ADONIS: PANAY ang buga ko ng hangin para ibsan ang kaba sa dibdib ko. Kakaiba ang nagpaparamdam sa akin sa mga sandaling ito na may malaking halaga akong dala-dala sa mga kamay ko. Pinagpapawisan na rin ako ng malapot at aligaga! "Kaya mo 'to, Adonis. Dadalhin mo lang ang pera sa boss niyo. Madali lang naman 'yon," pagpapatatag ko sa sarili. Sumakay na ako sa motor ko at nagsuot ng helmet. Kahit pinapatatag ko ang loob ko ay kinakabahan pa rin ako. In-start ko na ang engine na pinasilab ang motor palabas ng parking lot. Piping nagdarasal na sana. . . sana magawa ko ng maayos ang utos ng William. Pero hindi pa man ako nakakalayo mula sa Bar ay napansin ko na ang isang van na nakasunod sa akin! Sunod-sunod akong napalunok na muling naghari ang kakaibang kaba sa dibdib ko! Panay ang b