ADONIS:
NAPALUNOK ako na paglabas ko ng locker room ay makasalubong ko si Sir William. Napangisi pa ito na nagtaas baba ng tingin sa kabuoan ko dahil nakapag bihis na ako.
"Mukhang. . . napaaga ang pagkasibak natin, ah? Let me guess. . . tinanggal ka ni boss, nuh?" nakangising pang-aasar nito.
Mahina akong natawang napailing na lamang. Natigilan naman ito na napalis ang ngisi sa mga labi. Tumuwid ako ng tayo na sinalubong ang mga mata nito.
"You're wrong, Sir. Ayaw ko sanang sabihin ito sa'yo eh pero. . . hindi niya ako tinanggal."
Yumuko ako at nagpatiuna ng lumabas.
"What?"
Nagkibit balikat lang ako na hindi ito nililingon at tuloy-tuloy sa paglakad. Naramdaman ko namang sumunod ito na hinayaan ko lang na napapangisi. Tumuloy ako sa parking lot kung saan ang motor ko. At 'di na nagtakang nandidito si Madam Roxy na hinihintay ako.
Napailing na lamang ako na masulyapan sa side mirror ng kotseng nadaanan ko si Sir William na nakasunod pa rin sa akin at napakubli na makita ang boss namin dito sa labas.
"Hi, sorry, kanina ka pa?" aniko na sinadyang lakasan bahagya ang boses.
Lihim na napangiti na masulyapang mas lumapit pa si Sir William na pakubli-kubli sa mga kotse dito sa parking.
"Just on time, baby. Let's go?" malambing sagot nitong ikinangiti ko.
"Gusto mo bang umangkas sa akin? Baka naman 'di ka sanay sa motor, Madam?" aniko na umakbay dito.
Napasinghap ito na nakurot ako sa tagiliran bago yumakap sa baywang kong ikinatawa ko.
"Hindi mo naman ako pababayaan, 'di ba?"
"Oo naman. Handa akong saluhin ka kapag nahulog ka, Madam." Kindat kong ikinahagikhik nitong nakurot ako sa tyan.
"So naughty."
Inabot ko ang helmet na maingat isinuot ditong nangingiti lang na hinayaan ako.
"Sigurado ka, ha?"
"Oo nga."
Napangiti akong sumakay ng motor at inalalayan itong umangkas sa akin. Naiiling na lamang ako na masulyapan pa rin si Sir William sa malapit na nakasilip sa amin at pinapanood kami. Tila hindi makpaniwala sa nakikita.
"Kumapit ka, Madam."
"Saan ba?"
Hinawakan ko ito sa kamay na iniyapos sa baywang kong ikinatigil nito. Nangingiti na in-start ang motor at matuling pinatakbo palabas ng parking.
"Saan po tayo?" tanong ko na mas binibilisan na ang patakbo.
Mas humigpit naman ang pagkakayapos nito sa tyan ko na ipinatong pa ang mukha sa balikat ko.
"Ikaw ng bahala, baby."
"Sige po, Madam."
ILANG minuto din kaming bumyahe bago nakarating sa kalapit na public park dito sa Taguig. Mabuti na lang at open pa rin ang park kahit gabi. Kaya may mga mangilan-ngilan pang katao ang nandidito. Pero karamihan ay mga couples na may kanya-kanyang pwesto sa gilid.
"Baba na, Madam." Aniko na inalalayan pa ito.
Hindi naman ito umimik na bumaba habang nakakapit sa kamay ko at napapagala ng paningin sa paligid.
"Safe ba dito, Adonis?" tanong nito na nagtanggal ng helmet.
Bumaba na rin ako ng motor at nagtanggal ng helmet.
"Oo naman, Madam. Dito ako lumaki at kung sakaling may mangtatangkang lalapit sa'yo ay kaya naman kitang protektahan," kindat kong ikinalapat nito ng labi na nag-iwas ng tingin.
Inakay ko ito sa kalapit na bench dito sa lilim ng malaking acacia kung saan ko ipinarada ang motor ko. Hindi naman ito umangal na inalalayan kong maupo katabi ako.
