Napailing ako dahil gusto kong sabihin rito na wala akong tinatago. Ni hindi ko iyon maisatinig sapagkat andoon 'yung kakaibang pakiramdam na tila sinasakal ako. "Sa tingin mo ba ginagawa ko lang ito dahil lang sa ayaw kong makasama ka sa iisang kabayo? Na baka may tinatago ako?" Mahinang sambit ko na halos bulong na lamang na siyang kinakunot ng noo nito. "Bakit, Briel? Ano bang gusto mong isipin ko? Give me a f*cking reason not to doubt you, dahil ngayon pa lang I'm warning you hindi mo lang alam kung anong tumatakbo sa isip ko." Bakit, Rohws ano ba 'yung nasa isip mo? Gusto ko sanang itanong iyon pero wala akong lakas ng loob para gawin iyon lalo na't nakikita ko ang paglarawan ng matinding galit sa mga mata nito. Napayuko ako at napatingin na lamang sa lupa. At sa kauna-unahang pag