Chapter 2

1712 Words
"Maybe you should color your hair black na, alam mo namang bawal ang matingkad na colors sa school right?" Faye told me when we passed by our favorite salon. Nagkibit-balikat lang ako at nagpatuloy sa pagtingin-tingin sa mga boutiques sa mall. "Ang tigas talaga ng ulo mo," she chuckled beside me. Tumigil kami sa harap ng boutique na pagmamay-ari niya, it's Faye's Dresser, walang dudang isa siyang Altamirano dahil napaka-business minded nito. Sa edad na fifteen ay ibinigay itong source of income sa kaniya ng parents niya at magtatatlong-taon na ito this December, kasabay ng debut niya. Pumasok kami doon at nagsimulang mag-scan ng mga bagong damit na nasa fashion trend sa kasalukuyan. Faye gave me a red dress that sarcastically matches the color of my hair. Sinimangutan ko ito, "Seriously, ano bang problema ninyong magkapatid sa buhok ko? Fire has never stopped teasing me about it too." Tumawa naman ito, "Ako wala, red suits your personality well. Pero syempre si Kuya may issue diyan, he's a member of the student council." I rolled my eyes, "I don't care and I don't give a damn." Inabot ko sa isang saleslady ang black casual dress na napili ko bago ako nagtungo sa shoe corner sa loob pa rin ng Faye's. Sumunod naman sa akin si Faye. "What's the dress for?" she asked while scanning the pile of shoes infront of us. Kinuha ko ang isang black stiletto na natipuhan ko. "For school," matipid kong sagot habang sinisipat ang sapatos na hawak ko. Nang tignan ko siya ay nakatitig lang ito sa akin na parang nakakita ng amusement park sa mga mata ko. Tumaas naman ang kilay ko, "What?" "You're gonna wear a dress in school, a black dress and that stiletto? Larry, almost two weeks ng patay si Kim Scofield, tapos na ang lamay, nailibing na nga diba?" "We are still on the process of acceptance, anong gusto mo? Magsuot ako ng red?" She rolled her eyes, "I don't think kasama ka sa mga nagluluksa." "You got it right," Napailing na lamang ito, pumunta kami sa counter para makapagbayad ako. Faye refused to accept my p*****t pero hindi ako pumayag. Business is business, siya itong businesswoman pero hindi niya iyon maintindihan. "Ang yabang mo talaga, alam kong mayaman ka pero minsan lang ako manlibre kaya dapat tanggapin mo naman." Maktol nito nang makalabas kami sa boutique niya. I laughed, "Saan ka nakarinig na inilibre ng isang Altamirano ang isang Montgomery?" "Oh my god Larry Lois, ang yabang mo talaga." Tuluyan na akong natawa, "I'm just kidding you little brat." "Sino kaya ang brat sa atin?" "Tumahimik ka na nga, napakadaldal mo kaya naiinis si Earl sayo e." Nanlaki naman ang mga mata nito sa sinabi ko, "What are you talking about? Si Earl nanaman?" Earl is the vice president of the student council, and a member of the varsity. "You like him, don't you?" Kaagad namula ang magkabila nitong pisngi, "H-hindi no! Ang panget kaya niya tapos ang weak pa mag-three points!" Tinawanan ko nalang ito. She's the girl I love the most when lying, huling-huli kasi. Truly, hindi siya marunong magsinungaling. "Truly, hindi siya magaling sa three points pero imposibleng hindi mo alam na bumibitin sa ring 'yun." "Tskk!" "Tumahimik ka na nga, let's go grab some coffee, what do you think?" Tumango naman ito kaagad. I smiled at her as I pull her to our favorite coffee shop. Pumwesto kami sa tabi ng clear glass wall dahil paborito ko ang view sa labas nito, isang rose garden, red roses. "You're still inlove with red roses?" Tumango ako, I love red roses eversince I was a kid. My mom used to have her garden full of these roses pero nang mawala siya ay hindi na rin naalagaan ang mga iyon kaya unti-unti silang namatay. I miss that garden, I miss my mom. I sighed. "Umorder na tayo!" Hinila ako nito patungo sa cashier. She ordered her favorite mocha frappe while I ordered blueberry cream frappe. Umorder din kami ng red velvet cupcakes dahil paborito namin ito. Faye's two years younger than me, but we're bestfriends. Altamiranos are great-great friends of Montgomerys. Bukod doon ay partners din ang pamilya namin sa ilang mga business na mayroon kami. They're like a second family to me, at ganoon din kami sa kanila. Actually ay sa kanila ako nakatira, kasama ang pinsan kong si Coleen na mas bata lang ng isang taon sa kaniya. Coleen's the youngest Montgomery, kapatid siya ni Fifth, the owner of Fiasco. Montgomerys aren't really pure Filipinos, nagkataon lang na napangasawa ng daddy ko si mommy na isang Filipina. He's half French and half German, nagkataon din na ang napangasawa ng dalawa pa niyang kapatid ay ang mga kaibigan ni mommy. The Altamiranos are family friends at my mom's side, they are pure Filipinos occupying almost every part of the Genesis Metropolis, an exclusive subdivision owned by the Genesis clan, kung saan naman kabilang si Axl, ang pianist ng Golden Strings. When I lost my mom at the age of ten ay nagdecide ang daddy ko na ipadala ako rito, to meet our relatives