Chapter 1

2103 Words
ROXY: NAPAPANGUSO ako habang hinihintay ang blind date kong katagpo namin ni Daddy ngayong araw. Nakakainis. Kung bakit kasi minamadali nila akong mag-asawa na eh. Ano ngayon kung nasa 30's na ako? "Matagal pa ba siya, hija? C'mon, anong oras na?" untag ni Daddy sa akin. Napabusangot ako na panay ang sulyap sa cellphone ko. Pahamak namang blind date app na 'to. Iind'yahin lang naman pala ako. Sana pala kumuha na lang ako ng iba na magpapanggap na boyfriend ko na siyang ihaharap kay Daddy. "Baka na-traffic lang, Dad. On the way na daw eh," alibi ko kahit ang totoo ay wala naman ng reply ang mysterious guy na ka-date ko sana. Napahinga ito ng malalim na napasimsim sa kape nito. Halos isang oras na kasi kami dito sa coffee shop na naghihintay. Panay ang sulyap ko sa gawi ng pinto sa tuwing may papasok na bagong costumer pero inabot na kami ng halos dalawang oras sa kinauupuan ay wala pa rin ang hinihintay namin. "Tawagan mo na kaya? May meeting pa ako, hija." Napapalapat ako ng labi na dinampot ang cellphone ko at tumayo. "I'll just go to the washroom, Dad." Tumango ito na sumimsim muli sa kanyang kape. Nangangatog ang mga tuhod ko na nagtungo ng restroom. "Nasaan ka na ba kasi?" inis king tanong na palakad-lakad dito sa loob ng cr. Nakailang message na ako sa kanya pero wala na itong reply. Ni hindi niya binabasa ang mga mensahe ko. Hindi ko inilagay ang mukha ko sa account na gamit ko sa dating app para sa privacy ko. Pero mukhang dahil doon kaya inind'yahan ako. Napapahinga ako ng malalim na kinalma ang sarili bago jaghugas ng kamay at bumalik sa mesa namin ni Daddy. Salubong na ang mga kilay nito at kitang hindi na natutuwa. Kung bakit naman kasi ang segurista nito eh. Kailangan pa talagang iharap ko ang boyfriend ko sa kanya para mapapayag ito sa gusto ko. Nakakainis. "Wala pa ba?" "Wala pa po eh," nakangusong sagot ko. Napahinga ito ng malalim na nagkamot ng kilay. "See? Looks like you're just finding your way to escape from your upcoming engagement, hija?" ani Daddy na nababagot na. May nakatakda kasi akong engagement next month. Pero dahil ayoko sa lalakeng anak ng kumpare ni Daddy ay pinagbigyan nila akong ako ang pipili ng mapapangasawa ko. Wala kasi akong kasintahan at walang interes sa mga lalake. Bagay na inaalala nila Mommy at Daddy dahil baka mapag-iwanan na raw ako mg panahon na hindi na nakapag-asawa pa. Dalawa lang kasi kaming anak ni Daddy Collins at Mommy Rain. Ako at si Kuya Chloe. Pero may sarili ng pamilya si Kuya at masaya ang binuo nilang pamilya ni Ate Roselle. Maging ang mga pinsan ko ay may mga asawa at anak na. Nabibilang na lang kaming single sa pamilya. "Let's go, sweetie. Stop playing around. Tuloy ang engagement mo next month," anito na tumayo na. Napasunod akong naigala pa ang paningin dito sa coffee shop na pinasukan namin. Napangisi na may mamataang gwapong hunky guy na tila kay laki ng problema. Akmang dadaan ito sa harapan namin nang harangin ko. "Baby! I thought you wouldn't come!" tili ko na niyakap ito sa braso. Natigilan ito na nagulat. Napatitig ako dito na sinadyang tumalikod sa gawi ni Daddy. "Help me, please? Just pretend that you are my boyfriend in front of my Dad, hmm?" bulong ko na napakurap-kurap dito. Naipilig nito ang ulo na napakamot pa sa batok. Kitang naguguluhan pero halos lumukso ako sa tuwa nang ngumiti ito na yumapos sa baywang ko. "Hi, baby. Pasensiya ka na, ha? Traffic eh. Naghintay tuloy kayo," anito na ikinalunok ko. Napaka-husky kasi ng boses nito na lalakeng-lalake ang datingan. Napalapat ako ng labi na nangingiting nakatingala dito. May katangkaran kasi siya at kay kisig ng pangangatawan nito. Kung sa panlabas na anyo lang ay kapansin-pansin na may lahi ito. Kaya naman kahit naka-simpleng tattered black jeans, black shirt at black converse shoes ito ay napakalakas pa rin ng datingan niya. Fit na fit kasi ang damit nito kaya nakabakat ang kakisigan. "Uhm, baby, come I'll introduce you to my Dad," aniko na inakay ito paharap kay Daddy. Nakatuwid ito ng tayo na napaka-pormal ng itsura. Kimi namang ngumiti si Daddy na palipat-lipat ng tingin sa aming dalawa. "Baby, he's my Dad Collins," pagpapakilala ko kay Daddy dito. "Magandang tanghali po, Sir. Pasensiya na at na-late ako. Adonis po, Adonis Guillermo," magalang nitong pagpapakilala na kinamayan pa si Daddy. Napalapat ako ng labi na lihim na napapangiti. Mukha kasing napaniwala namin si Daddy na magkasintahan kami nitong stranger na 'to sa galing niyang makipag sabayan. "Hi, nice meeting you, young man. Hwag mong pababayaan ang anak ko, huh? Prinsesa ko 'yan," ani Daddy na ikinangiti at tango kaagad nito. "Opo. Makakaasa kayo, Sir!" "Good. I have to go. May meeting pa akong dadaluhan. Pero, hija." Bumaling ito sa akin na humalik pa sa noo ko. "Dalhin mo siya sa weekend sa mansion. Kailangan din siyang makaharap ng buong pamilya, maliwanag ba?" anito na matiim na nakatitig sa mga mata ko. "Opo, Dad. Darating po kami ni. . . ni Adonis sa weekend. No worries po, drive safe, Dad." Sagot ko na nakangiting humalik sa pisngi nito. Ginulo pa nito ang buhok ko bago muling bumaling kay Adonis at nakipag kamayan. "Ang anak ko, ingatan mo." "Opo, Sir." "Bye, Dad!" pahabol ko na kumaway dito. Tumango lang naman itong kumaway bago tuluyang lumabas ng coffee shop na ikinahinga ko ng maluwag. "Oh my God! What a relief," bulalas ko na napaupo ng silya habang nakalapat ang palad sa dibdib. Para akong nabunutan ng tinik sa lalamunan ko na sa wakas ay natakasan ko rin ang pesteng engagement na nakalaan sa akin! Mabuti na lang talaga ay umayon sa akin ang kapalaran. "Ahem! Pwede na ba akong umalis, Madam?" ani ng baritonong boses. Napaangat ako ng mukha at saka lang maalala ang lalakeng hinila ko na lang basta. Tuwid na tuwid ang pagkakatayo sa harapan ko na naghihintay ng sasabihin ko. "Oh, I'm sorry, A-Adonis, right?" aniko na tumayo at naglahad ng kamay dito. "Thank you for helping me, uhm. . . how much do you need?" aniko na nilabas ang wallet sa handbag ko. "Oh, hwag na, Madam. Hindi ako nagpapabayad." Napakurap-kurap akong napatitig dito. Kimi itong ngumiti na napakamot pa sa batok. Tila nahihiya. "Pero. . . kailangan pa kasi kita eh. Remember? Sinabi ni Dad na dadalhin kita sa weekend sa mansion. You have to come with me or else? Mapupunta din sa wala ang pagtulong mo ngayon sa akin," saad kong ikinamaang naman nito. Napahinga ako ng malalim na humalukipkip. Bakas naman ang kalituhan at mga katanungan dito. Sinenyasan ko itong maupo na muna na ikinasunod din naman nito. "You want coffee? Anything you want, Adonis," offer kong inilingan nito. "Okay na ako dito, Madam," anito na tinungga ang natirang kape ko kanina. Napalunok naman akong napasunod na lamang ng tingin dito. "So, bakit kita kailangang tulungan, Madam? Ayokong tumanggap ng bayad dahil kita ko namang mayaman kang tao. Mahirap lang ako, Madam. At marami din akong ginagawa sa buhay." Napatuwid ako ng upo na sinalubong ang mga mapupungay niyang mata na nakatitig sa akin ng matiim. "Gusto ng parents kong magpakasal na ako. Pero hindi ko gusto ang lalakeng ipapakasal sa akin. Kaya naman naghahanap ako ngayon ng magpapanggap na boyfriend ko para hindi na nila ako piliting magpakasal sa hindi ko gusto," salaysay ko. Napatango-tango naman itong kitang naniniwala sa akin. Malalim akong napahugot ng hininga na napailing. "Honestly, my ka-blind date ako ngayon eh. Pero hindi siya dumating kaya laking pasalamat kong sinalo mo ako kanina. Kung hindi mo ako tinulungan? Malamang ay tuloy ang kasal ko next month." Malungkot kong pagkukwento. Ito naman ang napahinga ng malalim na kita ang simpatya sa mga mata. "Yan ang hirap sa inyong mayayaman eh. Para sa pera ay pinapakasal kayo kahit hindi niyo mahal ang isa't-isa," saad nito na mababa ang tono. "Kaya tulungan mo na ako, please? Kahit bayaran kita," alok ko pa. "Ayoko nga kasi. Kung tutulungan man kita? Bukal 'yon sa loob kong tulungan ka. Hindi 'yong may kapalit kaya kita tinutulungan," ingos nito na napabusangot. Lihim akong napangiti na may prinsipyo pala ito. Ang swerte naman ng babaeng makakapag paibig dito. "Um. . . okay, pero sige na, please? Napasubo na ako eh. Magtataka sina Daddy kung iba na naman ang iharap ko sa kanya sa weekend," pakiusap ko na pinalungkot ang tono at mukha. Napahilamos ito ng palad sa mukha na malalim na napabuntong hininga. Napayuko ako na napalapat ng labi. Hindi ko naman siya pwedeng pilitin kung ayaw niya akong tulungan. Siguro tatakas na lang ako papuntang ibang bansa at magtago kina Daddy ng ilang buwan o kahit taon pa. Hwag lang matuloy na maipakasal ako sa hindi ko mahal. Hindi ko kaya. "Akin na ang number mo." Napapahid ako ng luha na nag-angat ng mukha. Nakangiti ito na naiiling sa aking ikinalabi ko. "Para kang bata, Madam. Bakit ka umiiyak? Kinunsensya mo pa ako. Basta ako ang may hawak ng schedule ko sa'yo, ha? Marami akong trabaho kaya hindi ako pwedeng magbabad sa'yo, kuha mo ba?" anito na napaka kalmado ng tono. Kusang sumilay ang matamis na ngiti sa mga labi ko at parang nagliwanag ang paligid ko sa narinig dito! "Totoo? Tutulungan mo ako?" nagdududang tanong ko. Mahina itong natawa na dinampot ang natirang kape ni Daddy at inisang lagok. Napalunok naman akong napasunod ng tingin dito. "Oo nga. Akin ng cellphone number mo, Madam. Tatawagan kita sa sabado," anito na inilabas ang cellphone sa bulsa. Napangiti akong kaagad na kinuha sa bag ko ang cellphone at ibinigay ang number ko dito. Matapos nitong kopyahin ay tinawagan pa nito kaya naman nag-ring ang cellphone ko na ikinakindat pa nito. "Oh, paano? Mauuna na ako? May deliver pa kasi ako eh," anito na tumayo na. "Salamat, Adonis. Tawagan mo ako, ha? Hwag mong kalilimutan ang schedule mo sa akin sa sabado. Seven pm," saad kong ikinatango lang nito. "Oo na. Pasalamat ka. . . maganda ka," anito na hininaan ang pagtawag sa aking maganda ako. Sinabayan ko na itong lumabas ng coffee shop. Lihim na napapangiting napapayag ko rin ito. Pakiramdam ko ay nakakuha ako ng guardian angel kong sumagip sa akin sa isang bangungot! "May kasama ka ba? Gusto mong ihatid na kita?" anito pagkalabas namin. "No, thank you. I can drive myself. Salamat ulit. Kita tayo sa sabado, huh?" Tumango ito na nilagay sa storage box na nasa motor nito ang biniling coffee. Nagsuot ito ng helmet bago bumaling. "Sige, Madam. Mauna na ako. Mag-ingat ka sa pagmamaneho mo," anito na ikinangiti ko. Napalunok ako na masulyapan sa 'di kalayuan ang kotse ni Daddy. Naman oh! Hinuhuli niya ba ako? Humakbang ako palapit kay Adonis na natigilan. Kumapit ako sa baywang nito na ikinalunok nitong nakamata lang din sa akin. "I'm Roxanne Montereal. In case you want to know my name," nakangiting bulong ko at humalik sa kanyang pisnging ikinanigas nito. Matamis akong napangiti na hinaplos siya sa pisngi. Halos hindi ito kumukurap na nakamata lang sa akin. "Sige na. Ihatid mo na 'yong order sa'yo," untag kong inginuso ang motor nito. "Ah, oo nga. Lalamig na 'yong kape nila," nauutal nitong sagot na ikinahagikhik ko. "Um, Adonis?" "Hmm?" Nangunotnoo ito sa muling pagtawag ko sa akmang pagsakay na niya sa motor niya. Ngumiti akong yumakap dito na muling natigilan. "Don't forget my name, hmm?" "O-okay, Madam." "Good. Go, take care," aniko na mabilis humalik muli sa kanyang pisnging namula. Tatawa-tawa akong sumakay ng kotse ko na makitang natuod na naman ito sa kinatatayuan. "Damn, Roxy. How did you do that? Seriously? Hahalikan mo ang isang stranger? In public?" sunod-sunod kong kastigo sa sarili. Pero kahit sinusuway ko ang sarili ko ay hindi ko maitago ang ngiti at kilig na nadarama. Damn. Ngayon lang sa tanang buhay kong may naka-encounter akong katulad ni Adonis. Na kahit unang kita pa lang namin ay magaan na ang loob ko dito. Ni hindi ako makadama ng pagkailang sa prehensya nito. Hindi mabura-bura ang matamis na ngiti sa mga labi ko na tuluyang nilisan ang lugar. Pero kahit anong gawin ko ay ang imahe ni Adonis ang naglalaro sa imahinasyon ko. The way he talk, his genuine smile, everything about him. Tanging siya pa lang ang nakakasalamuha ko na hindi nagpapa-impressed sa akin. Nakagat ko ang ibabang labi na maalala na naman ang paghalik ko sa pisngi nito. Kahit halik lang iyon sa pisngi ay ibang-iba ang dating sa puso ko. Na tanging kay Adonis ko lang naramdaman.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD