ROXY:
NANGINGITI ako habang nakatambay dito sa boutique shop ng pinsan kong si Danica. Katulad ko ay single pa rin ito na lagpas na rin ng 30's.
Naiiling na lamang ako sa isip-isip ko na maalala si Adonis. Gosh, halos madaling araw na tuloy akong nakatulog kanina dahil sa kakaisip dito. Nagulat ako na tumawag ito at pinaalam na sa isang Bar ko siya nagtratrabaho. What a small world!
Hindi kasi ako nagtutungo sa mga Bar na nakapangalan sa akin. Madalas ako sa Bar pero sa mismong branch ng Del Prado's Exclusive Bar ako tumatambay kasama ang mga kaibigan at pinsan ko.
"What's with that smile, Roxy?"
Napalis ang ngiti ko na marinig ang panunudyo ng pinsan kong si Danica. Ang only daughter din ni Tito Khiro. May kakambal ito, si Kuya Akhiro. Pero katulad ni Kuya Chloe ay may pamilya at mga anak na rin ito.
"Bakit, anong mali sa ngiti ko?" painosenteng tanong ko na sumimsim sa apple berry juice ko.
Matiim naman ako nitong pinakatitigan na tila binabasa ang tumatakbo sa isipan ko. Hindi ko tuloy maiwasang pamulaan at napapa-iwas ng tingin sa mga mata nito.
"There's something different in you today, sis," anito sa nangsusuring tono.
"Ano namang bago? Ako pa rin naman ito, Dani." Natatawang saad ko na pilit iniiba ang topic.
"Hindi eh. May something talaga sa'yo today, Roxy. Tell me? May boyfriend ka na ba?"
Sunod-sunod akong napaubo na nasamid sa juice ko dahil sa tanong nito.
"Oh my God! Is this for real!? Who? When? How?" magkakasunod nitong tanong na bakas ang tuwa at excitement.
"Ano bang boyfriend ang pinagsasabi mo? Wala kaya," kaila ko na nagpipigil ng ngiti.
"Aysus, magde-deny pa. Kitang-kita namang guilty siya," tudyo pa rin nitong sinusundot-sundot ako sa tagiliran.
Natatawa naman akong napapaiktad at nakikiliti sa pasundot-sundot nito. Kita naman kasing hinuhuli niya lang ako. Hindi ko pa naman pwedeng ipagkalat na boyfriend ko na si adonis dahil nagpapanggap lang kami. At wala pa kaming masyadong napag-uusapan ng tungkol sa amin kaya ayokong pangunahan ang mga bagay-bagay sa amin. Baka mamaya ay may mahal na pala ito. eh 'di masasaktan lang ako.
"Who's this lucky guy, hmm?"
"Wala nga," natatawang saad kong ikinabungisngis nito.
"C'mon, sis. Tayo-tayo lang ang nandidito. Ano, maglilihim ka pa sa akin?" pangungulit pa rin nito.
"Fine." Aniko na ikinatigik nitong namimilog ang mga mata.
"OMG! I knew it!" bulalas nitong napapairit na takip ng palad ang bibig.
Naiiling na lamang akong napahinga ng malalim. Wala din naman kasi akong kawala dito. Tiyak na hindi niya ako tatantanan hanggang sa mapaamin niya ako. Dahil kung hindi siya magtagumpay? Susunod na mangungulit sa akin ang iba pa naming mga pinsan hanggang sa mapaamin na nila ako.
"Hwag ka na munang maingay. Wala pa naman kasi kaming label nung tao," aniko.
Napalapat naman ito ng labi na sinenyas pang i-ziniper ang bibig na nangangakong hindi siya magsasalita.
Napahinga ako ng malalim na ikinaupo nito sa tabi ko at matiim na nakatitig sa akin. Bakas ang kasabikan sa mga mata nito na marinig ang sasabihin ko.
"I just met him. . . yesterday," paninimula kong ikinasinghap nito.
"Actually. . . he's not really my blind date yesterday na dapatbipapakilala ko kay Daddy. Pero dahil hindi dumating ang ka-date ko? Nagkataon na nasa area si Adonis at akmang dadaan siya sa harapan namin ni Daddy kaya sinalubong ko. Nakisuyo ako sa kanya and tinulungan naman niya akong mapaniwala si Daddy na boyfriend ko siya," pagkukwento kong ikinatulala nito.
