Ang paniniwala kong babalik pa ang dating Xian ay unti-unting naglaho sa mga lumipas na linggo. Ang akala kong pansamantalang pagkakalayo niya sa amin ng mga kaibigan niya ay naging permanente na nang tuluyan.
He chose to forget about us, he chose to be someone we never thought he could be. Sa loob ng isang buwan ay naglaho nang tuluyan ang Xian na kilala namin. He disappeared in the dark and became someone scary, beautifully scary. He became a beast.
"This bastard is pissing me off."
Hinawakan ko ang braso ni Dylan para pakalmahin siya. He looked at me, his breathing uneven. Umiling ako.
"Pipigilan mo nanaman ako Larry? Xian needs a punch! He needs to fvcking wake up!"
Tinanggal nito ang kamay kong nakahawak sa kaniya atsaka mabilis na tumayo. Ganoon din ang ginawa ko, mabilis kong hinawakan ang dulo ng t-shirt niya.
"Dylan—"
"It has only been just a month, wala pang isang taon Larry. How can he kiss different girls at a fvcking night?!"
"Dylan—"
"Let me go Larry."
Umiling ako. "Dylan—"
"Let me go!"
"He's not gonna wake up! He's not gonna fvcking wake up Dylan! Kahit bugbugin niyo siya, kahit anong gawin niyo sa kaniya, he's not gonna come back!" Halos maputol ang litid ko nang isigaw ko iyon sa kaniya.
Dylan on the other hand was dumbfounded.
Walang lakas akong napaupo sa sofang naroon. Samantha held my arm. "Larry.."
Umiling ako. "I've been with him for the past few weeks, alam ko.. at sumuko na ako."
It was too fast. Hindi ko alam kung paano, maybe he lost all reasons to cope up, siguro sumuko na rin siya. And my heart is breaking because he left us just like that. Kapag nagkakasalubong kami sa hallway, kapag nagkikita sa classroom o sa cafeteria ay parang hindi kami naging magkakaibigan noon. I can't believe this is happening.
Pero kahit anong gawin niya, kahit gaano pa iyon maging mali sa paningin ng iba, hindi ko pa rin kayang husgahan siya. I just can't get mad at him because I know it's painful, sa sobrang sakit na nararamdaman niya, ginusto niyang maging ibang tao. At wala kaming karapatan para husgahan siya.
"Umuwi na tayo Dylan," aya ni Sam sa pinsan niya. Hindi ito kumibo.
"I-I'm sorry.." bulong ko.
"Don't be, hindi mo kasalanan."
Nag-angat ako ng tingin para tignan ito. "But fvck, I want to punch his damn face." Napahilamos na lamang ito.
Sumandal ako sa sofa at mariing pumikit. Nang idilat ko ang mga mata ko ay natanaw ko si Xian na nakikipaghalikan sa isang babae. The girl's sitting astride him, naka-skirt ito at denim tank top. I saw his hands massaging her waist while kissing the girl in full hunger. Hindi ko makita ang mukha niya, tanging ang likod ng babae ang nakikita ko dahil nakaupo ito sa kandungan niya.
I can't believe I'm watching him do this. I never thought he can be someone like this.
Nagulat na lamang ako nang may humawak sa baba ko, iniharap nito ang mukha ko sa direksyon niya.
"Stop watching him Larry. " Sumalubong sa akin ang pagmumukha ni Kenneth.
He sighed. "Hayaan na natin siya kung 'yan ang gusto niya."
Tumango nalang ako.
Kenneth has recovered from Kim's death, and that is obviously because of Ayesha. Hindi ko alam kung ano ang mayroon sa kanila but I'm happy na hindi siya natulad kay Xian.
"Nasaan si Sean, Sam?"
Samantha rolled her eyes. "Hindi ko alam at wala akong pakialam."
"Nag-away ba kayo?"
Hindi ito sumagot.
"You should bring the girls home now Dylan."
