I believed him, alam ko sa sarili ko na hindi ko maitanggi na talagang maniniwala ako sa sinabi nitong proprotektahan niya ako. I trusted him, even if it was foolish for me to do that. Hindi kasi mahirap na pagkatiwalaan si Rohws. Ang katangahan lang ay 'yung patuloy akong mahulog para rito nang hindi man lang iniisip ang kahihinatnan ng mga ginagawa ko. Kailan ba nagkaroon ng taong kayang iparamdam sa akin ang ganito bukod sa kaniya? Halos wala nga akong maisip na kahit isang tao na mag-aalala sa kalagayan ko o 'yung taong uunahin ang kapakanan ko kundi si Rohws lang. Kay Rohws ko lang naramdaman ang ganitong kapanatagan. Sa kaniya ko lang naramdaman na hindi ako nag-iisa. Looking up at him, I was struck as forcefully as a fist with the knowledge that he would keep me safe because he