ADONIS: NAALIMPUNGATAN ako na marinig ang pagbukas ng bakal na pintuan. Sa semento ako natulog na tanging karton lang ang panlaban sa malamig na gabi. Lumapit ang dalawang pulis sa gawi ko na itinayo ako. "Sumama ka sa interrogation room, Guillermo," ani ng isa. Hinawakan nila ako sa magkabilaang braso na tahimik na inilabas ng selda. Umakyat kami ng fifth floor nitong headquarters at ipinasok ako sa isang marumi at may kadilimang silid. "T-teka. . . akala ko ba sa interrogation room, Sir?" nauutal kong tanong. Napangisi naman ang mga ito na nagkatinginan. Napapalunok ako na nilukob ng kakaibang kaba. May mesa sa gitna ng silid na ito na yari sa bakal. Kinakalawang at puro alikabok. Iisa rin ang ilaw dito na malamlam kaya hindi ko maaninag ang mukha nila lalo na't naka-cup ang mga i