Nagkatinginan ang dalawa. Aalma pa sana si Dylan pero napansin kong may kakaiba sa tingin ni Ken sa kaniya. Soon enough ay mabilis kaming hinila ni Dylan palabas ng bar.
"Wait..wait nga Dylan!" Binawi ni Samantha ang braso niyang hawak nito.
"Ayoko pang umuwi!"
"Samantha, don't be stubborn."
But Samantha is Samantha, you can't tell her what to do. Akmang magmamartsa ito pabalik sa loob ng bar nang humarang sa daraanan niya ang isang BMW convertible. Mabilis na bumaba mula rito si Sean.
"You still fvckin' went on, I told you to wait for me!"
"I don't want to wait! Ayoko ng naghihintay lalo pa kung galing ka sa babae mo!"
Sean looked at her unbelievably, pagkatapos ay tumingin ito sa aming dalawa ni Dylan.
"Did you let her drink?" tanong nito sa amin.
"Hindi ko alam na nag-away kayo.." Mahina ang boses ko.
"At bakit?! Ikaw lang ba ang pwedeng uminom?"
Bumalik ang tingin nito kay Samantha. Hinawakan nito ang kamay niya atsaka siya hinila papasok sa sasakyan.
"We'll go ahead," paalam nito sa amin.
Narinig ko pa ang pagwawala ni Samantha nang isakay siya ni Sean sa sasakyan nito.
"Such a hardheaded girl." Nilingon ko si Dylan. Tumalikod ito atsaka nagtungo sa kaniyang sasakyan.
"Nag-usap ba sila?"
Natigilan ito sa pagbubukas sa pinto ng kotse. Alam kong alam niya kung sino ang tinutukoy ko. Nilingon niya ako.
"Yeah, si Ken lang naman ang may kayang kausapin iyon nang mahinahon. Kasi kung ako, baka kamao ko ang kausapin niya." Nag-igting ang panga nito matapos niyang sabihin iyon.
Napayuko ako, I started fidgeting my fingers at the lost of words to say. Gusto kong sabihin na sana ay intindihin pa nila nang kaunti si Xian pero ayaw kong isipin nilang masyado ko na itong ipinagtatanggol.
I did everything to cover up for him. Nagsimula ang lahat nang naging madalas na ang pagliban niya sa klase. Madalas ko siyang matagpuan sa field. Naging madalas din ang pag-inom niya sa Fiasco, ako ang madalas makakita sa kaniya rito. Pero hindi ko iyon ipinaalam sa mga kaibigan namin sa pag-aakalang normal lang iyon.
But all the thoughts of it being normal just got lost when I saw him making out with a girl, sa loob ng isang cubicle sa washroom. Nanginginig ang buo kong katawan nang mahuli ko sila sa akto. Binalewala niya iyon, he didn't mind that I saw him, ni hindi niya ako kinausap tungkol doon.
Akala ko iyon lang, pero mas tumindi ang mga pangyayari. I saw him and a girl coming out of a vacant room, dalawang beses ko rin siyang nakita sa Fiasco na ginagawa iyon. I could have thought that it's a new girl pero hindi, dahil bawat pagkakataong nakikita ko siya na ginagawa iyon ay iba-ibang babae ang kasama niya.
I remained silent about that, kasi natatakot akong maniwala na nagbabago na siya. I'm afraid to accept the fact that he's being someone we never knew. Hanggang sa sila Dylan na ang nakakita sa kaniya at wala na akong nagawa kundi aminin sa kanila na ganoon na nga ang nangyayari.
"I know you care for him Larry."
Nag-angat ako ng tingin sa kaniya at nagtagpo ang mga mata namin.
"I know you like him." He looked at me sadly.
Kinagat ko ang labi ko, napayuko ako.
"But you should stop it right now. Xian is not the guy you used to like. Hindi na siya ang Xian na minahal ni Kim, hindi na siya ang Xian na kaibigan natin."
Alam ko, pero anong gagawin ko? The more he become like that, the more I want to stay near him. I want him to know there's still someone who sees a light behind his eyes.
"It's not safe Larry, you're not gonna be safe with him."
**