ADONIS:
MAGHAPON akong nakababad sa trabaho ko bilang delivery rider sa isang online app. Biglang nagkasigla ang araw ko na may makilala akong dyosa kaninang tanghali. Naiiling na lamang ako sa naging deal namin.
Wala namang kaso sa akin ang tumulong. Basta ba kaya ko ay hindi naman ako mahirap lapitan. At hindi ko rin naman ugaling tumulong na may hihinging kapalit.
"Tol, kumusta ka?"
Napailing akong tipid na ngumiti at nakipag-goosebump sa kaibigan kong si Santino.
"Matumal eh. Pero babawi na lang ako mamaya sa sideline ko sa Bar," aniko na ikinatapik nito sa balikat ko.
"Ganyan talaga, tol. Hindi araw-araw na mataas ang kita. Lalo na sa trabaho mo bilang delivery rider," sagot nito.
"Ikaw ba? Kumusta ang araw mo?" balik tanong ko habang papasok kami ng eskinita.
Nakatira kami ni Santino sa compound o mas kilalang skwater area kung saan naninirahan ang mga katulad naming walang sariling lupa dito sa syudad. Hindi rin naman kalakihan ang kita namin sa araw-araw kaya hindi namin kayang kumuha na lang ng apartment.
Sapat lang sa pang-araw-araw naming gastos ang aming sinasahod. Pero magkaiba kami nito ng trabaho. Si Santino kasi ay mas gusto ang trabaho nito sa sementeryo bilang sepulturero.
Malakas naman ang kita nito doon sa dami ng nitso sa sementeryo na kanyang kinukuskos araw-araw. Kaya lang ay ayaw ko naman doon. Ayoko ngang ang mga nitso ang kasa-kasama ko sa buong maghapon. Minsan ay inaabot pa siya doon ng gabi na 'di manlang alintanang nasa sementeryo ito.
Matalik ding magkaibigan sina Nanay Lorena at Nanay Glenda na ina nito. Magkatabi lang din ang bahay naming sakto lang ang espasyo para aming mag-ina. Wala kaming nakagisnang ama ni Yago. At tanggap na namin ang bagay na 'yon. Na mga anak lang kami. . . sa labas.
Ang mga Nanay naman namin ay may maliit na karinderya sa palengke. Kahit anong saway naman kasi namin sa kanila na hwag ng magtrabaho ay sige pa rin sila. Kay titigas ng ulo na dinaig pa ang mga bata. Nasa 40's pa lang naman sila pero syempre. . . iba pa rin 'yong nasa bahay lang sila. Mas kampante pa kami doon. Pero matitigas ang bungo ng dalawang matanda at hindi namin masaway-saway ni Tyago.
Malakas kasi ang karinderya nila sa palengke. Syempre. . . sila yata ang pinakamagandang tindera at pinakamasarap ang luto kaya dagsain ang pwesto. Kaya naman nanghihinayang sila sa kita nila doon sa pang-araw-araw.
"Paano? Kita-kits tayo mamaya?" aniko pagdating namin sa harapan ng bahay.
"Sige, tol, maliligo na muna ako at may date ako eh," ngisi nito na nagtaasbaba pa ng mga kilay.
"Sino na naman ang nauto mo? Naku, Tyago, tigilan mo na 'yong mga pokpok d'yan sa kanto. Magkakasakit ka pa sa kakakadyot mo sa mga 'yon eh," aniko na ikinahalakhak nito.
"Sira ulo! Palagi akong may condom na gamit, noh? Ano ako, hilo?"
"Dapat lang. Ingat-ingat din. Hwag puro kadyot porke't tumuwad sa'yo."
Nagkatawanan kaming napailing na pumasok na sa bahay. Naabutan ko naman si Nanay na nasa kusina. Naghahain na. Padilim na rin kasi dahil halos alassais na ng gabi.
"Nay, mano po!" masiglang saad ko na lumapit dito at kinuha ang palad.
"Kaawaan ka ng Diyos, anak ko. Kumusta ang araw mo?" anito na kinuha na ang belt bag ko at inalalayang maupo.
"Matumal po ngayon, Nay. Pero okay lang. Nasa isanglibo naman ang kinita ko eh. Babawi na lang ako mamaya sa Bar," sagot ko na napainom ng tubig.