"Okay lang ba sa'yo dito?"
"Oo naman. Mas gusto ko ang tahimik na lugar. Mas komportable ako at kampante sa mga bagay-bagay." Anito.
Napatitig ako dito na nakanguso habang nakahalukipkip at nakatanaw sa malayo. Kahit naka-side view siya sa akin at malamlam ang ilaw dito sa kinaroroonan namin ay kitang-kita ko kung gaano siya kakinis at ganda. Para akong nananaginip ng gising sa mga sandaling ito na kasa-kasama ko ang isang bituing katulad niya.
"Stop staring at me like that. Baka masunggaban kita," natatawang saad nitong ikinatikhim ko.
Mahina itong natawa na napailing. Kakamot-kamot naman ako sa batok na napapangiti na rin.
"Anyway, how old are you, Adonis?" muling tanong nito.
Humarap ito sa akin na tumitig sa mga mata ko.
"Um. . . twenty-three, Madam." Sagot kong ikinatawa nito.
"Damn, so young."
"Bata pa ako sa'yo?"
"Oo naman."
"Bakit, ilang taon ka na ba, hmm?" balik tanong kong ikinailing nito.
"Thirty-three."
"Weh? Mas matanda ka sa akin?" 'di makapaniwalang bulalas ko na napahagod ng tingin dito.
Mahina itong natawa na napakamot sa ulo.
"Mukha lang akong bata. Pero matanda na ako, Adonis."
"Bakit single ka pa rin?"
Nagkibit balikat ito na napahinga ng malalim.
"Wala pa kasi sa plano ko ang pumasok sa relationship lalo na sa commitment."
Natigilan ako sa sinaad nito. Naalala ko naman ang nakatakda sanang engagement na nito na tinutulan niya. Napatango-tango na lamang ako na maisip ang bagay na 'yon. Kaya kami. . . nagkalapit sa isa't-isa.
"Bata ka pa naman, Madam. Saka. . . ang tunay na pag-ibig? Hindi 'yan hinahanap dahil kusa 'yang dumarating. Mararamdaman mo naman 'yon sa puso mo eh. Kapag nakita mo na ang the one na makakapag patibok sa puso mo," saad ko.
"Eh ikaw, Adonis. May girlfriend ka na ba?" balik tanong nito.
Napangisi ako na inakbayan itong napapitlag pa kaya natawa ako.
"Meron na, Madam." Kindat ko.
Natigilan ito na namutla at napalunok.
"Meron na," mahinang usal nito.
"A, huh? At napakaganda niyang binibini. Sa lahat ng nakita kong babae sa tanang buhay ko ay kakaiba ang datingan niya, Madam."
Napaismid naman itong bumusangot na nag-iwas ng tingin. Nangingiti naman akong nakamata dito na parang batang nagtatampo ang itsura.
"Mas maganda ba sa akin?" tanong nito na ikinatawa ko.
"Hindi. Magkasing ganda kayo, Madam."
Napalingon ito na nagtaas ng kilay kaya napakindat ako ditong napalapat ng labi at kitang-kita ko ang pamumula ng pisngi nito.
"Tsk, that's impossible," ingos nito.
"Possible, Madam. Kasi. . . ikaw naman ang tinutukoy ko eh," aniko.
Nanlaki ang mga mata nito na dahan-dahang nilingon ako na ikinahagikhik kong napalapat ng labi.
"Girlfriend kita, hindi ba?" aniko.
Napatikhim ito na nagpipigil mapangiti at nag-iwas ng tingin sa akin. Pilit kinukubli ang ngiti na halata naman.
"Linawin mo kasi. Akala ko totoong girlfriend eh," mahinang saad nitong narinig ko pa rin naman.
"Tss, totohanin kita d'yan eh," mahinang saad ko.
ILANG minuto din kaming tumambay ng park. Kung saan-saan na nga napupunta ang kwentuhan namin. Makulit din pala ito at palatawa. 'Yong tipo ng babae na kay sarap kasama at sinasabayan lahat ng trip mo, corny at dirty jokes mo.
Napahalukipkip ito na umihip ang malakas na hangin. Napakapa ako sa bulsa at mariing napapikit na hindi ko nadala ang wallet ko, fvck!
Naman oh! Unang date namin pero wala akong dala maski piso. Kitang nilalamig na rin siya dahil malalim na ang gabi.
Tumayo na ako na ikinasunod nito ng tingin sa akin na nagtatanong ang mga mata.
"Um, tara, Madam?" aniko na naglahad ng kamay dito.
"Huh? Where?" takang tanong nito.
"Um. . . magkakape? Hindi ka ba nilalamig, Madam?" aniko na inalalayan na itong sumakay ng motor ko.
Lihim akong napangiti na kaagad itong yumakap sa baywang ko. Kagat ang ibabang labi na pinaharurut ko na ang motor ko sa kalsada. Naghahanap ng libreng pagkakapehan.
Napangisi ako na may madaanan kaming funeral home na may mga nagluluksa. Pumarada ako sa gilid nito at nagtanggal ng helmet na inakay itong bumaba.
"What are we doing here, Adonis? Akala ko ba sa coffee shop tayo?" nagtatakang tanong nito.
"Oo nga. Mamaya ka na magtanong, Madam. Basta sumunod ka na lang sa akin," kindat kong hinila na ito papasok ng funeral.
Napabusangot itong inirapan ako pero nagpatianod pa rin naman. Pasimple ko namang binasa ang pangalan ng namayapa na nasa tarpaulin dito sa gilid.
Sinalubong kami ng isang babaeng ginang na may katandaan. Naka-itim ito ng dress na mukhang kaanak ang namatay.
"Good evening po, Ma'am, Sir." Magalang pagbati nito na tipid kong ikinangiti at pinalamlam ang mga matang nakatitig sa ataul sa harapan.
"Magandang gabi din ho, Ma'am. Pwede ba naming masilip si. . . si E-Eric?" aniko.
Ngumiti ito na nangilid ang luha na nakatingala sa akin.
"Oo naman po, Sir. Halina po kayo sa harap," pag-aya nitong inalalayan pa kami.
Napapalapat ako ng labi na nangingilid ang luha. Pekeng luha. Putang ina. Gawain namin ito ni Tyago eh. Ang sumalisi sa mga libreng pakapehan sa tabi-tabi.
Mariin akong napapikit na makitang binabae pala ang Eric na 'to. Hinagod-hagod naman ng ale ang braso ko na nakadungaw din sa kabaong ng namatay. Tahimik lang naman si Madam na hawak-hawak ko ang kamay at nakikisilip lang sa namayapa.
"A-ano po bang nangyari?" pumiyok ang boses kong tanong.
"Suicide. Hindi niya kinaya na hiniwalayan na siya ng kasintahan kaya kinitil niya ang sariling buhay."
Napalunok ako sa narinig. Susmi ginoo! Sana lang hwag akong dalawin nito sa panaginip ko!
"Nakikiramay po kami, Ma'am. Masakit man pero. . . wala na tayong ibang magagawa kundi ang tanggapin ang kapalaran niya at umusad na. . . na wala na siya," mababang saad ko.
Napahagulhol ito na yumakap sa braso ko na umiling-iling.
"Ang sakit-sakit lang tanggapin, Sir. Inaruga ko siya mula pagkasilang ko sa kanya. Pinalaki, pinaaral, binihisan, pinakain. Pero kung kailan matanda na ako at malaki na siya ay saka naman ako iiwanang mag-isa," umiiyak nitong saad.
Hinagod-hagod ko na lamang ang likuran nito na marinig ang hinaing niya. Mapait na napangiti na may mga gan'to pala talagang tao. Na handang kitilin ang sariling buhay dahil sa kabiguan sa pag-ibig.
"Um, pasensiya na kayo, Ma'am, Sir. Maupo na muna kayo, ha?" anito na napapasinghot pa.
Napasunod kami dito na inakay maupo sa gilid at tinawag ang isang babae.
