Chapter 6

2114 Words
ADONIS: NAPAPALAPAT ako ng labi na pigil-pigil ang sarili kong matawa. Panay pa rin kasi ang kurot nito sa akin na nanggigigil na malamang hindi ko kakilala 'yong namatay at nakikape lang kami doon. "Sorry na, Madam. Ito naman," aniko na napapahaplos sa braso kong kinurot-kurot nito. "Nakakainis ka! This is embarrassing, Adonis. What if may nakakilala sa akin doon? Anong sasabihin ng publiko sa akin? Isang heredera nag-one two three sa lamay para makalibre ng kape at sandwich?" pagalit pa rin nito. Napabungisngis ako na hindi ko mapigilan kaya natatawa na rin itong kinukurot ako kung saan-saan. "Ayaw mo no'n? Ito ang unang beses na-expirience mo ang gano'n, Madam. Masarap naman 'yon kape nila eh. Nasarapan ka nga rin eh," sagot ko na kakamot-kamot sa ulo. "Kahit na. Nakakainis ka pa rin," asik pa nito. "Hayaan mo sa susunod." "Ano?" nakataas kilay nitong tanong. Napalapat ako ng labi na nagtaas baba ng mga kilay ditong napaikot ng mga mata at humalukipkip. "Sa susunod na lalabas tayo, sisiguraduhin kong kakilala ko na 'yong pakikilamayan natin." Namilog ang mga mata nitong nahampas ako sa braso na ikinahalakhak kong sinasangga ang kamay nito. "Ayoko na. Hindi na ako sasama sa susunod. Wala na akong tiwala sa galawan mo. Nakakainis ka," paasik nitong ikinahagikhik ko. "Adonis naman eh! Nakakainis 'to. Nakakahiya 'yong ginawa natin," maktol pa nito na napapadyak ng mga paa. "Wala namang nakakahiya doon, Madam. Nakilamay tayo at nagkape lang naman ah. Hindi naman tayo humingi. Kusa nilang ibinigay sa atin 'yong kape at tinapay," kindat kong palusot na ikinaikot ng mga mata nito. Natatawa na lamang ako sa pagmamaldita nito na ikinabagay naman niya. "Ah basta. Hindi na 'yon mauulit." "Oo na. Ikaw naman. Masyado kang serious sa buhay, Madam." Naiiling naman itong napapairap sa akin sa tuwing magtatama ang paningin namin. Napasulyap ako sa relo ko at kitang hatinggabi na. "Um, ihatid na kita sa inyo, Madam?" offer ko. Umiling naman ito na inubos ang coke float. Dumaan kasi kami sa drive thru kanina at bumili ito ng burger, coke float, fries at chicken na pinapak namin dito sa gilid lang ng kalsada. Nakaupo ito sa motor ko habang nakaalalay naman ako dito. Kahit naman naka-stand ang motor ko ay mahirap ng mahulog ito o matumba ang motor. Magasgasan pa ito eh. Kung hindi ako malalagot sa ama niyang kilalang bilyonaryo. "I'll just call my driver to fetch me here," anito. Napanguso akong matamang nakatitig lang din dito. Ngumiti ito na ikinangiti ko ring napakindat ditong mahinang natawang napailing. "Why, stop pouting like a baby in front me, Adonis. Baka mahalikan kita d'yan. Mahilig pa naman ako sa baby," saad nito na napapangisi at ang landi ng dating. Natawa akong napatukod ng kamay sa magkabilaang gilid nito. Hindi naman ito nagpatalo na tinaasan ako ng kilay at sinalubong ang mga mata ko. Nakatayo kasi ako sa harapan nito habang nakaupo naman siya sa motor. Dahan-dahan akong yumuko na pinagpantay ang aming mukhang napapangisi. Pero kita namang palaban din ito na mas inilapit pa ang mukha kaya napalunok ako at halos maduling dito. Nalalanghap ko na rin ang mainit at kay bango niyang hininga na kay sarap samyuhin. Bumaba ang paningin nito sa mga labi kong nakaawang at kita ang paglamlam ng mga mata nito. Napaangat ito ng palad na sumapo sa pisngi ko at marahang hinahaplos iyon na ikinapikit kong ninanamnam ang dalang init ng malambot niyang palad. Pero bigla akong napadilat ng mga mata na maramdaman ang malambot niyang mga labi na dumampi sa labi ko! Nanigas ako at hindi makakilos na napatitig ditong nakapikit habang masuyong inaangkin ang mga labi ko. Para akong nawala sa wisyo na napapikit muli at dahan-dahang tinugon ang mga labi nitong ikinaungol naming napayakap sa isa't-isa! Unti-unti ding bumigat ang paghinga ko na maramdaman ang kalambutan ng katawan nitong yakap-yakap ko habang papalalim na ang halikan namin. Kahit kinakastiguhan ko ang sarili at sinasaway ay hindi ko na maawat pa ang damdamin kong unti-unting nag-aalab! Napahigpit ang pagkakayapos ko sa baywang nito na mas kinabig padiin sa akin. Hindi naman ito umangal na ibinuka ang mga hita at yumapos sa baywang ko ang mga binti. "Uhhm. . . s**t!" ungol ko na napakagaling nitong humalik! Halos higupin nito ang buong labi ko at napakabilis humagod ng mga labi niyang salitang sinisipsip ang labi ko. Mas napayapos naman ito sa batok ko na pinalalim pa ang halikan namin. 