DUSTIN: NAIILING akong pumuslit na lumabas ng shop ni Roxy matapos may mamagitan sa aming muli. Hindi ko rin maintindihan ang sarili ko. Kung paanong sa isang iglap lang ay heto at nasa shop na ako ni Roxy na tinangay ito. May press conference lang akong dinaluhan ng bansa at mamayang gabi na ang balik ko ng Germany. Matapos ang namagitan sa aming dalawa noong nakaraang buwan ay iniwanan ko ito ng walang paalam. Pero kahit nasa malayo na ako ay hindi naman siya mawala-wala sa isipan ko. Hindi na nga ako makapag-focus sa trabaho ko na si Roxy ang laman ng isipan ko. At kahit itanggi ko ay alam ko sa sarili kong nasa puso ko pa rin ito. Ang babaeng una at nag-iisang inibig ko pero. . . iniwanan niya ako kung kailan kailangang kailangan ko ito. MAPAIT akong napangiti habang may hawak na