on my mother's side, pero bumalik din ako sa Paris dahil hindi sanay ang katawan ko sa tropikal na temperatura ng Pilipinas, I always get sick. My dad is not capable of taking care of me because he too, hasn't moved on yet about my mother's death. Hindi nagtagal ay iniwan din niya ako, at the age of twelve ay kinuha ako ng pamilya nila Kuya Fifth sa Canada. I was third year college when I decided to study here kaya nag-transfer ako. The deal is babalik ako ng Canada once I graduate from here. I was fine there but I thought I still need to live here because my mom descended from this country. Gladly ay pinayagan naman ako ng parents nila Kuya Fifth dahil nandito rin ang bunso nila. Coleen is homeschooled eversince. And when she was finally allowed to go to school, mas pinili niya dito sa Pilipinas. Kuya Fifth and their sister Asha stays abroad pero paminsan-minsan ay dinadalaw nila kami rito. "Hey," marahang tinapik ni Faye ang braso ko. "I think you're right." Kumunot naman ang noo ko, "What?" "I think you're right when you told me that Xian Ekelund's a big catch," Lalong nangunot ang noo ko sa sinabi nito, "Bakit naman napasok sa usapan--" kusa akong natigil nang ngumuso ito sa gawing likuran ko. Nang lumingon ako ay tumaas naman ang kilay ko nang makita ko nga si Xian na nasa loob din ng coffee shop, he's sitting two tables away from us at seryosong nakatingin lang sa cellphone na hawak niya. Nang ibalik ko ang paningin ko kay Faye ay nakatitig pa rin ito sa lalaki, I snapped infront of her. "He's gonna melt if you stare at him like that," Ngumisi naman ito, "Do you want to exchange seats with me?" "Shut up Faye," Ngumiti naman ito at nagpatuloy sa pagtitig kay Xian, I was watching her while she's watching him like she's fantasizing something. "Gosh, ang gwapo niya, ang puti and he looks so matangkad pa! Does he play basketball?" I laughed at her question teasingly, "You really have some fetish for basketball players, don't you? Para mo na ring dinedescribe si Earl eh." Napaupo naman ito nang maayos sa sinabi ko, "What the hell Larry Lois, I was just asking!" Umiling ako, "I haven't seen him play ball, he doesn’t seem to be sporty." Tumango lang naman ito atsaka muling nangalumbaba para ipagpatuloy ang panonood sa lalaking nasa likuran. I snapped at her again, "Stop staring at him, ako ang naiilang sa ginagawa mo Faye." Hindi naman ito sumunod, "I'm just curious, sinong kasama niya?" "He's alone, wala naman siyang kinakausap sa amin eh." "How about this Armie girl you've told me?" "She went back to Seoul after the wake." Nakakunot ang noo nito nang muling tumingin sa akin, "Pero dalawa yung cup ng coffee na nasa table niya." Kumunot din ang noo ko sa sinabi nito. I peeked at him curiously at napansin kong may isa pa ngang cup sa harapan niya. "That means may kasama siya diba?" Faye asked, hindi ako nakasagot. Eksaktong dumating ang order namin dala ni Stephanie, isa siyang crew na nakilala na namin dahil madalas kami dito. Binati niya kami bago inilagay sa table ang order namin, tinanguan ko lang naman siya. Paalis na siya nang pigilan siya ni Faye, "Wait lang Steph." "Yes po ma'am?" Tinignan muna ako nito bago nagpatuloy, "That guy over there," turo nito kay Xian na sinundan namin ng tingin, "Kanina pa ba siya diyan?" tanong nito. "Ah iyon pong pogi?" Tumango naman kami. Tumingin ito sa relong suot niya bago ulit nilingon si Xian, "Magdadalawang-oras na po siya, sa kaniya po ako unang nagserve pagpasok ko eh magdadalawang-oras na po ako." "Sinong kasama niya?" Umiling ito, "Wala po, siya lang mag-isa. Nagtataka nga rin po ako kasi dalawang kape ang in-order niya." Tumingin sa akin si Faye, "Baka naman may hinihintay?" I shrugged, napatingin kami ulit kay Stephanie nang magsalita ito, "Iniinom niya po yung dalawang kape." "What? Paano mo nasabi yan?" "Kanina pa po kasi namin siya tinitignan nung isang crew na kasama ko, salitan niya pong iniinom yung dalawang kape." Nagkatinginan kami ni Faye, nagpasalamat siya kay Steph atsaka ito binigyan ng tip bago umalis. Nang kaming dalawa nalang ay saka palang siya nakapagsalita, "Is he crazy? Bakit dalawang kape ang iniinom niya?" Hindi ako nakasagot, nang muli kaming lumingon sa pwesto nito ay nakita naming paalis na ito. I immediately hid when he passed by our table, sinundan namin ito ng tingin hanggang sa mawala na ito. Napasandal ako sa upuan ko at napailing. "I suggest you check on your friend, baka mabaliw iyon." "Wag kang magsalita nang ganiyan," Umiling ito, "I'm a psychology student Larry, alam ko 'yang mga ganiyan." Hindi na ako nakasagot pa. I fell into deep thoughts thinking about all the possibilities that might happen. Pero sa huli ay may tiwala pa rin akong babalik sa normal si Xian. Makakausap ko pa rin siya katulad noong dati. Alam kong darating ang araw na makakalimutan niya si Kim, and I want to be beside him when that happens. **
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD