"Samantha pwede bang makinig ka muna?!"
Samantha keeps on acting like Sean's not around. Pikon na pikon na ito at kanina pa sumisigaw. Pinanonood lang naman namin sila ni Dylan.
"Ang tagal naman ni Cuttie," sabi pa nito na lalong nakadagdag sa inis ng katabi niya.
"Nicaseane's just my thesis partner! Kinailangan ko lang pumunta sa condo niya para ibigay yung printouts."
"She's your ex."
Tinignan kami ni Sean, nanatili lang naman kaming tahimik ni Dylan. Abala ako sa pagtatype sa laptop ko habang abala rin si Dylan sa cellphone niya. Pero ang totoo ay nakikinig lang din kami sa kanila.
"Samantha, just quit it."
"I quit being your girlfriend then."
"What the fvck are you talking about?!"
"Just go to her, wag mo akong istorbohin dito."
"Baby.." Parang maamong tuta bigla si Sean nang subukan muling lumapit kay Sam. Pero mukhang galit talaga ito.
"Don't baby me Sean, ex mo 'yon e! Alam mong may issue ako 'don! Bakit siya pa ang ginawa mong thesis partner?!"
Napangiwi ako dahil alam kong nakakakuha na kami ng atensyon. Paanong hindi? Nagsisigawan na silang dalawa. At si Sean ito, sinong hindi gugustuhing makiusyoso kung involved siya diba?
"Just go somewhere else and have s*x, nag-iinarte—" Kaagad kong kinurot si Dylan dahil sa sinabi nito.
Nakangiwi itong lumingon sa akin.
"Are you fvcking insane?" I asked quietly.
"Masyado silang maingay!" He hissed.
Bago pa ako makasagot ay padabog nang tumayo si Samantha atsaka nagmartsa paalis. Sean frustratedly followed kaya naiwan kaming dalawa ni Dylan sa usual spot namin sa cafeteria.
"Your mouth seriously needs filter Dylan." Napapailing kong sabi habang patuloy sa pagtatype.
Hindi naman ito sumagot.
"Carl Trey's taking so much time, nasaan—"
Naiwan sa ere ang sasabihin ko nang makita kong nakatayo si Xian sa tapat ng table namin. Nilingon ko ang katabi ko at nakita kong nakatingin din ito sa kaniya.
"Xian.."
"We don't have class after lunch," he said, his eyes fixed to the person beside me.
Napatango ako. Akala ko ay aalis na ito, nagulat ako nang umupo pa ito sa bakanteng upuan na inookupa ni Samantha kanina. Kinabahan ako nang gumalaw si Dylan sa tabi ko, kaagad akong humawak sa braso niya.
"You're going to the site later?" tanong nito na parang normal lang ang sitwasyon.
Tumango ako. Hindi ako makapagsalita, natatakot ako na baka bigla nalang siyang suntukin ni Dylan.
"Good, I'll go with you."
Napakurap ako sa sinabi nito. "A-are you sure? Kaya ko naman mag-isa.. baka busy ka.."
"I'm not." Pinal na ang tono ng boses nito kaya wala na akong nagawa kundi ang tumango.
Akmang aalis na ito nang biglang magsalita si Dylan sa tabi ko. Muling kumabog ang dibdib ko.
"You don't need to go with her, kaya naming samahan ang kaibigan namin. Afterall we can never leave our friends alone."
Xian didn't show any emotion, nakatingin lang ito kay Dylan kaya ganoon nalang ang gulat ko nang lumipat sa akin ang mga mata nito.
"She's my partner, you're not even our classmate." He threw him a bored look before he left.
Nang mawala na ito ay malakas na napahampas nalang si Dylan sa lamesang nasa harap. It was so loud that my laptop almost fell.
"Partner mo ang gagong 'yun sa thesis? Are you really out of your mind Larry?"
"Mrs. Crisostomo asked me to be his partner almost a month ago! I didn't volunteer!"
Naiinis na napasandal ito, tila may gusto pang sabihin. Iyon naman ang inabutang tagpo ni Cuttie at Naomi.
"What's happening?" They both asked when they saw Dylan's pissed face. Maging ang mga tao sa kalapit na table ay nakatingin din sa amin.
I sighed, isinara ko ang laptop at ibinalik ito sa bag.
"Xian passed by."
"No, he didn't just pass by. He sat there and talked to us like everything's just so fvcking normal. Ang gagong yun, parang walang nangyari ah!" Inis na inis pa rin ito.
"He's one damn jerk, pasalamat siya at hindi ko siya naabutan." Naiinis ding sabi ni Naomi bago umupo sa upuang kaharap ko. Our eyes met but she just rolled them over me.
Hindi na ako muling nagsalita at hinayaan ko nalang sila sa mga sinasabi nila. Hindi na rin bumalik sila Samantha at Sean kaya kaming apat lang ang magkakasabay kumain ng lunch. I think Kenneth's with Ayesha too.
