THIRD PERSON POV: INIHATID ko na muna sina Nanay sa bahay. Sa amin na rin muna tumuloy si Nanay Lorena dahil natutulala pa rin ito sa mga nangyari sa araw na 'to. Kanina pagdating ko mula sa sementeryo kung saan ako nagtatrabaho ay narinig namin si Nanay Lorena na umiiyak habang may kausap sa phone. Kaagad kaming lumapit ng Nanay ko para aluhin ito at damayan. Laking gulat nga namin na mapag-alaman nasa presinto si Adonis. Nakakulong sa kasong theft. Ayon sa mga pulis ay pinagnakawan ni Adonis ang Bar nila. Tinangay nito ang nasa sampung milyon at itinakas! Hindi kami naniniwalang magagawa ni Adonis ang bagay na iyon. Kahit na malakas ang ebidensiya laban sa utol ko ay hindi kami no'n mapapaniwala. Kilala namin si Adonis. Oo, mahirap lang kami. Mataas ang ambisyon sa buhay. Pero sa t