"Menggay, dalhan mo naman ang mga bisita natin ng kape at sandwich," anito.
"Sige po, Tyang," ani ng dalagang tinawag nito at napapayuko pa sa amin.
Sakto namang may mga nagdagsaan pang ibang bisita.
"Um, maiwan ko na muna kayo, ha?" pamamaalam nito.
"Sige lang po, Ma'am. Asikasuhin niyo muna ang mga bagong dating," magalang saad kong ikinangiti nito sa amin.
Napasunod kami ng tingin dito na sinalubong ang mga kaanak nilang nag-iiyakan na nakamata sa ataul sa harapan.
"Hey?" kalabit nito sa akin.
"Hmm?"
"Who is Eric? Is he your friend?" bulong nito.
Napatikhim ako na lumapit na ang dalagang may dalang tray na may kape at sandwich na nakalagay doon. Napangiti pa ito sa amin na maingat inilapag ang tray sa mesa namin.
"Magkape na po muna kayo, Ma'am, Sir," anito na napakahinhin.
"Salamat," kindat kong ikinangiti nito lalo.
"Magsabi lang po kayo kapag may kailangan pa kayo, Sir, Ma'am."
Tumango lang ako na nakangiti dito. Yumuko pa ito sa amin bago pinagsilbihan ang ibang bisita. Nangingiti naman akong dinampot ang isang baso ng kape na inilapag sa harapan ni Madam.
"Kape ka muna, Madam. Masarap 'yan," kindat ko.
Hindi naman ito umangal na sumimsim sa kape. Dinampot ko na rin ang akin at napasimsim.
"Uhmm. . . ang sarap ng kape nila," anas ko na malasahang barako ang kape.
"Yeah, masarap nga siya," pagsang-ayon naman nito.
Kinuha ko ang sandwich na iniabot ditong tinanggap nito. Nakakahiya. Mukhang nagutom pa siya sa kwentuhan namin kanina sa park pero ang malas ko lang na hindi nadala ang wallet ko. Wala tuloy akong pera maski piso sa bulsa.
Ilang minuto pa kaming nanatili sa funeral at dagsaan na rin ang mga nakikiramay. Nang wala ng nakakansin sa amin at abala na ang mga kaanak ng yumao sa mga bisita ay pasimple akong tumayo na kinalabit ito.
"Tara na," bulong ko.
Tumayo naman ito na napalinga pa sa paligid. Magkahawak kamay kaming lumabas ng funeral. Mabuti na lang at marami na ang tao kaya madali na lang makapuslit palabas. Pigil-pigil ang sarili kong matawa na nagtataka ito.
Napapalinga pa ito na tila hinahanap ang kaanak ng yumao na nakausap namin. Hanggang sa makalabas na kami ng funeral.
"Hindi ka ba magpapaalam sa kanila?" nagtatakang tanong nito na pinasuot ko na ng helmet.
"Hindi na, Madam. Tara na," aniko.
"Bakit? Hindi ka ba nila hahanapin? Friend mo 'yong yumao, 'di ba?" sagot nito na inalalayan kong makasakay ng motor.
Pigil-pigil ang pagtawa ko na hindi malaman ang isasagot. Nagsuot din ako ng helmet bago ko pinaandar ang motorsiklo ko.
"Adonis?" untag nito.
"Ahem! Ang totoo niya'n, Madam. . . hindi ko sila kakilala," pag-amin ko na pinasilab na ang motor.
Yumakap naman ito sa baywang ko at ipinatong ang mukha sa balikat ko.
"What do you mean?" naguguluhang tanong nito.
"Nakikape lang naman tayo, Madam. O 'di ba? Libreng kape at sandwich ang pinuntahan natin." Saad ko na nagpipigil matawa.
"Huh?"
Malutong akong napahalakhak na natulala ito sa sinaad ko. Ilang segundo itong napaisip na ikinahagikhik ko at nang matauhan ay napatili ito na nakurot ako ng pinong-pino sa baywang!
"ADONISSSS!!"