ADONIS: KABADO ako habang naghihintay dalawin ng antok. Kanina pa nahihimbing si Madam sa bisig ko pero hindi naman ako makatulog. Magkayakap kami dito na nagsisiksikan sa kama kong pangdalawahan lang. Damang-dama ko tuloy ang init at kalambutan ng katawan nitong kay sarap panggigilan. Gising na gising ang dugo at isipan ko. Kahit nakabukas ang electric fan na nakatapat sa amin ay pinagpawisan pa rin ako dala ng init na nararamdaman ko. Kahit naman pinipigilan ko ang sarili ko ay lalake pa rin ako. Lalo na't nakahain sa aking harapan ang mahal ko. Nakasuot ito ng sando kong kulay puti at tanging panty lang ang panloob nito. Kaya naman damang-dama ko ang makusog niyang dibdib na nakalapat sa balat ko. Tuloy maging si buddy ay gising na gising pa rin at galit na galit na sa loob ng boxe