ROXY: NAKABIBINGING katahimikan ang naghari sa pagitan namin ni Dustin. Nakakainis. Gusto kong umalis na lamang at iwanan ito pero hindi ko magawa. Kahit nasaktan ako sa sinaad nito ay hindi ko pa rin magawang magalit sa kanya at iwanan ito. Hindi ko rin maintindihan ang sarili ko dahil. . . itanggi ko man ay alam ko sa sarili kong gusto ko siyang kasama. I know I'm being unfair lalo na kay William pero hindi ko masuway ang sarili kong puso. Kinakastiguhan ko naman ang sarili na gawin ang tama pero hindi ko makontra. Pakiramdam ko ay sarili ko lang din ang pinapahirapan ko na pilit kong inilalayo ang sarili sa kanya. I want to be with him. May parte sa puso ko ang napupunan niya kapag kasama ko siya. Alam ko sa sarili kong masaya ako na kasama ko siya. Kahit alam kong mali. . . hindi