ADONIS:
MALALAKI ang hakbang na nagtungo ako ng locker room namin para matawagan si Madam. Kailangan ko na munang makasigurong siya nga ang Boss ko. Kung nagkataon na siya talaga ay madali na sa aking kausapin itong magtungo dito para sa Bar.
Kabado ako habang hinihintay na sumagot ito sa kabilang linya. Sana lang ay hindi ako nakakaabala.
"Hello, Madam?" aniko na sa wakas ay sumagot na ito.
"Adonis? Napatawag ka?" anito sa kabilang linya.
Napahinga ako ng malalim na kakamot-kamot sa batok. Nahihiya akong humiling dito pero wala naman akong pamimilian. Ayoko namang matanggal sa trabaho ko dito.
"Um. . . nakakaistorbo ba ako, Madam?"
"Hmm. . . nope. I always have time for my boyfriend. What is it, baby, hmm?" malambing sagot nito.
Napalapat ako ng labi at aminadong kinilig sa litanya nito. Napatikhim ako na pilit pinapa-normal ang itsura at boses.
"Uhm. . . ano kasi eh. Uhm. . . ikaw ba ang may-ari dito sa Del Prado's Bar dito sa Taguig branch, Madam?" nauutal kong tanong dito.
Saglit itong natigilan na kalauna'y napahinga ng malalim.
"Yeah, why, baby?"
Napabuga ako ng hangin na parang nabunutan ng tinik sa lalamunan ko. Kahit paano ay nakahinga na ako ng maluwag na makumpirmang ito nga ang boss ko!
"Uhm. . . Madam, dito kasi ako nagtatrabaho eh. At. . . at inutusan ako ng manager namin na papuntahin ko dito ang boss namin para sa financial budget ng renovation sa second floor ng Bar," pagtatapat ko.
Pigil ang hininga ko habang nakalapat ang aparato sa tainga ko at hinihintay ang sagot nito. Ayoko namang i-please ito dahil alam kong busy siyang tao.
"Okay, I'll be there tomorrow night, see you there, huh?" malambing sagot nito na ikinakurap-kurap ko.
"Yon na 'yon? Okay na? Hindi ka manlang maniniguro? Hindi ka magpapa-schedule?" manghang tanong ko.
Mahina itong natawa na ikinalunok kong bumilis ang kabog ng dibdib. Napakalambing kasi ng dating ng mahinhin nitong pagtawa sa kabilang linya. Ang sarap sa tainga.
"Yeah. Bakit naman ako maniniguro eh boyfriend ko ang tumawag sa akin. I trust you, Adonis. I'll see you tomorrow, then?" anito.
Para akong nabunutan ng batong nakabukil sa aking lalamunan at napatalon pa sa sobrang tuwa na hindi na ako matatanggal sa trabaho!
"Salamat, Madam! Sige, hintayin kita dito bukas," maluha-luhang saad ko na bakas ang saya sa tono.
"Anything for you, baby. Goodnight."
"Goodnight, Madam. Salamat ulit."
NANGINGITI akong lumabas ng locker room namin at pasimpleng nagpahid ng pawis. Mabuti na lang pala at si Madam Roxy ang boss ko. Tiyak na magugulat ang mga kasama ko dito lalo na si Sir William kapag malaman nilang may ugnayan kami ni Madam Roxy. Pero 'di bale na nga. Bahala na si Madam kung ipaalam niya sa mga ito na boyfriend niya ako. Ayokong pangunahan siya dahil baka sa bandang huli ay ako lang ang mapapahiya.
Bumalik ako sa trabaho na may ngiti sa mga labi. Nawalang parang bula ang kaba at pagkabahala ko kanina na naayos ko kaagad ang problema ko. Nakakainis ang Sir William na 'yon, hah? Namimersonal ba siya?
Napailing na lamang akong nagpatuloy sa trabaho. Marami-raming costumer dito sa Bar at mga bigtime din naman ang mga nandidito. Kaya naman bawal ang kukupad-kupad sa trabaho.
PANAY ang hikab ko habang nagpapit dito sa locker room namin. Pagkalabas ko ay siya namang pagsalubong ko kay Sandara kasama ang bestfriend nitong GRO din. Si Analyn.
"Hi, handsome, pauwi ka na?" malambing bati ni Analyn na napapairit.
"Um, oo eh."
"Pwede ba kaming sumabay? Please?"
Natigilan ako sa paglalambing ni Sandara na parang maamong pusang nagpapa-cute na naman sa akin. Napakamot ako sa ulo. Hindi malaman ang isasagot kung paano sila tanggihan.
"Sige na, hmm? Mahirap makakuha ng masasakyan sa gan'tong oras, Adonis. Baka mamaya ay magahasa pa kami ng makuha naming taxi," ani Analyn na ikinalunok ko.
Tama naman kasi siya. Masyadong delekado ang bumyahe ang mga katulad nilang babae sa gan'tong oras. Maraming loko-lokong driver at sa itsura nila ay 'di malayong pagka-interesan sila ng mga lalake. Napaka-revealing ba naman ng suot nila at magaganda pa sila. Lalo na at nakaayos sila.
"Uhm, sige. Isabay ko na lang kayo."
"Yes! Thank you, honey!" impit nilang tili na yumakap sa magkabilaang braso ko.
Naiiling na lamang akong hinayaan ang mga ito at lumabas na kami ng Bar. Inaantok na rin kasi ako at gusto ko ng matulog.
"Iisa lang ba ang tirahan niyo?" tanong ko habang nagsusuot kami ng helmet.
"Yeah. Malapit lang naman ang apartment namin, Adonis. Saka madadaanan mo rin," ani Sandara na siyang unang sumakay ng motor ko.
Sumunod namang sumakay si Analyn kaya in-start ko na ang motor ko at binagtas ang kahabaan ng highway. Kapag gan'tong madaling araw na ay mangilan-ngilan na lamang ang sasakyan sa kalsada. Kaya naman maluwag ang daan at diretso lang ang byahe.
Napapailing na lamang ako sa isip-isip ko na pasimpleng nakayakap si Sandara sa tyan ko. Sinasadya pa nitong idiin ang hinaharap sa likod ko. Hindi naman ako manhid para hindi maramdaman ang dibdib nitong nakalapat sa likuran ko. Hindi ko na lamang ito pinansin at nag-focus sa pagmamaneho.
PAGDATING namin sa tapat ng apartment nila ay bumaba na rin ang mga ito.
"Gusto mo bang magkape na muna sa loob?" paanyaya ni Sandara na inilingan ko.
"Hwag na, salamat, Sandara. Inaantok na rin kasi ako eh. Sige, mauna na ako, pumasok na kayo." Aniko.
"Okay, goodnight, Adonis. Ingat, ha?" ani Analyn na ikinangiti at tango ko.
"Salamat ulit, Adonis. Mag-iingat ka. Goodnight," kindat ni Sandara na mahinang ikinatawa kong tumango na lamang.
"Pasok na kayo."
Kumaway ang mga ito bago pumasok ng gate ng kanilang apartment. Nang makapasok na sila sa loob ng tirahan nila ay saka ko lang muling pinaharurut ang motor ko pauwi.
Hindi naman malayo ang Bar sa bahay. Nasa twenty minutes lang ito kung gan'tong walang traffic.
PAGDATING ko ng bahay ay nahihimbing na si Nanay sa silid nito. May duplicate key naman ako ng bahay kaya hindi ko na siya kailangang gisingin kapag gan'tong oras na ako nakakauwi. Mabigat din ang trabaho ni Nanay sa karinderya. Sila kasi ni Nanay Glenda ang nagluluto doon ng mga ulam. Kaya naman maaga pa lang ay nandoon na sila para makapagluto kaagad.
Matapos kong maghilamos ay sinilip ko na muna si Nanay at napangiting nahihimbing na nga ito. Pumasok ako ng kanyang silid at inayos ang kumot nito.