'Yong hindi na matatawag na halik kundi. . . literal na laplapan! Hindi ko na tuloy mapigilang tuluyang mag-init ang katawan at magising ang alaga kong nakatutok sa kanyang kaselanan! "Uhmm. . . M-madam," ungol ko na bumitaw dito. Awang ang aming labi na malalalim ang paghinga. Para akong malulunod sa matiim niyang pagtitig sa mga mata ko. Lalo na't mapupungay na ang mga mata nitong nakakaakit lalo. Para kasing nakikiusap ang mga 'yon sa akin. "Do you like me, Adonis?" sensual nitong tanong na parang nang-aakit. "Um. . . kahit naman sinong lalake ay magkakagusto sa'yo, Madam." Sagot ko na nakatitig din dito. "Are you one of them?" malambing tanong nito. Napangiti akong napaayos sa ilang hibla ng buhok nitong tumabing sa kanyang magandang mata. Nangingiti lang naman ito na hinayaan lang ako. "Gusto kita, Madam. Pero. . . alam kong hindi ako nababagay sa'yo. Kumpara eh. . . langit ka, lupa ako. Malayo ang pagitan natin, Madam." Kita ang pagdaan ng sakit sa kanyang mga mata at napalis din ang matamis niyang ngiti. Hinaplos ko ito sa ulo na napahalik sa kanyang noo. Hindi naman ito umangal. "Dahil ba mayaman ako?" "Gano'n na nga," tumatango-tangong sagot ko. "Hindi naman mahalaga sa akin at sa pamilya ko kung mahirap o mayaman ang magustuhan ko. Ang mahalaga ay totoong tao ito at mahal ako hindi ng kung anong meron ako," nagtatampong saad nito na nagbaba ng paningin. Napahinga ako ng malalim na maalala ang Tatay kong negosyante pero dahil mahirap lang si Nanay ay hindi niya ito pinanindigan. Ni hindi niya kami pinahanap kahit kayang-kaya naman sana niyang gawin iyon. "Ang mga katulad kong mahirap ay hindi nababagay sa mga katulad mong prinsesa, Madam. Tutulungan pa rin naman kita hanggang mahanap mo ang lalakeng nababagay sa'yo na siyang ihaharap mo sa pamilya mo at sa altar." Hindi ito umimik na nanatiling nakayuko. Mapait akong napangiti na nakamata dito. Kahit aminado akong may gusto ako sa kanya ay alam ko naman kung saan ako lulugar. Hindi ako nababagay sa kanya. Wala akong maipagmamalaki sa kanya at sa lahat kundi ang malinis at tapat kong hangarin at pagmamahal. "Hindi naman lahat ng mayaman ay mayaman din ang gusto, Adonis." "Siguro. Pero iilan na lang sila. At kapag tumagal-tagal na ang pagsasama? Mapupunta din sila sa hiwalayan, Madam. Dahil hindi sila. . . magkauri." Nag-angat ito ng mukha na ikinalunok kong makita ang bahid ng luha sa mga mata nito. Malungkot ang mga iyon na tila nagsusumamong nakatitig sa akin. "Ibahin mo ako, Adonis. Ibahin mo kaming mga Montereal. Hindi kami 'yong tipo ng tao na nagmamahal base sa estados ng buhay. To be honest with you? Ang Mommy Rain ko ay isang simpleng dalaga lang habang bilyonaryo ang Daddy Collins ko. Pero kita mo naman. . . dahil sa pagmamahal nila sa isa't-isa ay nagkatuluyan sila. Nasa tao kasi iyon kung pareho ba silang nagmamahalan. Walang pader ang hindi matitibag ng isang maalab at tunay na nagmamahalan. At naniniwala ako doon," anito na matiim na nakatitig sa mga mata ko. Mapait akong napangiti na maalala ang sa amin ng mga magulang ko. "Iba naman ang kwento ko sa'yo, Madam. Si Nanay ay mahirap. Pero si Tatay ay isang mayaman na negosyante. Pero dahil mahirap lang si Nanay kaya hindi niya ito pinanindigan. Kumbaga eh. . . ginamit niya lang. Pinagparausan. Baka nga. . . baka nga hindi niya alam na may isang Adonis Guillermo na nabubuhay dito sa mundong ito." Matabang kong saad na nangilid ang luha. Hindi ito nakaimik sa narinig. Mapait akong napangiti na napakurap-kurap ng mga mata. Pinipigilan ang pangingilid ng luha. "Pero iba naman ako," mahinang usal nito sa mahaba-haba naming katahimikan. Napahinga ako ng malalim na napatitig dito. "Sabihin na nating gusto mo ako ngayon. Paano bukas o sa makalawa? Paano kapag nahanap mo na 'yong taong minimithi mo?" saad ko na ikinalunok nitong napipilan. Muli akong napahinga ng malalim na nag-iwas na ng tingin dito. "Madam, isa lang akong hamak