ROXY: UMIKOT ang paningin ko na sapo ang ulo. Dama kong namamanhid ito at namamasa kaya tiyak akong dumugo ang ulo ko mula sa pagkakauntog ko nang matapilok ako. "Napakasariwa," anas nito na napahagod ng tingin sa kabuoan ko. "Kuya, hwag po!" tili ko na akmang susubsob ito sa dibdib ko! Pero hindi pa man dumadapo sa balat ko ang labi nito ay may biglang humablot dito at malakas na sinapak sa mukha! Nataranta ako na napatakbo palayo sa mga ito. Kahit nahihilo ako ay pinilit kong makalayo para maisalba ang sarili. Hinubad ko rin ang boots ko dahil natatapilok lang ako sa taas ng heels nito. I don't know where to go. Natatakot din akong magtago dahil baka maabutan lang ako. Hindi ko na napansin kung sino ang dumating pero laking pasalamat ko sa kanya dahil nagkaroon ako ng pagkakataong