"Huminto ka na kaya d'yan, anak. Halos wala ka ng pahinga. Kulang na lang gawin mo ng araw ang gabi kung kumayod ka," anito na naupo na rin kaharap ko.
Pinaglagay ko naman ito ng kanin at ulam sa kanyang plato bago ako kumuha ng akin.
"Nay, hindi pwede. Paano na po ang pangarap nating magkaroon ng sariling lupa at bahay? Hindi natin alam kung hanggang kailan tayo libreng nakatira dito sa compound, Nay. Paano kung bukas o sa makalawa bigla na lamang tayong ipagtabuyan dito?" sagot ko habang kumakain kami.
"Pero hwag mo namang abusuhin ang katawan mo, anak. Ayokong nagpapagod ka ng ganyan. Araw-araw kang nagtatrabaho. Pati ba naman sa gabi?" anito na ikinangiti ko.
"Malakas pa 'to sa kalabaw, Nay. Hwag niyo na akong alalahanin. Kayo nga dapat ang hindi na nagtatrabaho eh," sagot kong ikinalukot ng mukha nito.
"Sayang 'yong karinderya kung pababayaan na namin ni Glenda, anak. Aba. . . ang pagluluto namin ng ulam ang dahilan kaya kayo nabuhay at nakapag-aral ni Yago. Kaya hwag mong mamaliitin ang karinderya natin doon at 'yon ang bumuhay sa atin dito sa syudad," may halong panenermon nito.
"Oo na po. Kumain na kayo. Maliligo lang ako at lalabas ulit."
Napahinga na lamang ito ng malalim na nagpatuloy sa pagkain. Ayaw kasi ni Nanay ang trabaho ko sa Bar bilang waiter doon. Inaabot kasi ako ng madaling araw sa trabaho. Sa umaga naman ay alasdyes na ako magsisimula sa pagiging delivery rider ko hanggang alassingko ng hapon. Sa Bar ay alasyete hanggang alasdos ng madaling araw.
Siguro nga ay inaabuso ko na ang katawan ko. Pero malaki ang pangarap ko para sa amin ni Nanay. Ayoko namang habang buhay nito ay hindi manlang makaranas ng maginhawang buhay. Kaya nga nag-iipon ako kahit pakonti-konti para sa kinabukasan namin. Para kay Nanay.
MATAPOS kong maligo at bihis ay muli din akong lumabas ng silid. Nasa maliit naming sala si Nanay na abala naman ngayon sa pagtutupi ng mga nalabhang damit. Lumapit na ako dito para makapag paalam.
"Nay, alis na po ako. I-lock niyo ang pinto at hwag niyo na akong hintayin. Magpahinga na po kayo," saad ko na humalik sa ulo nito.
"Tapusin ko lang ito, anak. Sige na, mag-iingat ka sa trabaho at pagmamaneho mo, Adonis."
"Opo. I love you, Nay."
"Aysus, naglambing pa. Pasaway din naman," kunwari ismid nito na nangingiti naman.
"Mana lang po sa inyo, Nay."
"Hay, ewan ko sa'yong bata ka. Umalis ka na nga at baka ma-late ka pa sa trabaho mo." Pagtataboy nitong ikinahalakhak ko.
"Ito na po, i-lock niyo po ang pinto."
PAGKALABAS ko ng bahay ay sakto namang papasok na si Nanay Glenda ng bahay nila mula sa tindahan.
"Nay, magandang gabi ho, mano po." Pagbati ko na nilapitan ito.
Napangiti naman itong hinaplos pa ako sa ulo.
"Kaawaan ka ng Diyos, anak. Papasok ka na ng trabaho?" anito na mapasadaan ang kabuoan ko.
"Um, opo. Si Tyago po ba nakaalis na?" sagot ko na napasilip sa siwang ng pinto ng bahay nila.
"Naku, mamaya pa 'yon, anak. Ito nga at nagpasuyo sa aking ibili ko sa tindahan ng gel nito para daw sa buhok niya," sagot nitong ikinailing kong natatawa.
