapos may pataas-taas pa ng daliri habang umiinom. Ang taray niya sa totoo lang. Pero infairness pa rin sa kaniya ah, kahit ganoon siya ay hindi rin naman maipagkakailang guwapo siya. Nakakapanghinayang. "And so? You think we care about that?" Rinig kong sagot ni Gavin kung kaya't napapangiti akong napalingon sa kanilang dalawa. "Alam mo ang kj mo talaga, Gavin-net!" nakabusangot na ani Avah. Ako naman ay hindi ko maiwasang hindi mapangiti habang pinagmamasdan sila. Parang mga bata kung magbangayan, e. "Whatev'. I dont care," muling sagot ni Gavin na sinabayan pa nang pag-ikot ng kaniyang mga mata. Tss...what a childish. "P'wede bang tumigil na kayong dalawa? Ang rindi niyong pakinggan. Bw*sit," saway ko. Pinagtitinginan na kasi kami ng ilang nandito rin sa starbucks dahil sa kaingayan nila. Tumingin ang mga ito sa akin at tinaasan ako ng isang kilay. "And so? We don't care." Sh*t. Imbes na masindak ay mas lalo lang silang lumala. Parang mga hinayupak talaga. Mga walang konsiderasyon, mga takas sa mental. Pinagtitinginan na kami ng ibang tao rito dahil sa kaingayan ng dalawang 'to. Hay naku! "Galit na yan si, Refrigerator." Pang-aasar pa nila saka nag-apir habang tumatawa. And since, I already had nothing to do with that again, I choose to be silent here instead. Sa akin na naman 'yong spot light, e, spotlight for me to be pissed. Actually, mahaba naman ang pasensiya ko, e since I'm a graduate of medicine dapat talaga ay mahaba ang pasensiya. Pero t*ng'na lang. Kapag kasama ko itong dalawang babae na 'to, umiiksi ang pasensiya ko. Sagad na sagad ang pasensiya ko talaga. Yes, heard it right also. I was a graduate of medicine but I am not a doctor. Graduate lang ako sa pagiging doctor, pumasok ako sa med school at pumasa naman kahit papa'no pero wala akong license. Matapos kong makapag-aral ay hindi na ako pumasok sa mga internship programs at hindi ko na rin ipinagpatuloy pa ang specialization ko. Diploma lang ang meron ako pero okau na 'yon. Hindi ko naman pinangarap ang maging isang doctor, e. Not ever. So, ayun nga. Since, pinangunahan ako ng katangahan ko, ngayon ay isa lang akong receptionist sa isang five star hotel dito lang din sa bayan. Wala, eh, ayoko talagang maging doctor. Kinuha ko lang din naman ang course na 'yon kasi iyon ang gusto ng mga magulang ko. Wala akong choice, I have to obey them. My parents are both doctors that's why they want me to be like them. Pero syempre matigas ang ulo ko. Hindi ko tinupad ang pangarap nila para sa 'kin. Okay na rin naman siguro 'yon. Sinunod ko na rin naman sila kaya't ngayon, 'yong gusto ko naman ang susundin ko. And also, this two annoying ladies beside me are my friends. Mga kaibigan kong takas sa mental. Charr Nakilala ko sila way back first year high school. Kami 'yong tinatawag na "the black sheep students" sa eskwelahan namin. 'Yong tipong wala kaming kwenta sa harap ng ibang tao tapos nagsama-sama pa kami. Tss...dagdag gulo, mga ugok ang ulo, 'yan ang turing nila sa 'min. But we don't care anymore as long as we're happy and contented from each other's company. Wala naman kaming tinatapakan na ibang tao. Iyong kaninang saway ng saway kay Avah ay si Gavin, Gavin Mendoza. Isa siyang attorney at siya ang pinaka-may laman ang utak sa aming tatlo. Matalino pero napagbintangan nang nag-cheat sa isang exam, which is, hindi naman totoo kasi nando'n ako. Sa kaniya nga ako nangopya n'on, eh. Ako talaga iyong nag-cheat. 'Yon ang totoo. She is also known as the black sheep of their family. May kakambal din siya pero hindi sila ganoong close, pati ng pamilya niya. Sa 'ming tatlo, siya talaga itong mas kawawa kasi buo nga iyong pamilya niya pero para naman siyang invisible sa paningin ng mga ito. Parang wala lang iyong mga sakripisyo niya para sa pamilya niya. Aishhh. Also, this one freakin' noisy right beside me is no other than, Avah Demoñita, charr. That is Avah Vergara, She's the prank and dare mastermind. Siya iyong nagpapatupad no'ng dare at kung ano pa mang prank o kabaliwan na sumagi sa isip niya. Siya iyong pinaka-malala sa amin, e. Oo, malala sa kabaliwan. But anyway, although she's so crazy, she's still an accountant. See? Kahit naman mga mukha kaming takas sa mental dahil sa mga pinagga-gawa naming tatlo, kahit papa'no ay may mga pinag-aralan pa rin naman kami. May mga profession naman kami, ako nga lang talaga iyong hindi nagpatuloy sa mismong profession ko. Silang dalawa, oo. "Oh my gosh! Oh my gosh!" Napabalikwas ako mula sa malalim na pag-iisip nang muli na namang sumigaw si Avah sa may tainga ko. Masisira talaga ang pandinig ko sa kaniya, e. "Ano na naman ba yan, bruha?" rinding tanong ni Gavin na ngayo'y magkasalubong na ang dalawang kilay na nakatingin sa babae. "You cant believe it, guyz!" And she paused and take a deep breath. Parang