na delivery boy sa araw at waiter sa Bar sa gabi. Isa akong mahirap na tao at anak sa labas. Ano na lang ang sasabihin ng mga taong nakapaligid sa'yo kapag ako ang mahalin mo? Napapaligiran ka ng mga katulad mong diamante, Madam. Mas pipiliin mo bang pulutin ang batong walang halagang katulad ko?" saad ko pa dito. "You've already judge me without knowing and trusting me, Adonis. Hindi mo ba alam 'yong kasabihang. . . don't judge the book by it's cover?" anito na nagtatampo ang tono. Napangiti akong tinitigan ito at nahihipnotismong nahaplos siya sa ulo. "Pero hindi ako ang karapat dapat sa isang katulad mo, Madam. Alam ko naman kung saan ko ilulugar ang sarili ko sa'yo eh. Kasi. . . hindi nababagay ang isang bastardong mahirap sa isang herederang katulad mo," saad kong ikinalabi nito na matamang lang ding nakatitig sa akin. "Bakit ba ang baba ng kumpyansa mo para sa sarili mo, Adonis. Sinabi ko naman na sa'yo. Wala akong pakialam kung mahirap ka o kahit anak ka pa sa labas. At wala din akong pakialam. . . sa sasabihin ng iba. Hindi mahalaga sa akin ang opinion nila lalo na kung mamatain ka lang naman nila. Adonis, ako naman ang makakasama mo eh. Hindi ba't 'yon naman ang mahalaga? Ikaw at ako?" anito na bakas sa tono at mukha ang kaseryosohan. Napabuntong hininga na lamang ako na hinaplos ito sa ulo at napahalik sa kanyang ulo. Hindi ko alam kung anong isasagot ko sa kanya. Pero aminado naman akong masayang-masaya ako na marinig ang mga katagang iyon mula sa bibig niya mismo. Ang sarap sa pakiramdam na ang isang katulad niya ay handang bumaba ng lupa maabot lang ang isang katulad ko. Pero kahit gano'n ay nananaig pa rin ang takot sa puso ko. Na sa bandang huli ay matulad lang ako kay Nanay. Matapos gamitin ng isang mayaman at mapaibig ay iiwan na lang basta. Wala akong habol kay Madam. Wala akong ibang pinanghahawakan sa kanya. At wala din akong kumpyansang humarap sa lahat at ipaglaban ang sarili ko dito. Na ipakita sa lahat na ako ang nararapat sa kanya. Dahil. . . mahirap lang ako. Hindi nababagay ang isang hampaslupang katulad ko sa katulad niyang isinilang na may gintong kutsara sa bibig. "Sige na. Umuwi na tayo?" aniko na kumalas na dito. "Okay. I'll just call my driver," saad nito na hinugot na ang cellphone sa bulsa. May tinawagan ito na inilapat ang cellphone sa tainga. "Kuya, hurry up, fetch me here," anito. Ilang sandali lang ay may huminto g magarang itim na BMW sa harapan namin. Inalalayan ko naman itong makababa ng motor ko. Lumabas din ang isang lalakeng naka-formal attire na pinagbuksan ito ng pinto. "Umuwi ka na rin, mag-iingat ka, hmm?" anito na ikinangiti at tango ko. Nangingiti itong tumingkayad na madiing hinagkan ako sa mga labing ikinanigas ko sa kinatatayuan. Napahagikhik pa itong napisil ako sa pisngi na ikinagising ng diwa ko. "Goodnight," anito na napa-smack kiss sa mga labi ko bago tuluyang pumasok ng kanyang kotse. Nakatulala naman akong napahaplos sa aking labi na tila nakalapat pa doon ang malambot nitong bibig. Napangiti akong napailing na nagsuot na ng helmet ko. "Ang babaeng 'yon. Namumuro na yatang hinahalik-halikan na lamang ako," bulalas kong sumakay na ng motor. Dahil sa halik na iniwan nito sa akin ay hindi tuloy mabura-bura ang matamis na ngiti sa mga labi ko. Nag-iinit ako na paulit-ulit nagri-replay sa utak ko ang malalim naming halikan kanina na halos maubusan na nga ako ng hangin sa baga. Napakagaling nitong humalik at aminado akong ang sarap ng mga labi niya. Hindi ko tuloy mapigilang kiligin at makadama ng pag-asang magiging kaming dalawa. Unti-unting napalis ang ngiti sa mga labi ko na maalala ang nangyari kay Nanay at sa ama ko. Napahinga ako ng malalim na matabang na napangiti. Dahil isang mahirap lang si Nanay at hindi nakapagtapos ng pag-aaral ay hindi ito pinili ng magaling kong ama. Ginawa lang niyang parausan ang ina ko. Ni hindi nito naisip kung mabubuntis niya ito. Napahigpit ang kapit ko sa manibela na pilit winawaglit sa isipan ang walang kwenta kong ama. Napailing na lamang ako na mapait na napangiti. Na hindi manlang nito alam na may Adonis Guillermo ang nage-exist sa mundong ito.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD