THIRD PERSON POV: PALAKAD-LAKAD kami ni Lorena dito sa labas ng bahay. Kanina pa kasi lumabas si Tyago pero magliliwanag na ay wala pa rin ang anak ko. Hindi na rin maganda ang nagpaparamdam sa akin bilang ina niya. Ayokong nag-isip ng hindi maganda pero. . . pakiramdam ko ay napahamak na ang anak ko. Na hwag naman sana. "Ano bang nangyayari sa mga anak natin, Glenda? Hindi naman tayo masasamang tao lalo na ang mga bata para maranasan nila ang mga ito," humihikbing saad ni Lorena. Mapait akong napangiti. Pinipigilan ang pagtulo ng luha ko. Kung may pinaka apektado sa mga nangyayari kay Tyago at Adonis ay kami 'yon ni Lorena. Dahil kami ang kanilang ina. Triple 'yong sakit na nadarama namin sa nangyari kay Adonis na nakakulong ngayon. Ang Tyago ko naman ay hindi pa nakababalik. Alam nam