"After Dad left us. I talked to him. Nag-offer ako ng price pero. . . tinanggihan niya ang offer ko. Ang sabi niya. . . kapag tutulungan niya ako? Tutulungan niya ako na walang kapalit. Dahil kusa niya daw 'yon gagawin kung kailangan ko ng tulong niya," pagkukwento ko pang lalong ikinatulala nito.
"Wow. That was new. May mga ganyang tao pa pala sa panahon ngayon, nuh? na tipong tutulungan ka na walang hihinging kapalit," manghang bulalas nitong ikinangiti ko.
"And you know what funny is?"
"Ano?" excited nitong tanong na nangingiti.
Natawa akong napahilot ng sentido. Naiiling na maisip si Adonis.
"He's one of my employees. Imagine? May gano'ng kagwapo, maginoo at kakisig pala akong empleyado na hindi napapansin."
Napakurap-kurap naman itong namimilog ang mga mata sa narinig.
"So, your saying that this guy is handsome, hunky and gentleman?" anito na ikinatango-tango ko.
"Dadalhin ko siya sa mansion sa weekend. Ipapakilala ko siya sa inyo."
"OMG! So is this mean. . . hindi na matutuloy ang engagement mo next month!?"
"Yes."
Napairit itong ikinahalakhak ko. Nahahampas pa ako nito sa braso na kilig na kilig sa mga nalaman.
"I'm excited to meet this man," bulalas nito.
"I'm excited too."
NAPAPALAPAT ako ng labi habang hinihintay si Adonis na dumating. Nauna na akong pumasok ng Bar bago pa magbukas ito mamayang seven pm. Tumuloy ako sa office ko dito para hindi ako pagkaguluhan ng mga tao. Mahirap ng may makakilala sa akin dito lalo na't wala akong kasamang bodyguard ko na haharang sa mga ito. Kung hindi lang nakiusap si Adonis ay hindi ako magagawi dito.
Nababagalan ako sa paglipas ng oras. Mamayang seven pa kasi ang dating ni Adonis at may thirty minutes pa. Napatayo ako ng swivel chair ko at napahalukipkip na palakad-lakad dito sa tapat ng glass wall kung saan tanaw dito ang kalsada sa ibaba. Hindi ko rin maintindigan ang sarili ko. May kung anong parte sa puso ko ang nasasabik na makita ito at makausap muli. Na parang. . . hinahanap na siya ng puso at paningin ko.
Napapanguso ako na hindi mapakali. Kung bakit naman kasi napaaga ako eh. Para tuloy akong timang ngayon dito na naghihintay.
Napangiti ako na mag-ring ang cellphone ko at mabasang ito ang caller. Ilang beses na muna akong humingang malalim para kalmahin ang puso ko bago sinagot ang tawag nito.
"Ahem! Yes?"
"Hi, Madam. Kadarating ko lang ng Bar." Anito sa kabilang linya.
"Good. Umakyat ka dito sa second floor. Nandidito ang opisina ko," sagot ko na nagtungo na sa mesa ko.
"Nandito ka na?"
"Yes. And, please? Bring me some coffee," sagot ko.
"Okay, Madam. Noted."
Napapalapat ako ng labi na pigil-pigil ang sariling mapairit na sa wakas ay nandidito na ito. Hindi ko tuloy makalma ang puso kong nagsusumipa na naman sa loob ng ribcage ko sa kaisipang parating na si Adonis.
Napapabuga ako ng hangin. Pilit pinapa-normal ang lahat sa akin. Ayoko namang mahalata ako ni Adonis na kabado at excited na makita ito. Baka mamaya ay kung ano pa ang isipin nung tao.
Ilang minuto lang naman ay kumatok na ito sa may pinto. Salamin kasi ang pinto kaya makikita kung sino ang tao doon mula dito sa loob. Sinenyasan ko naman itong pumasok na ikinangiti nitong binuksan na ang pinto.
Lihim akong napangiti na bumaling muli sa laptop ko at nagkukunwaring busy sa ginagawa. Kita ko naman sa gilid ng mata kong lumapit na ito na may dala talagang kape. Nakapagbihis na rin ito ng uniform nito bilang waiter kaya naman napakakisig niya lalo tignan.
"Kape mo, Madam," malambing saad nitong inilapag ang mug sa harapan ko.
"Thank you, baby. Have a sit," aniko na ikinasunod naman nito.
Ramdam ko ang mga mata nitong ngayo'y nakatutok sa akin. Hindi ko tuloy maisaulo ang binabasa ko sa laptop tungkol sa sales report nitong Bar.
