ADONIS: NAKATULALA ako sa buong maghapon. Nakalabas naman na ako ng kulungan pero hindi ko magawang magsaya dahil sa karumal dumal na ginawa nila kay Tyago at sa ina ko. Maging si Nanay Glenda ay iyak nang iyak at hindi matanggap ang nangyari. Kung hindi lang siya inutusan ni Tyago na lumabas ng bahay, puntahan ako at dalhin ang ebidensiya ay mabubulok na ako sa kulungan at. . . maging si Nanay Glenda sana ay pinatay din ng mga salarin. Puno ng galit, poot at paghihiganti ang isipan at puso ko. Wala akong ibang iniisip ngayon kundi ang makapaghiganti sa kanilang lahat. Lahat sila. Wala akong patatawarin. Sisingilin ko sila ng higit pa sa kinuha nila sa akin. Kuyom ang kamao ko na nakaupo lang dito sa harapan ng funeral. Tatlong araw lang namin napagkasunduan ni Nanay Glenda na ipagluksa