Nakita kong lumapit sa kotse ko si Dash, kumatok ito sa bintana. Naiinis na bumaba ako.
"What's wrong?" he asked.
"Ayaw mag-start. " Hindi na maitago ang iritasyon sa boses ko.
Kinuha naman nito ang susi sa kamay ko. Sumakay siya sa kotse ko at siya na mismo ang sumubok magpagana sa makina. Pero katulad kanina ay ayaw pa rin. Dalawang beses niya pang sinubukan pero hindi na talaga iyon sumindi pa.
Nakita kong bumaba si Xian mula sa kotse niya atsaka lumapit sa amin. Bumaba naman si Dash at ibinalik sa akin ang susi. Tumingin ito sa relong suot niya.
"Alas-otso pa ako pwedeng umalis. Gusto mo bang sumabay nalang sakin?"
Pero bago pa ako makasagot ay nagsalita na rin si Xian. "I can give her a ride."
Tinignan siya ni Dash bago bumaling sa akin. He looked at me as if asking if I'm fine with that.
Ayaw ko, iyon ang sagot ko. Pero kung hindi pa ako sasabay sa kaniya at hihintayin ko pa si Dash, gagabihin na ako. I feel so tired, gusto ko ng magpahinga. Kaya kahit labag sa loob ko ay pumayag ako.
Iniwan ko kay Dash ang susi ng kotse ko dahil ipapahatid niya daw iyon sa talyer. At kung maagang matapos ay ipapahatid nalang din sa bahay.
Nagbilin pa ito ng ilang mga safety measures bago kami tuluyang nakaalis ni Xian.
Tahimik kaming dalawa sa loob ng sasakyan. He looks serious while driving at ako naman ay natatakot na magsimula ng isang conversation kaya binuksan ko nalang ang phone ko para sana abalahin ang sarili ko. Pero wala pang sampung minuto ay nag-dead battery na ito. I sighed before returning it inside my bag.
Tama ang sinabi ni Dash, delikado ang daan, hindi lang sa mainroad. Madilim at mapuno, wala akong ibang makita sa labas.
Nakita kong in-off ni Xian ang aircon kaya napatingin ako sa kaniya. Nang mapansin niya ang titig ko ay bigla siyang nagsalita.
"The gas will wear off if I won't turn it off."
Napatango ako. Sa unang sampung minuto ay normal pa at maayos pa ang biyahe. Pero matapos noon ay nakakaramdam na ako ng init at pinagpapawisan na ako.
Pinilit kong maging kumportable pero hindi ko iyon kaya, lalo pa nang dumaan na kami sa baku-bakong kalsada. It feels awkward at pakiramdam ko ay hindi ko na kakayanin. It makes me want to climb down his car and walk on my own. Laking pasasalamat ko nalang nang makalagpas din kami agad doon.
Makalipas ang panibagong sampung minuto ay hindi ko na kinaya ang init na nararamdaman ko at tinanggal ko na ang maong na jacket na suot ko. I pulled my hair into a messy bun too. I did everything to make myself comfortable at nagtagumpay naman ako. Maya-maya pa ay hindi ko na namalayang nakatulog na rin ako dahil sa pagod at sa hangin mula sa nakabukas na bintana ng sasakyan.
Nagising nalang ako sa isang hindi pamilyar na kwarto. Ilang beses kong sinuyod ng tingin ang buong lugar bago ako bumangon para hanapin ang bag ko na nakita ko naman sa isang silyang naroon. Lumapit ako para kunin ang phone ko pero naalala kong lowbat ito kaya napaupo ako ulit sa kama.
Ang huling naalala ko ay nasa kotse ako ni Xian. He was the last person I am with, does that mean I'm on his place? Walang sariling bahay si Xian dito sa Pilipinas, he lives with the Scofields. Natigilan ako at narealize na baka narito ako sa bahay ng mga Scofield. Wait, what? Dinala niya ako rito?
Napasabunot ako sa buhok ko. I shouldn't be here. I haven't seen her parents after her death, hindi ko alam kung kamusta na sila. Kinilabutan ako bigla.
Tinignan ko ang suot kong relo, alas-dose na ng madaling araw. Oh my God, hindi ko alam ang gagawin ko. Should I leave right now o ipagpapabukas ko na? Kung aalis ako ngayon, wala akong gagamiting kotse. But.. but I'm not comfortable here. Hindi dahil sa takot akong multuhin ako ni Kim, natatakot ako kasi pakiramdam ko napaka-gloomy ng lugar na ito ngayon.
In the end, I decided to leave. Kinuha ko ang bag ko. I can walk out of the subdivision and hire a cab outside. Safe naman dito dahil subdivision naman ito. I don't need someone to drive me, lalo na kung si Xian. At ayoko dito.
Nang makalabas ako ng kwarto ay mas lalo akong kinilabutan. Maliwanag sa buong pasilyo pero nakaririndi ang katahimikan. Naririnig ko ang sariling pintig ng puso ko at maging ang paghinga ko.
Dahan-dahan akong naglakad. Sa kasamaang-palad ay nasa dulo ang mga guestrooms kaya naman kinailangan ko pang maglakad nang matagal. Halos hilain ko nalang ang mga paa ko para lang hindi makagawa ng ingay. Napapangiwi pa ako sa tuwing maririnig ko ang tunog ng bawat hakbang ko.
Nang matanaw ko ang hagdanan ay nakahinga ako nang maluwag. Sinubukan kong bilisan pa nang kaunti ang lakad ko pero natigilan ako nang matapat ako sa isang kwarto. I felt a mini heart attack when I recognized the room, this is Kim's room, at nakabukas ang pintuan kaya naman kitang-kita ko ang kabuuan ng kwarto.
I can't be wrong. I've been here a couple of times with our friends, for a sleepover, for a night out. I've been here with her too. I'm sure that this is Kimberly's room.
Ang lakas ng pintig ng puso ko ay hindi ko maipaliwanag. I want to run and get out of the house immediately, but something's stopping me from doing that. Parang may sariling pag-iisip ang mga paa ko nang dalhin ako ng mga ito sa loob ng kwarto.
The room still looks neat, parang araw-araw nililinis. Maayos ang kama, naka-display pa rin ang mga stuffed toys. I even saw her bag, nakapatong ito sa sofa at nakabukas. Sa ilalim ng sofa ay may isang kulay puting doll shoes. Hindi ko alam kung bakit pa ako lumapit, hindi ko alam kung bakit gusto kong makialam.
My heart is pounding. Mula sa loob ng bag ay kitang-kita ko pa ang mga gamit niya na naroon. And then suddenly, a memory rushed vividly on my mind.
-- "Maganda naman diba?" She smiled.
Inilapag niya ang bag sa sofa atsaka nagtanggal din ng sapatos doon. Lumapit siya sa gown na nakapatong sa kama niya at ipinakita iyon sa amin ni Cuttie.
"Si Naomi ang namili nito." Masayang-masaya siya, her eyes says it all.
"Maganda naman—teka bakit sinusukat mo?!"
Ngumuso ito. "Sshh.. huwag kang maingay! Pinagbawalan din ako nila Mommy na isukat pero hindi ko mapigilan." She smiled at the both of us.
Wala na kaming nagawa ni Cuttie nang maisuot niya nang tuluyan ang gown. Nakangiti siyang nagpaikot-ikot sa harapan ng salamin habang napapailing nalang kami ni Cuttie sa kaniya.
"Gaga ka talaga, paano kapag hindi natuloy ang kasal?"
At that very moment, I noticed a change on her demeanor. Something strange passed through her eyes. Bago ko pa iyon mabigyan ng pangalan ay mabilis din iyong napalitan ng isang tawa mula sa kaniya.
"We will have a happy ending, it will always be a happy ending, no matter what." She said as she face us wearing that smile.
Ang ngiting kahit kailan ay hindi ko makakalimutan. --
I was stunned, nanlalamig ang mukha ko. The room hasn't changed after that night. At lahat ng ginawa at sinabi ni Kim sa harap namin ay nakaplano. She knew she will die on her wedding day, alam niyang hindi matutuloy ang kasal kaya hindi niya alintana ang pagsusukat sa wedding gown.
Napaupo ako sa sofang naroon, nanghihina, hindi makapaniwala.
Hindi ko maintindihan, bakit niya itinuloy ang kasal kung alam niyang hindi na niya kaya? Bakit niya pinaasa si Xian sa isang kasal na hindi niya naman pala kayang ituloy? Hindi ko siya naiintindihan at hindi ko siya kailanman kayang intindihin.
Isn't it too selfish? Gusto niyang makita silang masaya kaya inilihim niya ang totoo sa lahat. But the truth is, mas masakit pa nga iyon. In just a snap, she disappeared from us. She raised Xian's hopes and then in just a snap, she crushed it down. Ano ba sa inaakala niya ang mararamdaman ni Xian?
She made Xian hate his self. She made them think na habang nagpapakasaya sila, nagdurusa pala siya. She made them all feel more miserable. Yung akala niya na magiging okay din lahat, imposible iyon dahil habang buhay na sisisihin ni Xian ang sarili niya, for being insensitive, for not knowing about his dying bride.
Nasasaktan siya kapag nakikitang nasasaktan din sila lahat kaya siya nagsinungaling. Yung akala nilang selflessness ay hindi totoo, she didn't know she became more selfish because of that. Gusto niyang maging masaya bago mamatay, that's why she took their feelings for granted. How can she do that? How can she be so selfish?
Nabalik ako sa katinuan nang dumapo ang isang puting paru-paro sa buhok ko. I stared at the butterfly, wondering where it came from, kung bakit ito narito. Lumipad ito patungo sa harapan ko kaya inilahad ko ang palad ko para rito. Dumapo ito roon.
"Are you locked up in here?"
It just flapped its wings and stayed on my palm. I smiled at it but that smile faded when I remembered something.
Muli akong napatitig rito, remembering about Kim's love for butterflies. Tinitigan ko ang paru-paro at hindi nagtagal ay narealize kong ito si Angel, it's Kim's butterfly. The one Xian gave her along with the hanging garden at the terrace of this room.
Kasabay ng pagkakatuklas ko sa paru-paro ay ang paglipad nito palayo. I watched it in horror as it flew around the ceiling. It's Angel, it's Kim's butterfly.
Sinundan ko ito ng tingin hanggang sa lumipad ito patungo sa terrace. Subalit nang bumaba ang mga mata ko ay nasalubong ko ang isang pares ng mga matang nakatingin sa akin.
Napalunok ako at nanigas sa kinatatayuan ko. Naroon si Xian, nakasandal sa pasamono at nakatingin sa akin. His face glooming under the moonlight but his eyes remained deep and it's fixed on me.
"I-I'm sorry.." I don't know what to say. Hindi ako makagalaw.
Nanatili siyang nakatitig sa akin. His eyes bore to me. Nanginig ang mga tuhod ko, pinagpapawisan ang mga kamay ko.
"I-I'm really sorry..a-aalis na ako—" Nanlaki ang mga mata ko nang lumapit ito sa akin. Sobrang lapit, at doon ko lang nakitang wala itong pang-itaas.
Dumikit ang katawan nito sa akin, his face above my shoulders. Inilapit niya ang bibig sa tenga ko atsaka ko naamoy ang alak sa katawan niya. He's drunk, lasing siya.
"You came back," he murmured. Nalukot ang noo ko, I came back?
"You came back for me." His laugh suddenly sent chills all over my spines. "Sabi ko na hindi mo ako iniwan. They were all lying right? I know you'll come back to me, I know you will always come back."
"Xian.." What is he saying?
"God, I missed you.." Kinilabutan ako nang maramdaman ko ang mga labi nito sa leeg ko.
"Xian.." Gusto kong umatras at lumayo, pero ayaw gumalaw ng katawan ko.
Naramdaman ko ang mga kamay niya sa magkabilang gilid ko, holding the sides of my waist, making me still. Until I felt his lips over mine.
Nanlaki ang mga mata ko. Hinahalikan niya ako, not just a simple kiss but a slow and a passionate one.
"I missed you.." he murmured between his kisses. "I missed you so much Kim.."
Bigla ay natauhan ako. Humawak ako sa magkabilang balikat niya para itulak siya palayo pero hindi ko iyon magawa. Nakikita niya si Kim sa akin at kailangan niyang magising, hindi ako si Kim, I will never be her!
"Xian.. Xian hindi—"
But I can't stop him. His lips slid sensuously over mine, making me lose all the rational thinking. His tongue tasted all the corners of my mouth until I didn't know I was already responding.
Naramdaman kong umangat ang mga paa ko. He carried me while still savoring my mouth, his hands caressing the sides of my waist. I felt so hot, feverish, I can't stop.
This is wrong, he's doing this because he's drunk. But I can't stop, I can't stop.
His lips traveled down my neck, to my collarbone, to my shoulders. He praised all my exposed skin. He's above me, pinning me down, kissing me like I'm the love of his life. The foreign feeling spread to me like wildwire when I felt his hands under my clothes, sensuously caressing the curves of my body.
Subalit natauhan ako nang maramdaman ko ang isang bagay sa ilong ko. Napadilat ako at nakita ko ang puting paru-paro na nakadapo sa ilong ko. Lumipad ito, paikot-ikot sa harapan ko.
I felt a strong sense of guilt. Nawala ang init na nararamdaman ko at binalot ako ng hiya para sa sarili ko. How can I do this on her room? How can I do this on her bed? How can I do this with the man she loves?
Itinulak ko si Xian kaya bumagsak ito sa sahig. Nang mag-angat ito ng tingin ay saka palang ito natauhan. He looked at me, his eyes wide and his face shocked.
Hindi ko na siya hinintay pang makapagsalita at dali-dali akong bumalik sa kwartong pinagmulan ko kanina. I locked the doors and jumped on the bed.
Malakas ang pintig ng puso ko, nanginginig ang buong katawan ko. But silently, I am thankful that the butterfly was there. Butterflies have always been my angel.
**