"Haist, magpapagwapo pa talaga eh mga pokpok lang naman d'yan sa labasan ang popormahan," iiling-iling kong saad.
"Ano?"
"Hehe. Biro lang ho, Nay. May date kasi ang kumag na 'yon. Sige po, mauuna na rin ako," pamamaalam ko na humalik din sa noo nito bago tuluyang umalis.
"Mag-iingat ka, Adonis." Pahabol pa nitong ikinangiti kong kumaway dito.
"Opo, Nay."
SAKAY ng motor ko ay nagtungo na ako sa Bar na pinapasukan ko. Baguhan pa lang ako dito kaya nasa isangdaan ang kada oras ko. Kaya naman 700 pesos lang ang kinikita ko gabi-gabi dito pero maigi na 'yon kaysa wala. Ang sabi naman ng mga katrabaho ko ay basta maayos ang record ko ay tatas din ang sweldo ko. Ngayon lang ito dahil baguhan pa lang ako.
Pagdating ko sa Bar ay marami-rami na ngang tao. Dagsain kasi ang Bar na ito at sabi ay mayaman ang may-ari. Ang Del Prado's Exclusive Bar pero branch lang ito. Ang main ay talagang bigtime ang mga kliyente at hindi ka basta-basta matatanggap doon.
Nakapagtapos naman ako ng criminology pero hindi na nakapag-take ng board exam. Pangarap ko kasi dati na maging pulis. Pero ngayong malaki na ako ay mas gusto ko na lamang magtrabaho nang magtrabaho para makapag-ipon. Malaki-laki rin kasi ang halagang kakailanganin namin at alam kong walang sapat na pera si Nanay para doon. Kung pwede nga lang ay ayoko siyang nagpapagod. Pero dahil mahirap kami ay kailangan naming magtulungan para maka-survive sa mga hamon ng buhay.
Ang sabi ni Nanay ay isang negosyante ang ama ko. Pero nasa ibang bansa ito at may sarili na ring pamilya. Minsan ay nati-temp din akong hanapin si Tatay para makahingi ng tulong sa kanya. Pero kapag naiisip ko na iniwan niya kami ni Nanay ay naglalahong parang bula ang kasabikan kong makilala ang tunay kong ama.
Mas nananaig ang galit sa puso ko na inabandona kami nito. Hindi niya pala kayang manindigan. Pero bakit niya pa binuntis si Nanay? Dahil sa kagaguhan niya ay naisilang ako at naghirap ang ina ko. Kung sana nilingon niya kami? Hindi kami naghihirap ni Nanay.
NAPAHINGA ako ng malalim na inayos ang uniporme ko bilang waiter. Nasa dalawang linggo pa lang ako sa trabaho. Kaya naman gina-guide pa ako ng mga kasama ko. Mabuti na lang at mababait ang mga katrabaho ko dito. Naging malapit kaagad ako sa kanila.
"Hi, Adonis," malambing pagbati ni Sandara.
Ang pinaka-sexy at maganda naming GRO dito. Hindi naman na bago sa akin ang mga pasimpleng pagpapa-cute nito. Hinahayaan ko lang dahil hindi pa naman niya ako ginagapang. Ibang usapan na 'yon.
"Hi, lalo kang gumaganda," kindat kong ikinahagikhik nito.
"Dati na akong maganda. Ngayon mo lang napansin?" malanding sagot nitong ikinahalakhak kong napailing.
"Sige na, magtatrabaho na ako," pamamaalam ko ditong napangiti at kindat.
"See you around, Adonis. Panoorin mo ako mamaya, huh? Gagalingan ko para sa'yo," saad nitong ikinatawa at tango ko na lamang.
"Oo na."
Kakamot-kamot ako sa batok na lumapit sa gawi ng counter. Siya namang pagsalubong sa amin ni Sir William. Ang manager namin dito sa Bar.
"Adonis?" pagtawag nito.
"Sir?"
Napatuwid ako ng tayo sa harapan nito na pinasadaan pa ang kabuoan ko.
"Ikaw 'yong bago, hindi ba?" anito.
"Opo, Sir. Ako nga po." Magalang kong sagot.
Napahalukipkip ito na muli akong pinasadaan ng tingin mula ulo hanggang paa. Naiilang naman ako dahil parang may mali kung pasadaan ako nito ng tingin.
"Hindi ka naman kagwapuhan," ismid nitong narinig ko.
Hindi ako umimik dahil baka magkagulo lang. Napahinga ito ng malalim na napakamot sa kilay.
"May iuutos ako sa'yo. Magpunta ka ng Del Prado's Bar main branch at ipaalam sa may-ari nitong Bar na kailangan siya dito next week para sa ilang renovation dito," anito na ikinalunok ko.
"Pero, Sir--"
"Nagrereklamo ka ba?"
"Hindi naman po sa gano'n, Sir. Hindi ko po kasi kilala kung sino ang lalapitan doon."
"Problema mo na 'yon, Adonis. Siguraduhin mong mapapapunta mo si boss dito. Dahil kung hindi? Tanggal ka na sa trabaho," maawtoridad nitong saad bago tumalikod sa akin.
Napapamura na lamang ako sa isip-isip na nagkamot sa ulo. Lumapit ako sa mga kasamahan ko dito sa counter.
"Mga tol, patulong naman oh?" aniko.
"Ano 'yon, tol?" ani Gael. Isa sa mga bartender namin.
"Tol, anong pangalan ng may-ari ng Bar na 'to?" tanong ko.
Nagkatinginan ang mga ito na nagkatawanan at apiran pa. Napapakamot na lamang ako sa batok na napapangiwi ang ngiti.
"Hindi mo kilala si Ma'am?" ani Claudio. Kasamahan kong waiter.
"Hindi nga. Sino ba siya? At paano ko 'yon malalapitan?"
Muling nagkatinginan ang mga ito at tawanan.
"Si Ma'am Roxy? Naku, mahihirapan ka doon, tol. Suplada 'yon eh. At hindi ka basta-basta makakalapit doon. Bukod sa mahigpit ang bantay ng seguridad nito ay kailangan mo pang magpa-set ng schedule dito. 'Yon nga lang ay busy si Ma'am kaya naman imposibleng makalapit ka doon," naiiling saad ni Gael.
"Anong gagawin ko? 'Yon ang utos ni Sir William eh. Kung hindi ko mapapunta si Ma'am Roxy dito? Matatanggal daw ako sa trabaho," saad kong ikinatigil ng mga ito.
"Seryoso ba si Sir William? Alam mo? Nagtataka ako doon. Hindi kaya. . . malaki ang inggit sa'yo?" ani Glen. Isa ding waiter.
"Sa akin? Ano namang kaiinggitan niya sa akin? Eh waiter lang ako dito. Siya? Siya ang manager natin," sagot kong ikinailing ng mga ito.
"Hindi mo yata alam eh. Gustong-gusto ni Sir William si Sandara. Pero dumating ka kaya dinidedma na siya ni Sandara at ikaw ang pinapansin, tol." Bulong ni Gael na ikinalunok ko.
"H-hindi ko naman alam. Saka. . . wala naman akong gusto kay Sandara. Sa kanya na 'yon. Isaksak niya sa itlog niya." Ismid ko.
Naiiling na lamang ang mga ito. May iniabot naman sa akin si Gael na magazine. Kunot ang noo na tinanggap at binasa ko iyon.
"Ano 'to?"
"Siya ang boss natin. Si Mis Roxy Montereal. Ang ganda, noh? Daig pa ang dyosa." Bulalas nito.
Napatitig ako sa mukha ng model na nasa front ng magazine at gano'n na lamang ang panlalaki ng mga mata kong makilala king sino ito!
Para akong natuklaw ng ahas na nanigas sa kinatatayuan. Walang kakurap-kurap na nakamata ako sa babaeng model sa front cover ng magazine. Kahit dim ang ilaw dito sa Bar at nakakahilo ang disco lights ay malinaw na malinaw sa akin ang pagmumukha nito!
Siya 'yon! Ang dalagang kausap ko lang kanina sa coffee shop! Si Roxanne Montereal na pekeng girlfriend ko!
"Siya ang boss ko?" piping usal ko na parang nabunutan ng tinik sa lalamunan na mapag-alamang ito ang amo ko. Hindi na ako mahihirapan pang. . . papuntahin siya dito.