"Ehm, may sasabihin ka ba, Madam? Kailangan ko na kasing bumalik sa baba. May trabaho pa ako," pamamaalam nito.
Nag-angat ako ng mukha na sumimsim sa gawa nitong kape.
"I'm your boss, baby. Just stay there, okay?" aniko.
Pilit itong ngumiti na kitang alanganin pa rin. Napapangiti na lamang akong sumisimsim sa kape ko. Infairness. . . masarap siya magtimpla ng kape.
"Baka lang kasi may masabi ang iba, Madam," saad pa nito.
"Don't mind them, Adonis. Hindi naman sila ang nagpapasahod sa'yo dito kundi ako. Kaya sa akin ka makinig, is that clear?"
"Okay. Loud and clear po, Madam."
Mahina akong natawa na ikinatawa din nito. Sandali kaming nagkatitigan sa mga mata at heto na naman ang bugso ng damdamin kong hindi ko maipaliwanag. Dinig na dinig ko pa ang unti-unting pagbilis ng t***k ng puso ko habang nakikipag titigan sa mapupungay niyang mga mata.
Napakaamo ng mga mata nitong kulay asul at may pagka-chinito. Malalantik at makapal ang mga pilikmata nito na pinaresan ng itim na itim at may kakapalan din niyang mga kilay na ikinabagay nito. Matangos din ang pointed nose nito. Manipis ang mapulang mga labi na napaka-kissable ang itsura. Maging ang pagkakahulma sa baba nito ay napaka-perpekto ng jawline.
Malinis siya sa mukha. Medyo moreno siya pero bagay naman niya. Kahit haircut nito ay maayos din. Bagay na bagay nga niya ang hairstyle nitong pang-kpop ang datingan. Idagdag pang matikas at matangkad ito. Kahit sinong babae ay mapapalingon kapag ito ang naglakad.
"Mis Montereal! My apology, Ma'am. Pasensiya na kayo sa waiter namin dito na basta na lamang pumasok dito at ginulo ang privacy niyo," humahangos na saad ng isa pang lalake na basta na lamang sumulpot dito.
"Tumayo ka nga d'yan," dinig kong mahinang sikmat pa nito kay Adonis.
Nangunot ang noo ko na napatitig sa lalakeng bagong dating na tila masama ang tingin kay Adonis.
"And who the hell are you?" may katarayan kong tanong.
Napatuwid ito ng tayo na ngumiti sa akin ng matamis bago napayuko.
"I'm William Mendez po, Ma'am Roxy. Ang manager sa Bar," magalang pagpapakilala nito sa sarili.
Napanguso na lamang akong tumango-tango habang nakamata ditong bakas ang tuwa na nakamata lang din sa akin. Napakalapad pa ng ngiti na akala mo'y hindi nangangawit ang labi sa pagkakangiti.
"Lumabas ka na," mahinang asik nito kay Adonis.
"Um, sige po, Madam. Mauna na po ako," pamamaalam ni Adonis na ikinatango ko.
Napasunod kami ng tingin ditong lumabas ng opisina. Napapamura na lamang ako sa isipan na lumabas na ito. Kung bakit naman kasi sumulpot na lang bigla ang hudas na 'to eh. Masaya na sana ang gabi ko. Sinira pa nito.
"May kailangan ka pa?" aniko.
"Uhm, Ma'am, tungkol po sana sa budget ng renovation natin dito sa Bar," paninimula nito.
"Talk to my secretary about that thing. 'Yon lang ba ang dahilan kaya niyo ako pinapunta dito?" may pagmamaldita kong tanong na ikinalunok nito.
"Si Guillermo po ba ang nagpapunta sa inyo dito, Ma'am?"
"Yes."
"Pasensiya na po kayo, Ma'am. Ako na ang humihingi ng dispensa sa kalapastanganan ng waiter namin dito."
"Kalapastanganan?" ulit kong ikinatango-tango nito.
"Opo, kawalan ng respeto sa inyo ang biglaan niyang pagpasok dito. At ang basta na lamang pagpapunta sa inyo dito. Hindi ko po alam kung saan o kanino iyon kumapit kaya napapunta kayo dito. Ako na ho ang humihingi ng dispensang naabala kayo, Ma'am." Magalang saad pa nito.
"Baguhan lang po kasi ang isang iyon. Wala din siyang galang sa akin na nakatataas ng posisyon sa kanya. Maging ang ilang katrabaho na nga nito ay nagrereklamo sa akin. Ang ibang babae ay nagsusumbong na na hinihipuan sila ni Adonis." Pagsusumbong pa nito.
Napanguso ako na pinakatitigan ito. Sa nakikita ko at nararamdaman ko ay tila sinisira nito ang imahe ni Adonis sa akin. Hindi ako umimik na nakamata lang dito. Kitang-kita ko rin naman na gumagawa lang ito ng kwento para mapasama si Adonis.
Imposible naman kasing manghihipo ang mga katulad ni Adonis dahil kung pagbabasehan lang ang itsura nito? Damn, baka ito pa nga ang hihipuan. Na kay Adonis na ang lahat ng hinahanap ng babae sa lalake. At kung ugali naman ay dama kong mabuting tao ito. Kaya paano kaya naaatim ng isang ito na sirain si Adonis sa akin.
"Call him to come back here. I want to talk to him, now." May kadiinang utos kong ikinatango nito.
"Yes, Ma'am!"
Napailing na lamang akong sinundan ito ng tingin nq lumabas ng opisina kong tuwang-tuwa. Akala yata ng hudas ay nagtagumpay siyang sirain ang kapwa niya.
Ilang minuto lang naman ay muling bumukas ang pinto at niluwal no'n si Adonis na kitang kabado. Mukhang tinakot pa siya ng hudas na 'yon.
Tumayo akong sinalubong ito na napapalunok habang nakamata sa akin. Napangiti akong humawak sa kwelyo ng polo nito at marahang hinila pasandal ng glass wall. Napapalunok naman itong nagtaas pa ng kamay na animo'y sumusuko.
Napapangisi akong malagkit na nakatitig ditong kitang tensyonado.
"Are you okay? Are you afraid of me?" malambing tanong ko.
Napalunok ito na lumamlam ang itsura. Nangingiti naman akong napayapos sa batok nito. Dahan-dahan ding naibaba nito ang kamay na napakapit sa baywang ko.
"A-ano ba 'yon, Madam? Nasa trabaho ako," anito.
"Sinabi ko na, 'di ba? Ako ang boss mo kaya hwag mo ng alalahanin ang mga katrabaho mo," anas ko na napapatitig sa mga labi nito.
Napalunok ito na halos hindi humihinga sa sobrang lapit ng mukha ko dito.
"N-nakakahiya kasi, Madam."
"Hwag mo nga silang alalahanin. Samahan mo ako sa labas," aniko.
Nagtama ang mga mata namin na ikinangiti kong makitang pinamumulaan ito ng pisngi.
"Uuwi ka na ba?"
"Nope."
"Eh ano pala?"
"Mag-date tayo, baby."
Namula ito lalo na ikinahagikhik ko. Napapalunok pa ito na kitang nabigla sa sinaad ko.
"I want to know you more, Adonis. At dapat marami ka ding alam sa akin para makapag handa ka sa sabado kung sakaling tanungin ka ng pamilya ko," Alibi ko.
Lihim akong napangiti na makita itong napakamot sa ulo na tila wala ng pamimilian.
"Kailangan bang ngayon? May trabaho ako eh. Ginugulo mo ako," anito.
Napahagikhik akong napisil ang matangos niyang ilong. Natatawa na rin ito na kitang mas komportable na siya ngayon kaysa kanina.
"Ako ang boss mo, baby. You have nothing to worry about," ngisi ko bago tumalikod dito at dinampot na ang handbag ko.
"M-magbibihis na muna ako, Madam," pamamaalam nito.
"Okay. Hintayin kita sa baba." Sagot kong ikinangiti at tango nito.
Napapailing na lamang akong bumaba ng parking sakay ng elevator.
"Damn, Roxy. Seriously? Para mo na siyang binitbit para maka-date mo ngayong gabi?" kastigo ko sa sarili na naiiling.
Para akong bumalik sa pagiging teenager na kinikilig kay crush. Damang-dama ko ang bilis ng kabog ng dibdib ko na makakasama ko si Adonis sa mga oras na ito. Hindi ko lang lubos akalaing sa isang simpleng binatang katulad niya pa pala ako mahuhumaling ng gan'to. Hindi ko mapigilang mapangiti kahit mag-isa lang ako na iniisip si Adonis.
"s**t! Mukha ngang. . . tinamaan na ako sa kumag na 'to." Usal ko na naglalaro sa isipan ang gwapong mukha ni Adonis.