Chapter 4

1889 Words
"Mommy, wait! I just want to take a selfie with her." Rinig kong sabi ng isang bata sa may gilid ko kaya't napalingon ako sa kanila. "No, baby! We have to go na. Nakakahiya kay, Ate." Sagot n'ong mommy n'ong bata habang hawak ang kamay nito na nagpupumiglas dahil ayaw pang umalis. "No, mommy! Magpa-picture muna tayo sa kaniya. Please." Pagmamaka-awa pa n'ong bata at tinuro ako. Wait! What? Bakit ako? Hindi naman ako celebrity, ah! So, bakit siya magpapa-selfie sa 'kin? "Ate, p'wede po pa-selfie?" Naka-pout na sabi no'ng bata sa 'kin. She is so cute! Ang sarap iuwi sa bahay at kurot-kurotin nito. Ang adorable niyang tingnan. Ngumiti ako rito at yumuko ng kaunti. "Ilang taon kana?" "5 years old po." Nakangiting sagot niya. "So, bakit ako? I mean, bakit ka magpapa-selfie sa 'kin? Hindi naman ako artista, eh" Sabi ko at hinawakan ang pisnge niya. Ang cute, eh 'di ko mapigilan ang sarili kong hindi pisilin siya. "But I saw you in my Ate's phone. You are an actress and your so good on acting. I'm your fan already." Pamimilit pa nito kaya ngumiti nalang ako. "Pero hindi ako 'yon—" "Pasensiya ka na, Miss ah. Makulit lang talaga 'yan." Nahihiyang sabi n'ong Mommy ng bata. "No, it's okay." Pigil ko at muling tumingin d'on sa bata. "You're so beautiful in person, Ate! Can you be my Ate for real?" Sabi n'ong bata at hinawakan ang kamay ko. "A...o-okay! Of course. Sure." Tumatangong sagot ko. Cute naman siya kaya wala namang problema. Ang galing lang niyang mambola. "Can we take a selfie po, Ate?" "Yeah sure!" Sagot ko at tumabi sa bata. "Ako na hahawak?" Sabi ko pa at kinuha ang phone sa kaniya saka nagselfie kasama siya. "Yeheyyy! You're so cool po talaga, Ate! You're my idol now!" Masayang sabi nito habang nakatitig sa picture naming dalawa sa cellphone niya. Tumango nalang ako at ngumiti sa bata. Pero nacu-curious talaga ako kung saang video niya ako nakita. Well, baka ka-look a like ko lang 'yong tinutukoy niya. Bata pa naman siya baka kung ano-anong imaginations lang ang pumapasok sa isip niya. Tama, baka ganoon nga. "You're one of my idol now, Ate. Pero bakit niyo po sinira 'yong kasal ni kuya? They're look so in love pa naman po. But anyway, it was only a drama right?" sabi pa n'ong bata. Okay I'm too confused already. Hindi ko alam kung ano ang tinutukoy niya. Kabata-bata pa ay kung ano-ano na ang nalalaman tungkol sa lablab na 'yan. "'Di ba, pre sabi ko na sayo, eh. Siya 'yon." Rinig kong bulong ng isang lalaki sa kasama niya. Bulong pa ba 'yon eh rinig na rinig tss...kalalaking tao mga chismoso. "Girl, I think we need to go now," aya ni Gavin. "Mamaya na nga, kitang nagkakape pa 'yong tao," Avah said. "Wala bang kape sa inyo, huh? Doon ka nalang magkape," sagot ni Gavin. "Sige, Miss, thank you, ah!" sabi n'ong mommy n'ong bata. "Thank you po, Ate ba-bye." Sabay kaway n'ong bata at umalis na. Bumalik naman ako sa kinauupuan ko at humarap kina Avah. "Let's go na, Fridge!" Medyo tensyong sabi ni Gavin. "Bakit?" nagtatakang tanong ko. "Don't ask, let just go, okay?" saad pa nito. Problema nito? Nagkaka-CR lang yata siya, eh. "Uhm...Excuse me, Miss!" Napatingin ako sa may likuran ko ng may kumalabit sa 'kin. "Yes why?" Tanong ko habang tinititigan sila. "'Di ba kamukha niya 'tong nasa internet?" Tanong n'ong isang babae sa kasama niya. "Yeah! Siya nga. Kamukhang-kamukha niya.OMGHII!" sang-ayon n'ong kasama niya. Whats going on here? Masyado na ba akong maganda para ma-notice nila? Tss...kunting bagay! Hahaha. Lols, ang feeling ko talaga. "Ikaw po ba 'yong nang-intrude sa kasal?" Tanong muli nito pero hindi na ako nakasagot dahil inunahan na 'ko ni Avah. "Oo, siya nga 'yon. Bakit