ADONIS: NABABAGOT ako na naghihintay ng order kong ide-deliver ko sa costumer ko dito sa isang kilalang fast-food restaurant. Hindi kasi kami natuloy ni Madam mag-date ngayon dahil tinawagan ito ng Kuya Chloe niya at may emergency sa pamilya nila. "Here's your order, Sir. Thank you for waiting," magalang saad ng isang screw na inilapag sa mesa ko ang paper bag ng order kong take out. Tumayo na ako na kiming ngumiti dito. "Salamat, ganda," kindat kong ikinahagikhik nitong pinamulaan. Dito kasi ako madalas na fast-food nagti-take out ng order. Kaya nakikilala na nila ako dito lalo na't naka-uniporme naman ako ng pang-grab. Sisipol-sipol akong lumabas ng fast-food at maingat na inilagay sa storage box na nakakabit sa motor ko ang order sa akin. Nagsuot na muna ako ng helmet bago sumaka