"So papayag ka talagang samahan ka niya?" tanong ni Cuttie habang naglalakad kami patungo sa locker area. Naomi left with Gelo, si Dylan naman ay mukhang badtrip pa rin nang maghiwa-hiwalay kami.
"What is wrong with that? Naging kaibigan naman natin siya, hindi siya ibang tao. Besides, it's about our thesis, hindi nga naman pwedeng ako lang ang gagawa 'non."
Sumandal ito sa katabing locker habang inilalagay ko ang ilang libro sa loob ng locker ko.
"You like him, kaya ayaw mong iwasan siya kahit alam mong hindi na siya katulad ng dati. You like him eversince right?"
Isinara ko ang locker ko bago ako humarap sa kaniya. Her arms are crossed over her chest while raising her eyebrows at me.
Alam ko namang alam nila, hindi ko iyon inilihim pero hindi ko rin naman ipinagsabi. Maybe it was too obvious back then. Ang mahalaga ay wala akong ginawa para guluhin sila katulad ng ginawa ng kaibigan nilang si Armie.
Nanahimik ako pero mukhang hindi sapat iyon kay Cuttie.
I sighed. "I like Xian, yes you're right. But I have no plans to pursue him."
"You can never say that Larry."
Hindi nalang ako sumagot. Ayaw ko nang pahabain pa ang usapan. Naghiwalay din kami ni Cuttie dahil may klase pa siya.
Dumiretso ako sa parking lot para mailagay ang laptop ko sa kotse. Iniisip ko kung nasaan si Xian para sana maaga kaming makaalis dahil may kalayuan ang site. I was thinking of calling him since I still have his digits but eversince he became like that, parang nagkaroon pa ng mas matayog na pader sa pagitan namin. Ayokong ma-awkward, I just feel like something's really changed.
Tumingin ako sa relo ko, maaga pa naman, maybe I can wait for him here. Hinanap ko ang kotse niya at mabilis ko naman itong nakita dahil madali lang namang mahanap ang isang Lamborghini.
Sumandal ako sa kotse ko pero mabilis din akong napatayo nang tuwid nang makitang bumukas ang pinto ng sasakyan niya. Mula roon ay nakita kong lumabas ang isang babae, nakasuot ng isang cleavage bearing top at mini-skirt, or much more of a micro mini-skirt? Paano siya nakapasok sa school suot iyan?
We don't have uniforms or any dress codes but it is strictly prohibited to wear something like that. Naningkit lalo ang mga mata ko nang makita kong lumabas din mula sa sasakyan si Xian, nakabukas pa ang lahat ng butones ng puting long sleeves na suot nito. Napalunok ako.
The girl waved him goodbye before climbing up her own car na katabi lang ng Lambo ni Xian. Hindi naman ito kumibo at tumango lang. And then.. suddenly, his eyes went to me.
Napakurap ako. Hindi ko alam kung dapat ba akong lumapit o hayaan kong siya ang lumapit. I completely lost the thought na kailangan naming pumunta sa site. Or maybe going alone would be better.
Bago pa ako makabuo ng desisyon ay nakita ko na ito sa harapan ko. Napaatras ako, na parang napapaso dahil lang sa paglapit niya. He's like a hot ball of fire, mapapaatras ka kapag lumapit sayo. But then, his eyes scream coldness. Kinikilabutan ako sa sobrang lamig niyang tumingin.
"Let's go?"
Natauhan ako. I blinked several times before I could utter a word.
"Uhm.. I'm gonna use my car, convoy nalang tayo?"
Because I can't imagine myself riding on his car. No, it can't happen. Hindi ko alam kung bakit sobrang kinakabahan ako.
Tumango lang naman ito. Nakahinga ako nang maluwag. Masaya akong makakapag-drive ako nang maayos at mag-isa, no distractions.
"S-sundan mo nalang ako, or.. I'll give you the address tapos magkita nalang tayo doon?" Binuksan ko ang bag ko para kunin ang wallet, I remember I have a copy of the site's address. It would be better to give him a copy.
Nang maibigay ko iyon sa kaniya ay mabilis na akong nagpaalam. I can't stay under his stare, I feel uncomfortable, it feels unusual. It's like someone's gonna get out from those orbs. I don't know why I see him that way. Sinaway ko nalang ang sarili ko, so that I can focus on the road.
It was an hour and a half drive before I reached the destination. Oo malayo but I think it's the perfect place. Mabuti nalang din at kaibigan namin ang Architect para sa project dito.
Mabilis akong nakapag-park dahil napakalawak ng parking space. Kaagad ko ring nakita ang kotse ni Xian. He must have arrived a few minutes earlier, depende kasi iyon sa bilis ng pagpapatakbo, I'm not a reckless driver and I don't even wanna try.
Ipinusod ko ang pula kong buhok dahil masyadong mahangin sa lugar. Nagpalit din ako ng isang itim na tank top na pinatungan ko ng denim jacket. Sneakers at jeans ang suot ko ngayong araw dahil balak ko ngang pumunta rito sa site. Pinalitan ko lamang ang croptop na suot ko kanina dahil buong araw ko na iyong suot sa school.
Sinalubong kaagad ako ng malakas na hangin pagbaba ko ng sasakyan. Napayakap ako sa sarili.
Natanaw ko si Xian na nakasandal sa kotse niya at mukhang nakapagpalit na rin ng damit. He's wearing a black fitted shirt right now. Nakasuot din ito ng aviators.
Nag-iwas ako ng tingin. Dahil naka-shades siya ay hindi ko tuloy alam kung nakatingin ba siya sa akin o kung saan man. It made me more uncomfortable.
"Larry!"
Napalingon ako sa taong tumawag sa pangalan ko at napangiti nang makita si Dash. He's the friend I'm talking about, siya ang architect ng team na naka-assign para sa project na ito. Mabilis akong lumapit sa kaniya at yumakap.
"Kamusta?"
Ngumiti lang naman ako. Hindi nagtagal ay lumipat ang tingin nito kay Xian na naroon pa rin sa kinatatayuan niya hanggang ngayon. Nakasandal ito sa kotse niya at nakapamulsa.
"Boyfriend mo?" bulong ni Dash na mabilis kong ikinailing. Tumawa naman ito.
"He's my thesis partner, tara ipapakilala kita." Hinila ko ito palapit kay Xian.
"Uhm Xian, this is Dash Zamora, he's the architect. And Dash, this is Xian, my thesis partner."
Dash smiled at him. Tumango naman ito.
"Come, I'll show you the site."
Tumango ako at sumunod sa kaniya.
"We've only started last Monday kaya yung area palang talaga ang maipapakita ko. We are still waiting for the raw materials to arrive. I'll contact you kapag dumating na ang mga iyon."
"It's okay, we just need photos and a little information about sa site."
"If you need help about the documents, I can always just ask my secretary to do it for you."
Umiling ako. "Are you crazy? Para mo na ring sinabi na ikaw na ang gagawa ng thesis namin."
Tumawa naman ito. Marami pa siyang ipinaliwanag, more on sa presyo at sukat ng lupa. Kailangan din naman iyon sa costing. Wala pa talagang nasisimulan dahil wala pa yatang isang linggo nang sinimulan ang project. They just have the place, wala pa ang mga gamit katulad ng sinabi niya kanina.
I was taking down everything he says habang si Xian naman ang kumukuha ng mga litrato. He remained silent though, pero nakabuti na iyon para hindi rin ako masyadong mailang.
Dash invited us for dinner dahil nagpadeliver pala ito ng pagkain para sa team pero tumanggi ako. Kung tatanggapin ko kasi iyon ay baka sobrang gabihin na kami ni Xian pauwi. Isa pa, anong malay ko kung gusto din ba ni Xian makipag-dinner or gusto na niyang umuwi.
It's almost six nang magpaalam na kami kay Dash.
"Are you sure you're gonna drive alone? Bakit hindi pa kayo nagsabay papunta rito kanina para sana sabay na kayong umuwi. Delikado ang daan sa mainroad."
"No worries, may headlights naman and magcoconvoy naman kami."
Walang tiwala itong nakatingin sa akin kaya naman natawa ako. Dash has been a friend of mine ever since we're young. Magkaklase kami noong lumipat ako sa Canada. He's also Ice's friend, at pinsan siya ni Yuge Zamora, the bassist of Golden Strings. Malapit ako sa kaniya dahil pareho kami ng gusto mula pa noon, we've always wanted to become an architectural engineer. At last year nga ay naka-graduate na siya, ako naman ang susunod.
Natahimik ako nang bumaling ito kay Xian.
"Bro, I hope I can count on you about this thing."
Lumipat sa akin ang tingin ni Xian kaya naman nag-iwas ako ng tingin. Tinanggal na kasi niya ang aviators niya kaya ayan nanaman at tumatagos nanaman ang titig niya.
Hindi ko siya narinig magsalita kaya inisip kong tumango lang siya sa sinabi ni Dash. Hindi naman talaga siya gaanong nagsasalita, he rarely reacts too.
Hindi nagtagal ay nagpaalam na kami kay Dash. Bakas ang pag-aalala sa mukha nito. Siguro ay nararamdaman niya ring walang pakialam ang kasama ko kung anong daan na ang tahakin ko pabalik. Baka nga nagsisi na siyang sumama pa siya sa akin. Anyway, hindi ko naman siya pinilit.
Nang makasakay ako sa kotse ko ay inilugay ko na ang aking buhok. Pinalamig ko muna ang loob ng sasakyan bago ko pinaandar. Pero ganoon nalang ang gulat ko nang biglang mamatay ang makina nito.
Sinubukan ko ulit paganahin iyo pero ganoon pa rin, sumisindi at tumitigil. Dalawang beses kong inulit pero ayaw talaga kaya hinugot ko ang susi atsaka ibinalik ulit. Pero nang subukan kong buksan ay hindi na talaga umandar ang makina.
"What the fvck," I murmured.
**