excited na excited siya sa nalaman niyana kung ano. Kitang-kita ang saya sa mga mata niya. "Alamo mo, pabitin ka. Ba't hindi mo nalang diretsohin kasi?" saad pa ni Gavin. "Guyz, hindi talaga kayo maniniwala!" Abot-tenga pang ngiti nito at tinaas-baba pa ang kilay. "Hindi talaga kami maniniwala kasi hindi naman namin alam. Nyemass ka!" Umiikot na mga matang sagot muli ni Gavin na siya namang ikinataas ng sulok ng labi ng babae. "Ba't ka ba defend ng defend, huh?" sagot ni Avah. Ang hilig talaga ng dalawa na 'to na mag-away. Tsk! "Sabihin mo na kasi, Avah. Namimitin ka pa, eh," sabi ko "Heto na nga guyz. Kasi ganito..." Bago siya nagpatuloy sa pagsasalita ay inayos niya muna ang damit niya at bum'welo. Tss...dami pang echos ng bobita na 'to. "Remember 'yong ginawa nating prank sa simbahan?" Napakunot noo ako dahil sa sinabi niya. Ano naman kayang kinalaman n'on sa ibabalita niya? "And what about that again? Hindi ba maganda? Ipaulit nalang natin kay, Fridge?" Ani Gavin saka bumaling sa 'kin kung kaya't agad kong itinuro ang sarili ko. "Ba't ako? Ayoko nga!" depensa ko. No way in hell na gagawin ko pa 'yon. Pagkatapos nga n'on hindi na ako nakakatulog ng maayos tapos ipapaulit pa nila? No way! Nakaka-konsensya kaya 'yong ginawa ko. What happened? Ganito kasi 'yon. (Flashback) "Itigil ang kasal!" sigaw ko na siyang ikinahinto ng lahat. Tumingin sila sa gawi ko at halos lahat ay nagtataka at hindi maipaliwanag ang mga mukha. Feeling ko nakapasok ako sa lungga ng mga buwaya at leon at anumang oras ay pu-puwede na nila akong lapain ng buhay. Pa-simple ko nalang na pinunasan ang pawis na namumuo sa may sintido ko. Magkakasunod din ang nagawa kong paglunok ng laway dahil sa kabang nararamdaman ko. Pinagpapawisan na 'ko ng malamig at sobrang bilis na rin ng kabog ng dibdib ko. Parang gusto ko na lang tuloy na umatras, ayoko na. Gusto ko ng mag-back out. Sino ba naman kasing hindi kakabahan? Ikaw ba naman kasi ang sumigaw at i-interrupt 'yong seremonya. Ano kaya ang mararamdaman mo? "Sino siya?" "Is she a Mistress?" "May kabet pala 'yong groom, eh." Iilan lang 'yan sa mga naririnig ko sa paligid habang palapit ako sa unahan. Kung ano-ano na agad ang mga conclusions nilang pinagsasabi. Haizzt! "Who are you miss?" Tanong sa 'kin nang isang matandang lalaki na naka-american suit. Siguro'y nasa fifty plus something na ang edad niya. Medyo matanda na. Pilit akong ngumisi saka siya tiningnan. "I'm only one, sir, so don't use are, use is instead, will you?" sagot ko. Isa lang naman ako eh, is for singular, are for plural. Pinapa-stress niya bangs ko, e. Charoot. Wala naman akong bangs at saka wala rin akong alam sa mga singular o plural na 'yan, nasabi ko lang 'yon kasi wala akong matinong maisagot. "Sino ka nga, Miss?" ulit pa nito. See? Marunong naman pala siyang magtagalog may pa English-English pa siyang nalalaman. Gusto pa akong pahirapan. But, okay. Back to the best actress mode. I chin up and fiercely looked at them. "Hindi p'weding ituloy ang kasal!" sigaw kong muli. Naumpisahan ko na kung kaya't paninindigan ko nalang saka nandito na rin naman na ko, wala na talaga akong choice kung hindi ang tapusin itong katangahan ko. "If you're just here to ruin my daughter's wedding. Please not now," pakiusap n'ong matandang lalaki. Wala naman po talaga akong balak na sirain ang kasal ng anak niyo. Prank lang po ito. Makisakay nalang po kayo, p'wede? Sigaw ng utak ko pero hindi ko iyon binigkas dahil syempre, kung sasabihin ko 'yon ay masisira ang arte ko. No. No. "Ruined? Eh, kayo nga sumira sa buhay ko." Saka ako bumaling doon sa lalaki na nakatayo sa may altar—'yong groom. "Lalong-lalo ka ng lalaki ka. Matapos mo 'kong buntisin at pangakuan na ako lang, tapos malalaman ko ikakasal ka na? How dare you! Paano na 'tong bata sa sinapupunan ko? Manloloko!" Madamdamin kong sabi habang nakahawak sa tiyan ko. Kailangan ko kasing umarte na may bata sa sinapupunan ko para mas lalo silang maniwala, though the whole truth ay wala naman talaga. Tanging mga bulate at alulod nga siguro ang laman ng tiyan ko. Tsk! What a gross. Kunwari kong pinahiran ang mga mata ko at humagulhol. "Hindi kita mapapatawad!" Umiiyak na sabi ko. Kung artista lang siguro ako ay baka ako na ang nanalo sa FAMAS Award. Ang dami ko na sigurong naiuwing mga parangal. Pang best actress na siguro 'tong ginagawa ko, e. Buti nalang din pala at nilagyan ko ng Katinko ang kamay ko kung kaya't parang totoo ang nagawang iyak ko. Well, sino ba namang hindi maiiyak kapag nalagyan sa mata ng katinkong ito. Ang anghang niya, parang naglagay ka lang ng sili sa mga mata mo. Feeling ko nga, maluluwa na 'tong eyeballs ko. P*nyetang Avah kasi 'yan hindi sinabing masakit. Hindi na tuloy ako makamulat ng maayos.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD