ROXY: LIHIM akong napangiti na kinarga ako nito at tinugon din ang halik ko. Akala ko ay muli na naman akong mapapahiya sa kanya but I was wrong. Lumalim ang halikan namin na halos mag-ubusan na kami ng hangin sa baga. Naramdaman ko naman ang pag-angat ng mga paa ko sa ere na napayapos ng mga binti sa baywang nito. Umalalay naman itong sumapo ang malalaki niyang kamay sa pang-upo ko na dahan-dahang naglakad papasok ng silid. Dama kong nag-iinit na rin ito katulad ko at mabibigat na rin ang paghinga. Maging ang uri ng halik na ginagawad nito ay mas naging agresibo at mapang-angkin! "Uhmm. . . D-Dustin," mahinang ungol ko na maramdaman ang paglapat ng likod ko sa malambot niyang kama. Kahit malamlam ang ilaw sa silid ay naaaninag ko pa rin naman ito ng malinaw. Nagsalubong ang aming