DUSTIN: LIHIM akong napangiti na hiniwalayan nga nito si William at walang pag-aalinlangang sumama sa akin. Dinala ko ito pabalik ng England. Dito kami tumuloy dahil plano ko talaga siyang ilayo. Hindi lang kay William kundi maging sa pamilya niya. Tiyak ko kasing magpapatulong siya sa pamilya niya sa oras. . . na makaranas na siya ng hirap sa poder ko. Napahinga ako ng malalim na nakatanaw sa paligid. Pasado alasdose na ng gabi pero hindi pa rin ako dalawin ng antok. Kanina pagdating namin ay laking gulat ni Roxy na sa maid's quarter ko siya pinatuloy. Pero hindi naman ito nagreklamo at nagawa pang ngumiti sa akin. Napabuga ako ng hangin na inubos ang laman ng baso ko. Halos makalahati ko na ang binuksan kong brandy pero hindi pa rin ako dalawin ng antok. Maya pa'y nag-vibrate ang ce
Download by scanning the QR code to get countless free stories and daily updated books