"Nandito na po ako, Nay." Aniko na humalik sa noo nito bago muling lumabas ng silid.
Naghubad ako ng kasuotan at tanging boxer lang ang suot na sumampa ng kama ko.
"Uhmm," mahinang ungol ko na sa wakas ay makakapag pahinga na rin ang tao.
May ngiti sa mga labi na naglalaro sa isipan ko ang pekeng girlfriend ko. Si Madam Roxy. Iisipin ko pa lang na makikita ko siya bukas sa trabaho ay may kung anong puwang sa puso ko na nae-excite makita itong muli. Hanggang ngayon ay hindi pa rin ako makapaniwalang napakayaman pala nito.
Nakatulugan ko tuloy na ito ang laman ng isipan ko.
NAALIMPUNGATAN ako na marinig ang sunod-sunod na pagkatok sa pinto na ikinabangon ko ng kama. Naniningkit ang mga mata na napalingon sa pinto.
"Adonis, bangon na!" ani Tyago na muling kumatok.
"Eto na." Paos ang boses kong sagot na bumangon na ng kama.
Napapainat ako ng mga braso na napapahikab pa dala ng kabitinan sa tulog. Pasado alasnuebe na rin pala ng umaga. Mabuti na lang at ginising ako nito kundi mali-late ako sa trabaho ko.
"Kape mo, tol."
"Naks, samalat, tol." Aniko na inabot ang kape.
Naupo ako ng silya katabi ito dito sa sala at dumampot sa dala nitong ensemada.
"Napasarap ang tulog natin ah," anito habang sumisimsim ng kape nito.
"Ikaw ba naman ang laging puyat," saad ko na dumampot muli sa ensemada na isinawsaw sa kape ko.
"Kaya nga, hwag mong abusuhin ang sarili mo, Adonis. Baka naman sa sunod eh. . . nitsu mo na ang lilinisan ko doon sa sementeryo," anito na ikinasamid ko.
Malutong itong napahalakhak na hinagod-hagod ako sa likuran. Tang'na. Ang sama ng biro!
"Namo ka!" asik kong nagpunas ng laway.
Napahalakhak lang naman ito na napapahawak na sa tyan. Naiiling na lamang akong nagpatuloy magkape.
"Biro lang. Ito naman," anito na hinihingal pa.
"Nakakainis ka," sikmat ko pa rin dito.
"Maiba tayo, tol." Anito na napaseryoso na ang hudyo.
"Bakit?"
Napanguso ito na naiiling. Tila kay lalim ng naiisip.
"Hoy, ano nga?" untag ko sa pagkakatulala nito
Napahinga ito ng malalim na napakamot ng kilay.
"Tol, tingin ko. . . umiibig na ako eh," anito.
Saglit akong natigilan na pino-proseso sa isipan ang sinaad nito. Malutong naman akong napahalakhak na ikinabusangot nitong sinamaan ako ng tingin.
"Pucha, Tyago! Hwag mong sabihing tinamaan ka sa mga pokpok d'yan sa kanto?" pangangantyaw ko ditong lalong umasim ang mukha.
"No way! Hindi sila. Iba ito, siraulo."
"Talaga? Sino naman itong malas na dilag na natipuhan mo, hmm?"
"Anong malas? Maswerte nga siya eh. Sa dinami-rami ng mga babaeng naghahabol sa akin eh. . . siya lang itong natipuhan ko," ngising asong saad nitong ikinabungisngis ko.
Natatawa naman itong sinipa ang binti ko.
"Hwag mo nga akong pagtawanan. Siraulo ka talaga. Maging supportive ka naman," ingos pa nito.
"Ahem! Maganda naman ba?" aniko.
Unti-unti itong napangiti habang nakamata sa kisame na parang timang.
"Ang ganda niya, tol. Sobrang ganda niya," paanas nitong parang nagdi-day dreaming ang hudyo!
"Aray, ano ka ba?!" asik nito na binatukan ko para matauhan na.
"Gumising ka nga, Tyago. Para kang timang," natatawang sikmat ko.
"Ang sama mo naman. Iharap ko siya sa'yo at kakainin mo ang salita mo," ingos nito na kakamot-kamot sa batok.
Naalala ko naman si Madam Roxy. Napangiti akong ikinataas ng kilay nito sa akin.
"Alam mo, Tyago. Tingin ko, umiibig na rin ako," wala sa sariling sambit ko habang nakatulala na iniisip si Madam.
Napakaganda niya, matangkad, makinis, maputi, sexy, ang tambok din ng hinaharap at pang-upo nito, shuta!
Iisipin ko pa lang na makakasama ko ang isang katulad niya ay para na akong lumulutang sa kaulapan na may kasama akong anghel na kay ganda!
"Aahh! Tyago naman! Putang ina nito," inis kong daing na binatukan ako nitong halos ikasubsob ko sa sahig.
"Hahaha! Paano, para ka ng timang d'yan na nakatulala," tumatawang kant'yaw nitong ikinatawa ko na ring.
"Gago 'to, iniisip ko lang ang bebe ko eh," ingos kong ikinagalpak nito ng tawa.
Napabusangot akong humalukipkip.
"Bahala ka nga sa buhay mo, pag siya ipinakilala ko sa'yo, tignan ko lang kung hindi lumuwa ang mga mata mo sa kagandahan niya."
Tumabi naman itong tinapik-tapik ang hita ko.
"Oo na. Wala ng tampuhan, tol. Pero seryoso ako dito. Palagay ko ay nahuhulog na ako sa kanya."
"Sino bang tinutukoy mo?"
"Yong anak ng bagong kliyento ko, tol. Zaragoza family. Bigtime sila, tol."
Napangiti ako na kitang seryoso naman na ito sa kwento.
"Parang akin lang din pala eh."
"Huh? Bakit?" anito na humarap sa akin.
Napahinga ako ng malalim na napangiti.
"Ibang-iba ang datingan niya para sa akin, tol. Unang kita ko pa lang sa kanya ay dama ko ang pagtibok ng puso ko na namamangha sa kagandahan niya. Pero. . . ang taas niya, tol. Kahit abot kamay ko na siya ay hindi pa rin ako ang nababagay sa isang katulad niya." Pagkukwento ko.
Matamang lang naman itong nakatitig na nakikinig sa akin.
"Sino ba siya? Bagong kakilala?"
Napangiti akong nakipagtitigan dito.
"Oo. Nakilala ko siya kahapon sa shop. At siya pala. . . ang boss ko sa Bar."
"Seryoso?"
"Oo nga sabi. Si Roxanne Montereal," pag-amin kong ikinamilog ng mga mata nito.
Hinugot nito ang cellphone na may itinipa at namimilog pa rin ang mga mata.
"Siya ba!?" bulalas nito na ipinakita ang in-search sa internet.
Napangiti akong tumango-tango na makita na si Madam ang in-search nito.
"Oo. Alam mo, Tyago. Fake boyfriend niya ako. Pinagpanggap niya ako kahapon sa harapan ng Daddy niya. Ang bilis ng pangyayari. Nakakalutang. Tapos kakaalam ko lang kagabi na siya ang boss ko sa Bar."
"Wow, tinadhana."
"Tingin mo?"
"Oo naman, tol. Biruin mo? Pinaglalapit talaga kayo." Bulalas nito na ikinasilay ng ngiti sa mga labi ko.
"Sana nga, Tyago. Sana siya na ang para sa akin." Sagot ko na naglalaro sa imahinasyon ang maamo at magandang mukha ni madame Roxy.
Alam ko namang imposible ang mga bagay-bagay sa amin. Dahil sa laki ng agwat ng status namin sa buhay. Kumbaga e. . . langit siya, lupa naman ako. Ang mga katulad ni madame Roxy ay parang mga bituin sa kalangitan. Nakikita mo ito pero kahit anong pilit mo, mahirap itong abutin ng mga hampaslupang katulad ko.