"I need you to be grouped into three or pairs for your thesis. We should put things in a hurry dahil sa sunod-sunod na holidays. Give me the names in each group then you can use the rest of the time brainstorming for a good title. The deadline will be next week."
Wala namang naging pag-angal ang mga kaklase ko, mabilis silang nakapag-grupo dahil mukhang naihanda na nila iyon noon.
I rolled my eyes. Wala naman akong pakialam sa kanila, they can choose whoever they want, I can do a thesis by myself.
"Uh, Miss Montgomery?"
Nag-angat ako ng tingin nang tawagin ako ng professor namin. She motioned me to come to her at lumapit naman ako agad.
"I heard about what happened to Mr. Ekelund and Ms. Scofield, nabanggit sa akin ng class president ninyo na kayong dalawa ang madalas magkasama. Can you just pair with him para hindi na tayo mahirapan?"
Sandali akong napalingon sa gawi ni Xian, nakita ko itong tahimik na nakaupo at nakamasid sa labas ng bintana. I don't really know if he needs a pair, matalino siya at alam kong gusto niya rin sigurong mag-isa. Pero hindi ko alam kung anong nag-udyok sa akin na pumayag. I sighed, humarap ako kay Mrs. Crisostomo.
"It'll be fine, Ma'am." I smiled at her.
Tumango ito at ngumiti pabalik. Nang wala na itong sabihin pa ay bumalik na rin ako sa kinauupuan ko.
"She asked us to be pairs, is that fine with you?" I murmured dahil nasa tabi ko lang naman siya.
Lumingon ito sa akin na ikinabigla ko naman. He's too close that I can see the dark color of his eyes. Napalunok ako.
Matagal itong tumitig sa mga mata ko at nang akala ko ay mawawalan na ako ng hininga ay saka naman ito dahan-dahang tumango.
Nakahinga ako nang maluwag nang muli nitong ibaling ang tingin sa bintana. Napasandal ako sa upuan ko. I saw his eyes and someone just told me I can't lose him from my sight. Napahilot ako sa sentido ko, this is not getting any better.
"Are you okay? Para kang naka-drugs." Cuttie laughed beside me.
I rolled my eyes before putting another spoon of food in my mouth and chewed it. Pinanood lang naman ako ni Cuttie habang mabagal kong inuubos ang pagkain sa pinggan ko.
"What the hell is wrong with you?"
Uminom ako ng tubig bago sumagot. "Just mind your own business Carl Trey."
The gay rolled eyes in return, tinawanan lang naman kami ni Samantha.
"Where's Kenneth?" tanong ko nang si Dylan at Sean lang ang nakita kong magkasama.
Dylan shrugged while he's busy on his phone. "He's probably at the rooftop."
Napailing nalang ako. Kenneth's never been with us since that day, since the day that Kim died. He keeps his distance even though I always convince him that we're here.
Pero naintindiha ko rin naman, na baka mas naaalala niya lang si Kim kapag magkakasama kami. I think he needs space too, katulad ni Xian.
"I saw him with Ayesha yesterday," sagot ni Cuttie na nagpalingon sa akin.
"Who's Ayesha?"
"She's the student council's president, I saw them walking at the corridor together."
Napatango ako. I know the girl, I just didn't know about her name. She looks good and innocent though, pero bakit sila magkasama ni Ken?
"Let's just let him come back when he wants to."
Hindi na ako sumagot pa at pinilit ko na lamang ubusin ang pagkain ko. Matapos ang lunch ay naghiwa-hiwalay na rin kami para sa susunod na subject. I was scanning my notes while walking when someone called my name.
Nag-angat ako ng tingin at nakita ko si Fire sa harapan ko, tinaasan ko ito ng kilay. "What?"
Tumingin ito sa buhok ko atsaka napailing. "Ayesha's on the rounds, kapag siya ang nakakita sa kulay ng buhok mo, lagot ka."
I laughed at him sarcastically before I rolled my eyes. "You think kaya ako ng president ninyo? Do you seriously think I'll go easy on her?"
Nasindak naman ito sa sinabi ko. "Alright, just do something with your hair please? At huwag mong sungitan si Ayesha okay?"
Hindi na niya ako hinintay pang magsalita at kaagad na itong umalis. My forehead creased, what's with that girl? Ayaw niyang sungitan ko? Sino ba 'yon?
I ignored the idea and just decided to go to the washroom to take care of my hair. Ipinusod ko nalang ito para hindi masyadong flashy. Hindi na bago sa akin ang mabigyan ng warning dahil sa kulay ng buhok ko, but no one can really make me have it dyed in black. I grew up with a red hair, my mom used to love it this way. Kaya pinapalitan ko lang ng shade but it's still red, nagkataon lang na gusto ko itong medyo bright red.
Palabas na ako ng washroom nang marinig ko ang pinag-uusapan ng dalawa pang babaeng naroon.
"I really don't know what's with Kim Scofield, she looks so plain but Xian can't still get over her." Ang sabi ng isang babae habang naglalagay ng blush on.
"She's rich," sagot ng kasama nito na abala rin sa pagcucurl ng kilay.
"Bakit? Hindi ba mukhang mayaman din si Xian? Gosh, he even looks like a prince!"
"Yes! Nakita mo ba? He looks so serious yet so damn hot! Ang gwapo niya kanina, I think I can survive college kung palagi natin siyang iistalk doon sa field!"
"Yeah! Let's go there again tomorrow!"
Sabay pang nagtilian ang mga ito. I rolled my eyes before I turned to leave. So sa field lang pala tumatambay si Xian, kaya pala hindi ko siya mahanap kahit saan ako magpunta dahil napakalayo ng field sa mga buildings kung saan ang klase namin. Napailing nalang ako bago dumiretso sa susunod kong klase.
Pagdating sa classroom ay hinanap ko kaagad siya, but he's out of sight. Tumingin ako sa wristwatch ko, we still have ten minutes before the time. Akma akong papasok sa room nang mapailing ako, nagtatalo ang isip ko kung pupuntahan ko ba siya o hindi. Pero nang maalala kong may exam kami ngayon ay mabilis akong naglakad patungo sa field.
Mainit, tirik na tirik ang araw, ramdam ko ang pawis sa buong mukha ko habang naglalakad patungo sa field. s**t, napakalayo, napaka-init at ang hirap maglakad sa damuhan nang naka-heels. Lumulubog ang takong ko sa lupa at naiinis ako dahil malakas ang hangin pero napaka-init pa rin.
Patuloy ang pagtingin-tingin ko sa paligid dahil hindi ko naman alam kung saan ang eksaktong kinaroroonan ni Xian. The field is so wide for f**k's sake. Kung bakit mo ba naman naisip na sunduin siya diba?
Muntik na akong sumuko at maupo nalang sa mga benches di kalayuan nang makita ko naman ang hinahanap ko sa ilalim ng isang puno. Napaawang ang bibig ko nang makita kong natutulog ito roon. Mabilis akong nakalapit sa kaniya.
"Xian?"
Hindi ito kumilos, ni hindi rin ito nagmulat ng mata. Napabuga ako ng hangin bago napaupo sa tabi niya. Mabuti nalang at malilim dito, pakiramdam ko hihimatayin na ako. Nilingon ko ito.
"Are you seriously asleep?" Pinagmasdan ko ito. Nakatakip ang isang braso nito sa mukha habang ang isa ay nakapatong sa gawing tiyan niya. One of his knees is bent while the other one's carelessly stretched out the grass.
Tinignan kong mabuti kung malinis ba ang lugar para humiga nalang siya nang basta rito. Thankfully ay mukha namang hindi maputik ang d**o.
I sighed, akmang hahawakan ko ito sa balikat para gisingin nang matigilan ako. He's really asleep, nakikita ko ang mukha nito sa ilalim ng braso niya. I can clearly see the dark circles under his eyes, his exhausted face. Namumutla siya.
Bigla ay nakaramdam ako ng awa. He seems sleepless, he seems so tired. Pakiramdam ko isang malaking kasalanan kung gigisingin ko siya ngayon. Maybe it's the only time he can sleep like this.
Tumingin ako sa relo ko, it's 1:10 already. Natatawang napailing ako, I remember I came here to remind him we have an exam pero hindi ko naman siya kayang gisingin.
Sumandal ako sa punong nasa likod ko. I smiled unconsciously. I'm stuck with him. No, I'm not stuck with him, I choose to stay. Heck, I'm really ditching my class just to watch him sleep.
Ipinikit ko ang aking mga mata, determined to stay and wait till he wakes up. Ni hindi ko namalayang nakatulog na rin pala ako.
I woke up under a heavy stare. Nang magmulat ay nasalubong ko kaagad ang isang pares ng mga matang nakatitig sa akin. Napaupo ako nang maayos.
"I-I'm sorry, hindi kita ginising kanina. I fell asleep—" Naiwan sa ere ang sasabihin ko nang bigla itong tumayo at nagsimulang maglakad palayo.
Napasabunot ako sa buhok ko. Nakatulog ako! Seriously Larry Lois, nakatulog ka nga!
Napatingin ako sa relo ko at nanlaki ang mga mata ko nang malaman kong late na ako para sa susunod na subject. Mabilis kong dinampot ang bag ko pero natigilan nang makita ko ang heels ko sa tabi nito. Magkasalubong ang kilay na tinignan ko ang mga paa ko, nakatapak ako.
Lumipad ang paningin ko sa direksyon ni Xian, naglalakad na ito palayo at alam kong hindi na niya ako maririnig. Napangiti ako. "Thank you Xian, I know you are still there."
Mabilis kong isinuot ang sapatos ko habang nakangiti.
Xian is not gone, he's still there. And it gave me a lot more reason to believe that he'll come back soon, babalik siya nang buo, babalik ang Xian na nakilala ko. The cold yet caring Xian I know.
**