magpapa-picture kayo?" Said Avah. O my ghod! Ang tinutukoy ba nila ay ang tungkol sa ginawa ko sa kasal kahapon? Sh*t! Kalat na pala 'yong ginawa ko. Bw*sit! "Guyz, lets go! " Aya ni Gavin at hinila na ako paalis. "Hoy! Hintayin niyo nga akong dalawa!" Sigaw ni Avah na kaharap pa rin 'yong dalawang babae kanina. Pinagtitinginan na kami rito, lalong-lalo na ako. Titingin muna sila sa phone nila tapos titingin sa akin. Haizzt, ito 'yong ayaw ko, eh. "Miss, wait!" Sigaw pa n'ong babae kaya't nagmadali na akong naglakad palabas ng starbucks. "Hoy, hintay!" Sigaw muli ni Avah habang tumatakbo palapit sa amin. "Bahala ka diyan. Ipinagkanulo mo 'ko." Bulong ko, pero syempre hindi 'yon totoo. Mahal ko pa rin ang mga kaibigan ko, noh. "Get inside the car now, Fridge. Pinagtitinginan ka na nila." said Gavin. Agad naman akong pumasok sa kotse at inis na kinuha iyong cellphone sa bag ko para tingnan 'yong video na in-upload ni Avah. Sandali pa ay pumasok na rin sa kotse si Gavin kasunod si Avah na hinihingal pa dahil sa paghabol sa 'min. "Ba't hindi niyo ko hinintay? Nakakainis kayo," nakabusangot na sabi ni Avah kaya binatukan ko. "Ahhh! You're hurting me. What's the problem?" Mataray na sabi niya. "Ikaw!" Sabay pa naming sabi ni Gavin habang nakatingin sa babae. "Ohh! Hinay-hinay lang mahina ang kalaban." Nakataas na kamay na sabi nito. "I-delete mo na nga 'yong video," utos ko. "Huh? Bakit? Ang daming views n'on, e. Aabot na nga agad sa 1M, sayang naman kung idi-delete lang," aniya. "Eh, kung mukha mo kayang burahin ko gusto mo?" galit na sabi ko. "Just delete it, Avah! Baka tayo pa ang masabit dito kapag nagtry ng magsearch 'yong groom and bride sa pinaggagawa nating kalokohan sa kasal nila," paliwanag ni Gavin. Buti pa si Gavin may pakialam sa 'kin. "Okay fine, kaso sayang talaga." Nakabusangot na sabi pa nito bago binura ang video. "Oh, ayan wala na!" And then she pouted. "Tigilan mo nga 'yang kaka-pout mo. Para kang pato," saway ni Gavin. "Hello? Mas maganda ako sa pato kaya." Sagot niya sabay ikot ng mga mata. TSS...ang hirap spelling-in ng dalawang ito. Pabago-bago ng mode. "P'wede mamaya na 'yang bangayan na 'yan? Umalis nalang tayo, pwede?" Sabi ko at sumandal sa backrest ng inuupuan ko. "Yes your, highness. Your wish is our command," ani Avah pero inirapan ko nalang siya. Sobrang toxic ng araw na ito, nakaka-stress. Idagdag mo pa 'yong bukas na darating, pa'no na ako nito? Hay buhay! "Instant celebrity ang peg mo ngayon, girl!" Saad ni Avah habang naglalakad kami sa hallway papunta sa condo ko. Yes, I have my own condo. Bigay ng mga magulang ko. "P'wes ayokong maging celebrity. Kung gusto mo, ikaw nalang." Sagot ko saka nilabas ang keycard na nasa bag ko. "Ay...Bet!!" masayang sabi nito. Sira na nga talaga siguro ang utak nito, parang baliw. Tinapat ko nalang sa may scanner ang keycard na hawak ko at sandali lang ay bumukas na agad ang pinto. "May kape ka ba?" tanong muli ni Avah. "Kape? Hindi ako nagkakape baka nakakalimutan mo? At saka, kaka-kape mo lang, 'di ba?" sagot ko saka sila sinenyasan na pumasok na sa loob. "Nabitin ako, e, ito kasing si Gavin!" Sabay irap niya kay Gavin. "Hoy! Bat ako na naman sinisisi mo, huh?" depensa naman ng babae. "Kasi po nang dahil sa 'yo hindi ko na naubos 'yong coffee ko sa Starbucks, ang mahal pa naman n'on. Sayang." "Problema ba 'yon? Edi, balikan mo," inis na sagot ni Gavin. Ang iingay nito. Well! Sanay na rin naman na ako—kami sa isa't isa, prangkahan kung prangkahan. Dakdakan kung dakdakan pero at least, walang plastikan. "Movie marathon nalang tay—Ohhh!" Ang kaninang hyper na si Avah ay bigla nalang nagbago ang mood habang nakatitig sa may sala ko. Dahil sa curiosity ay napatingin din ako sa kung ano mang tinititigan nito. Para kasi siyang nakakita ng multo, e. "A...anong ginagawa niyo rito? Paano kayo nakapasok?" Nagtatakang kong tanong. I didn't expect them to be here. Ano na naman kaya ang kailangan nila? "We need to talk!" Ma-awtoridad na sabi nito. I almost burst out laughing. Talk? What for? Tsk! "Busy ako!" Walang ganang sagot ko at agad na tinalikuran sila. "Don't you ever turn your back on me, Fri! Have respect!" Galit niyang sabi kung kaya't nahinto ako sa paglalakad. "Hmmm....I think next time nalang tayo mag-movie marathon, Fridge." Ani Gavin at hinila na si Avah. "Hey, ano ba, Gavin-net? Makiki-kape pa ko rito, eh." Sagot ni Avah pero pinanlisikan na siya ng mga mata ni Gavin at kinurot pa sa tagiliran. Tch... "Mauna na po kami Tito, Tita!" magalang na paalam ni Gavin at saka nagmadaling nagtungo sa may pinto habang panay ang bangayan. Nagtungo muna ako papunta sa kitchen at kumuha ng tubig sa ref. I need to drink some cold water 'cause for sure, nasa hot seat na naman ako nito. Hindi naman kasi sila dumadalaw o pumupunta rito ng walang rason. And that reason either, they found out that I had made some mistakes or, if I did something trouble that can affect their reputation. Lagi namang ganito. Pupuntahan lang nila ako kapag sesermonan. "Lets talk!" Okay! As if I have a choice. Kahit labag sa 'kin ay umupo pa rin ako sa sofa kaharap nila at saka pinag-cross ang mga binti. Binuksan ko rin 'yong TV at pinalakasan ang sound. Walang modo na kung walang modo. I don't care. Itinuon ko lang ang mga mata ko sa TV habang hinihintay ang sermon nila ngunit ilang sandali na ang nakakalipas ngunit wala pa rin akong naririnig na salita mula sa kanila kung kaya't bumaling na ako sa kanila. They're just silently looking at me with a serious, furios, madness and pissing looks. Well, should I be shocked about it? Wala namang bago. "What? Hindi pa ba kayo magse-sermon?" May inis sa boses na tanong ko at saka muling itinuon ang atensyon sa pinapanood ko. "Is that really how you talk to us, Fridgette? Kailan ka ba magbabago, ah?" She chuckled annoyingly. "You're already twenty three but you're acting like a childish. Para kang bata na 'di marunong mag-isip." Here we go again to her long comments. E, ano naman ngayon kung uma-akto akong parang bata? Besides, I rather act like a child, kaysa naman matanda kung mag-isip kagaya nila pero puro talak lang naman ang alam. "Wala ka man lang bang pakialam sa kinabukasan mo, huh? Sinira mo pang pangalan mo," dagdag pa niya. Sinira ko ang pangalan ko o sinira ko ang pangalan nila? What a shame on me gan'on? "Hindi ko na alam ang gagawin ko sa 'yo. Pinag-aral ka namin but then you waste it. And now? Mababalitaan ko na may ginawa ka na namang katangahan? Kailan ka ba titino?" Well dapat lang talaga na pag-aralin nila ko. They are my parents, alangan namang ibang tao pa ang magpa-aral sa 'kin. "Why...why don't you just be like, Sandy? She's smart, responsible, kind, humble..." "Bread winner, maganda at hindi tangang tulad ko?" pagpapatuloy ko sa sinasabi niya saka mahinang natawa. Sa paulit-ulit niyang binibigkas ang mga katagang iyon sa harapan ko, na-memorize ko na. Sabagay, hilig naman talaga niyang ipag-kumpara ako sa paborito niyang stepdaughter. Kung ituring niya nga ako parang wala lang, e. Parang mas totoong anak pa ang trato niya ro'n kaysa sa 'kin. Parang ako 'yong sampid sa pamilya nila. Well, ulirang ina nga pala siya....sa iba nga lang.

Great novels start here

Download by scanning the QR code to get countless free stories and daily updated books

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD