Chapter 3

2000 Words
It's the first day of class, and I'll be late. Halos paliparin ko ang sasakyan ko para lang makarating kaagad sa school. Faye didn't wake me up, lagot talaga sa akin ang babaeng 'yon. I was looking for a space at the parking lot when I noticed a familiar black Lamborghini, napansin ko rin ang espasyo sa tabi nito. I didn't waste time at kaagad akong nagpark doon. I don't care if it's not my usual spot, I'll get what I want. Nang makapag-park ako nang maayos ay kaagad akong bumaba ng kotse. Hinanap ko ang schedule ko sa bag at nang makita ang unang klase ko ay napamura pa ako dahil sa layo nito. I sighed before returning the paper inside my bag. Mabilis akong naglakad patungo sa Arts and Sciences building para hanapin ang room 105. Hindi biro ang maging irregular. Magkakalayo ang mga room assignments ng mga klase ko at madalas ay mga lower years pa ang mga kaklase. I have to deal with them being immature so that I can survive a semester and I'm glad na next sem ay magiging regular na ako. Marami kasi akong subjects na hindi na-credit dahil ibang-iba ang subject descriptions sa St. Howell na siyang school ko dati sa Italy. I also had to take Filipino subjects at ngayon nga ay Rizal ang klase ko. I was busy looking at the room numbers at the top of every door when I suddenly bumped into someone. Sa lakas ng impact ay napaupo ako at nahulog pa ang bag ko. I glared at the guy infront of me pero naglaho ang inis sa mukha ko nang makita ko kung sino ito. "Xian.." I murmured. He's standing and towering over me at buong akala ko ay tutulungan ako nitong makatayo pero napaawang ang bibig ko nang lagpasan lang ako nito. I blinked several times to be sure it's the Xian Ekelund I've bumped into. Nang matauhan ako ay saka ko palang napansin kung gaano karaming estudyante ang nanonood sa akin. Mabilis akong tumayo para pulutin ang mga gamit ko. Inayos ko rin ang dress na suot ko dahil bahagya itong nalukot. Nang makatayo na ako nang maayos ay saka ko palang nilingon ang direksyong tinungo ni Xian. He's my classmate, pero saan siya pupunta? Mabilis akong naglakad para makahabol sa kaniya. Tama nga ako, he's going to ditch the class for the very first day. Kaagad akong humabol sa kaniya at sumabay sa paglalakad niya pababa ng building. "We're classmates," I declared. Hindi ito sumagot, diretso ang kaniyang tingin sa bawat paghakbang sa hagdanan. "Xian may klase tayo, where are you going?" Pilit akong sumasabay sa malalaking hakbang nito. Hindi pa rin ito sumagot, muli sana akong magsasalita nang maramdaman kong nagkamali ako ng pagtapak sa isang baitang at kaagad akong natapilok. I closed my eyes expecting myself to land on the floor pero naramdaman kong may humawak sa braso ko para hilain ako. Nang makita niyang nakatayo na ako nang maayos ay tila napapaso nitong binitiwan kaagad ang braso ko. Naiwan akong tulala habang nakatitig sa likuran niya. I sighed, I decided not to follow him anymore. Bumalik ako sa klase ko at laking pasasalamat ko dahil orientation lang ang kadalasang ginagawa sa first day. Pero sayang pa rin ang isang attendance na niliban ni Xian. At that day, hindi siya pumasok sa iba pang mga klase namin. Nagkaroon ng kaunting discussion sa isang major subject and I had no choice but to jot down some notes for him. We've been classmates since I entered this school at madalas ko na itong gawin noon para sa kaniya. Pareho kami ng course, same block and both irregulars kaya naman kami ang madalas na nagkakasama simula noong makasama ko sila sa house party sa bahay ng mga Scofield. Kinabukasan ay iniwasan kong ma-late dahil terror ang professor namin sa Social Science IV. I'm not afraid of getting called for recitation, ang ayaw ko lang ay ang masama nitong pagpukol ng tingin sa akin whenever I am late. Siya din kasi ang prof ko sa Socsci III and I've hated the subject so much because I dislike her. Hinanap ko kaagad ang magiging room ko. Sa pagkakaalam ko ay third year ang mga kaklase ko. Nang makapasok ako sa loob ng klase ay nagulat pa ako nang makita kong naroon na si Xian. He's sitting at the back and every girl's checking him out. Napailing ako bago lumapit at umupo sa upuang katabi niya. Nakuha ko ang atensyon ng ilang mga babaeng naroon dahil doon. Tinaasan ko lang naman sila ng kilay. Nang makaupo ako ay inilagay ko sa table niya ang kopya ng notes na ginawa ko kahapon. Nag-angat naman siya ng tingin sa akin. "They're not course related pero magkakaroon ng quiz next meeting, I thought you might need a copy." Sagot ko sa tanong na alam kong iniisip niya. Hindi ito sumagot, kinuha niya ang papel at pinasadahan iyon ng tingin. I watch him as he do that at doon ko napansing tila may nagbago rito. Maputi siya pero kakaiba ngayon, his skin is so pale at bukod doon ay tila siya namayat. Hindi iyon naging pangit sa paningin, I think he even looked hotter, yet so cold. I don't know how should I put it to words but something really changed. It's negative ofcourse but I guess nakadagdag iyon sa aura niya, he looked more attractive right now. Nagbawi ako ng tingin nang pumasok ang professor namin. Bumalik sa kaniya-kaniyang pwesto ang mga estudyante bagamat may mangilan-ngilang tumitingin pa rin sa amin. I sighed, sumandal ako sa sandalan ng armchair habang nagsisimulang mag-check ng attendance ang professor. Pinakikiramdaman ko rin si Xian sa tabi ko pero wala akong ibang maramdaman kundi ang kakaibang bagay na iyon, parang hangin lang ang katabi ko. He does not make any sound at all, ni hindi rin ito gumagalaw. Nakasandal lamang ito sa upuan at nakatingin sa labas ng bintana, sa kawalan. Unti-unti ay nagiging malinaw sa akin ang mga bagay na ninakaw ni Kim Scofield sa taong ito. She stole the life I once saw in his eyes, she stole the color I once saw in his life. She stole the Xian Ekelund wayback and the person sitting beside me is the remnant of her death. * "I saw Xian at the coffeeshop again, katulad noong una ay dalawang coffee pa rin ang inorder nito." Faye told me while we're heading home from a restaurant. Hindi ako sumagot dahil abala ako sa pagmamaneobra ng sasakyan. It's quite traffic dahil sa kabi-kabilang road widening projects na isinasagawa. "I think he's going crazy." "Hindi siya baliw Faye, it's normal." "It's not normal Larry, sabi mo hindi niya kayo kinakausap at hindi mo pa siya narinig magsalita ulit kahit sa klase. It's been three weeks, dapat kahit paano ay nakakausap niyo na siya." "We respect that he still needs time." I heard her sigh bago ito sumandal at humalukipkip. "I don't understand." "We'll never understand unless we're on the same shoes." I smiled at her. Napailing nalang ito. "By the way, I'll just drop you home." I said. Lumingon ito sakin. "Why? May pupuntahan ka pa?" Tumango ako. Nagyaya si Cuttie sa Fiasco, just a little fun for the first week of school. Hindi na rin ako tumanggi dahil kailangan ko rin naman iyon. I have to unwind. Hindi na ako nagbihis nang maihatid ko si Faye at dumiretso na rin ako sa bar. I glanced at my wristwatch to check the time. Kanina pa kasi sila nagyaya, hindi ko agad nabasa ang text dahil nagdidinner kami ni Faye. As usual ay puno ang parking lot ng Fiasco. Napapailing nalang ako habang naghahanap ng space. This bar can never lose a night, may duda akong hindi lang isang milyon ang kinikita ni Kuya Fifth sa bawat araw. Nang makahanap ako ng space ay kaagad akong nagpark. Mabilis akong pumasok sa bar at nakita ko naman agad sila Dylan sa mga sofa na naroon. "Hi Larry!" Inakbayan ako agad ni Ice nang magkita kami sa usual spot namin sa Fiasco. "Tapos na kayong tumugtog?" Tanong ko habang kumukuha ng isang shot ng tequila. Umupo ako sa tabi ni Dylan at nakipag-toast dito. "Yeah, you're late." I rolled my eyes. Isa-isa kong tinignan ang mga kasama namin sa table at nangunot ang noo ko nang hindi ko nakita si Ken. Kaagad kong nilingon si Ice. "Where's Kenneth?" Tinignan lang ako nito at mabilis ko nang nakuha ang gusto niyang iparating. Napailing na lamang ako. We still got two boys mourning for one girl, how lucky she is. "So how's Xian?" Dylan asked me. Sumandal ako at humalukipkip. "I don't know, should I say he's going to be fine?" Tumawa lang ito bago uminom sa beer niya. Maya-maya pa ay natanaw ko si Naomi at Cuttie na parang baliw na nagsasayaw sa dancefloor. Tinignan ko si Gelo na nakaupo lang malapit sa amin at tahimik na nakamasid sa dalawa. Napailing ako habang natatawa. "They're just like that but I know deep inside na nasasaktan pa rin sila," bulong ni Dylan sa tabi ko. Tumango ako at ngumiti. "They're bestfriends, lahat naman kayo. I understand what you all feel, kahit pa hindi kami close ni Kim." I remember the first time I was with them sa house party sa bahay ng mga Scofield. Hindi ko alam kung paano sila pakikisamahan dahil hindi ko naman halos sila kilala. Samantha just invited me to join that time. Sumama ako dahil naiinip na rin ako noon. I thought I'm not gonna work out with them but later on ay hindi ko namalayang kasama na ako sa barkadang ito. "We cherish each other so much." Nilingon ko si Dylan at nakita kong nakatingin lang ito sa malayo habang nilalaro ang baso nitong may lamang alak. I sighed and slowly pat his shoulder. "I know, I've seen how much you cherish one other and I'm glad you're my friends now. I know it's too late to feel sorry for being a b***h before, but I still am sorry, lalo na kay Kim." Dylan smiled as he pats my head too. Totoo, they're so real that I can't imagine they're my friends. I have never ever wished to have a lot of friends before, kahit noong nasa abroad ako ay bilang lang ang mga kaibigan ko. But when I met Samantha here, and when she introduced me to these people, naramdaman kong masaya pala kung marami kayo, masaya pala kung totoo at pinapahalagahan ninyo ang isa't-isa. Nagulat kami nang biglang dumating sa table si Sean, akay-akay nito si Samantha na mukhang lasing na lasing. Maging si Dylan ay nagulat din. "What the hell happened? Akala ko ba binantayan mo 'yan?" Sean looks frustrated. "Yeah, but that b***h gay had his ways of making this hardheaded girl drink liquor." Dumapo ang tingin nito sa akin at mabilis ko naman siyang tinanguan. Sean and Samantha is the strongest couple I've met, yet the most rare. Sean's a heartthrob, oozing with s*x appeal and every girl runs after him. While Samantha, on the other hand is just a simple girl, and yet they still make a very nice couple to admire. "We're going home, I'm sorry Larry but we can't stay any longer." Tumango ako. "It's okay, na-late din naman kasi ako." Tinanguan niya kami ni Dylan bago tuluyang binuhat si Samanthat at inilabas ng bar. "Hindi ko alam na nandito rin sila." "Everyone's here Larry." Tinignan ko ito. "What do you mean everyone?" Nakakunot ang noo ko. Tumango naman ito atsaka itinuro sa akin ang isang sofa di kalayuan sa amin. Sinundan ko iyon ng tingin at nanlaki ang mga mata ko nang makita kong naroon si Xian at umiinom mag-isa. "Paanong—" "Cuttie invited everyone." I sighed, sumandal ako sa sofa at pinanood si Xian habang pinapatumba ang ika-apat na bote ng beer sa harapan nito. "I had some bouncers looking after him." Tumango ako. Nakita ko nga ang dalawang malaking tao sa magkabilang-gilid nito. That will be safer for him. Muli akong uminom habang nakatingin sa kaniya. He's looking down his feet while playing with the bottle of beer. Magulo ang buhok nito at nakabukas ang dalawang butones ng puting polo na suot. He looks like one damn demi god sitting over there, under the malicious eyes of every girl around him. Xian's a beast, one damn sexy cold beast. **
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD