Rohws POV
Kuyom ang aking kamao habang nakaupo sa sarili kong swivel chair at nakatingin sa may lamang wine glass na kung saan nakikita ko ng malinaw ang mamula-mulang kulay ng wine.
At habang pinagmamasdan ko iyon ay hindi ko mapigilan na hindi maalala ang isang nakakatawang bagay at ang isang taong kinasusuklaman ko. Na Gaya ng wine ay tila hinihila ako lagi papalapit sa kaniya, and I began to be addicted to her scent, voice and presence pero kung kailan hulog na hulog na ako ay saka ko din napagtanto na ang babaeng tulad niya ay walang madadalang magandang epekto sa buhay ko because she's dangerous and a deceiver snake.
I realize everything of this pero nakakagago dahil huli na ang lahat because I've been lost to this pathetic love na hindi ko man lang inisip ang maaaring resulta ng pag-ibig na nararamdaman ko ay sakit.
Na hindi ko inasahang babaguhin ako ng iisang babae lamang
I've been the man who believe in soul mates. Pinaniwalaan ko iyon na kahit nagmumukha akong katawa tawa sa iba.
But now?
I haunt girls at pinapaniwala silang I am a fine gentleman pero sa loob-loob ko I always wanted to see them in tears. Ni hindi ko hinahayaan na hindi ko makita silang naghihirap.
And all the other people thought ay ang babae ang may kasalanan dahil iniwan ang tulad ko. But they don't know the whole story that I am a deceiver beast. I smirk ang tagal kong pinaghandaan ang panahon na to ang makaganti at ang makuha ang satisfaction na hindi ko makuha-kuha kahit na ang dami ko ng nasaktan.
Dahil iisang babae lang ang alam kong makakapagbigay no'n. I want to see her in fear, pain and in tears.
Tulad ng ginawa at pinaramdam niya sa'kin.
"Zey! Wait!" I shouted with a smile, nakita ko kasi ang babaeng mahal na mahal ko na naglalakad papunta sa likod ng school na noon pa'y paborito na nitong tambayan and that place ang naging sekreto at paboritong lugar naming dalawa.
"R-Rohws pwede bang iwan mo muna ako kahit ngayon lang." Natigilan ako sandali sa narinig ko. Hindi ko alam kung bakit pero pakiramdam ko may mali talaga sa kinikilos nito. Kanina ko pa kasi ramdam na iniiwasan ako nito at ni hindi ko ito makausap ng matino.
Saka hindi naman kasi ito aakto ng ganito o magsasalita na tila ayaw nito akong makasama. Lalo na't kilala ko ito bilang isang mabait na tao kaya nga minahal ko ito dahil sa taglay nitong magandang ugali at sa pagtangggap nito sakin ng buo at hindi ito pareho ng ibang babae na minahal lang ang mga bagay na mabibigay ko o ginusto lamang nilang mapalapit sa kapatid ko. Because I know that this girl is genuine and kind
At kahit Sabihin na nating nanliligaw pa lang ako ay hindi ko naramdaman ang rejection, and even though we treat each other as a good friend. Ay hindi ako sumuko sa kakasuyo rito dahil ramdam kong mahal din niya ako.
At kahit isang taon ko nà itong nililigawan ay nirerespeto ko pa din ang desisyon nitong pag-aaral muna ang kaniyang uunahin. Alam ko kasing madami pa itong pangarap at gusto ko kahit di pa pormal ang aming relasyon at least naging bahagi ako at nasa tabi niya ako habang inaabot niya ang lahat ng gusto niyang abutin
But we are now in third year college at mas ginagalingan ko na ang pagsuyo dito. Isa pa malapit narin naman kami mag-graduate.
Pero ngayon nagtataka ako sa ginawa nito at dahil ang tagal ko na itong nakasama ay alam kong hindi ang Zey na masayahin ang kausap ko ngayon
Ngunit may problema kaya ito?
"Teka Z-Zey may problema ka ba? Sabihin mo sa'kin at ng matulungan kita." Sabi ko at nababakasan ng pag-aalala.
Nakita kong natigilan ito at agad na humarap sa'kin kaya nakita ko ang tila nahihirapan ito at sa 'di malamang dahilan ay hindi ko ito mabasa. Tila ba'y estranghero ang kaharap ko ngayon
"W-Wala." She uttered lowly with unreadable emotion
Kaya mas nakaramdam ako ng pag-aalala..
"No I know you Zey alam kong may problema ka talaga kasi di ka naman aakto ng ganito at saka kahit kailan ay hindi mo ginawa ang tulad ng ginawa mo kanina because you act like you don't know me kaya sabihin mo na sa'kin. At ng matulungan kita kasi ayoko ng magpatuloy pa 'to because I am hurting too." Nakita ko sandali ang pagdaan ng isang emosyon sa mga mata nito.
Pero napalitan ito ng isang malamig na emosyon na kinakaba ko.
"Mapag-isa 'yan ang gusto kong gawin kaya pwede ba tigilan mo muna ako." She shouted kaya kulang ang gulat para ilarawan ang aking naramdaman. Hindi ko kasi akalain na ang isang mahinhin na Zey ay kayang manigaw.
Ano ba ang nangyari rito?
"Z-Zey you don't need to push me away. Dahil mahal kita at handa akong makinig j-just p-please--" Gusto ko lang naman na iparating dito na kaya ko siyang tulungan at protektahan that I can also be her bestfriend that she can lean on. Lalo na't mukhang may bumabagabag sakaniya pero mukhang kinagalit lang nito lalo ang bagay na 'yon
"Can you please stop! You don't know anything? Kaya pwede ba patahimikin mo muna ang araw ko and please nakakapagod makinig sa mga sinasabi mo!" Tila napipi ako sa mga narinig ko mula sa babaeng mahal ko at parang sinampal ako dahil mukhang ayaw nga nito ang aking presensya at masakit iyon. Ni hindi ako nito pinagkatiwalaan upang ibahagi man lang ang kaniyang problema.
"B-But--"
Nakita kong napasabunot ito ng sariling buhok dahil sa inis at saka napapikit na tila may tinitimpi itong emosyon na gustong kumawala.
"Okay so you want to know my problem?" Untag nito na wala sa sariling nagpatango sa'kin.
"Hindi ako nanghihimasok Zey pero gusto ko lang siguraduhin na okay ka lang." Napailing ito na tila hindi makapaniwala.
"Alam mo 'yan ang problema sa yo masyado kang pumapapel sa buhay ko! Gusto mo ata hawakan na lamang ang buhay ko. At diktahan ako sa kung anong gusto mo! Ni hindi mo nga maintindihan ang salitang iwan muna ako saglit!" Umawang ang aking labi dahil Hindi ko akalain na maririnig ko iyon sakaniya. Akala ko ba okay lang ang lahat sa amin pero ang narinig ko mula dito ay isang masakit na katotohanan.
"Oo Rohws ang problema ko ay ikaw! alam mo pagod na pagod na ako! Para akong preso sa piling mo. And I hate being cage gusto ko rin naman na magkaroon ako ng oras sa sarili ko!" Tila ako'y nanlamig sa aking narinig.
N-No, hinding-hindi ko hahayaan na mawala siya sa'kin. I can't bare the thought of losing her. At kahit ano gagawin ko wag lang mangyari ang kinakatakutan ko.
"Zey nagbibiro ka lang naman 'di ba? Kung galit ka okay lang. Handa kong tanggapin iyon but p-please huwag ka namang magsalita ng ganiyan." Nakita ko ang pagtalikod nito at naiinis ako dahil tila nagtatago ito mula sakin at tinatanggalan ako ng karapatan na makita ito lalong lalo na ang emosyon sa mga mata nito.
"N-No because I'm so tired Rohws at lalong ayoko nang makita ang mga mata ng mga taoñg mapanghusga na laging nakatingin sa ating dalawa." Oo inaamin ko na madami ngang mga taong hindi pabor sa nagsisimula pa lang na relasyon namin pero hindi naman yun ang issue rito e'.
"Kung 'yun lang pala ang problema ay magagawan lang natin iyon ng solusyon Hindi naman kasi sila ang mahal ko kaya bakit ko sila papakinggan o bibigyan man lang ng pansin? Sana naman matutunan mo din silang wag pansinin. Kasi lahat ng sinasabi nila ay hindi totoo because you are a perfect girl which I love." Nakita ko sandali itong natigilan na tila 'di makapaniwala at hindi ko alam kung bakit pero nakita ko sa mga mata nito ang sandaling pagbakas ng sakit at pagsisisi. And i am debating with my own self kung lalapitan ko ba ito. Isa lang naman kasi ang kinakatakutan ko 'yon ay ang ipagtabuyan niya ako.
"Iyon na nga e'." Mahinang sambit nito na tila nakapagdesisyon na ito tungkol sa isang bagay.
"You do love me but I-I d-don't love you Rohws. Nakakasawa na rin. Awang-awa na ako sa'yo. I c-can't do this anymore. Nakakapagod na sumakay sa larong 'to. I hate being a good girl. Acting like I am attracted with you kahit na ang totoo ay hindi naman." Para akong nawalan ng lakas sa mga sinabi nito at paulit ulit na tumakbo sa isipan ko ang mga sinabi nito habang pilit na pinoproseso ang mga ito.
D-Did she just said that s-she don't love me?
Hind ako makapaniwala para akong tangang natulala. At pinipilit ding iniisip kung tama ba ang lahat ng narinig ko kung tama ba tong nakikita kong emosyon sa mga mata nito na walang iba kundi determisyon na nagsasabing lahat ng sinasabi niya ay pawang katotohanan.
Pero langhiya puso ko na ang sumagot dahil pakiramdan ko ay sinaksak ang puso ko sa pakiramdam na tila naninikip ang dibdib ko.
Sa tagal ng panahon na nakasaa ko siya bakit ngayon pa. Bakit kung kailan umaasa na akong may pag-asa ay saka pa niya ako sasabihan na wala akong chanse?
Ano to pinaglalaruan niya ako? Is she testing me?
"W-Wait h-hindi kita maintindi---"
"Ano pa ba ang hindi maintindihan doon? Sinasabi ko na sa'yo na hindi kita gusto at mas lalong hindi kita mahal At matagal ko na iyon alam ngunit naaawa lamang ako sa'yo. And I can't resist the things I could b-benefit from you!" Iyon ang tila bomba a nagpatameme sa'kin. I felt I am useless. Akala ko pa naman iba ito sa lahat ng babaeng nakilala ko pero hindi.
God knows how I am thorn right now. Pero kahit ganoon ay hindi ko maaalis sa aking sarili yung hindi gustong maniwala sa mga sinasabi nito. I stared at her while gaping. Nakita kong tila umiiwas ito ng tingin sa'kin. At Ganito na lang ba iyon! Ayaw man lang niya tapunan ako ng tingin at ano ang dahilan?
Na natatakot itong maawa muli sa kin?
"P-Pero bakit ngayon pa! Bakit ganito nalang kadali sayo na ganituhin ako? All along I thought you are different! Pero maling-mali ako! Pero ang mas nakakatanga h-hindi ko magawang maniwala sa mga sinasabi mo na kahit ang sakit-sakit e' Mahal pa rin kita." Umawang ag labi nito at halos 'di na magawag tumingin sa aking mga mata na alam at nakakatiyak akong namumula na.
Pero wala na akong pakealam kung nagmumukha akong katawa tawa at desperado. Basta ang gusto ko lang ay ipakita dito na mahal ko ito na kaya ko siyang pahalagahan.
"Kahit alam kong nakakatanga ay handa parin. Kitang tanggapin. Just p-please, tell me na kaya mo pa akong bigyan ng chance na patunayan pa ang sarili ko. Na kaya mo pa ako mahalin please tell me. Kung may kulang pa handa akong ibigay pa iyon. Handa akong mas maging kaawa-awa huwag mo lag akong iwan o saktan. Please, nagmaakaawa ako sa'yo. Huwag mong iparamdam sa'kin na tila hindi ako naging parte ng buhay mo. Kasi ang sakit-sakit. Nakakabakla man pero mahal kita Mahal na mahal." Napailing ito at napaatras ito ng isang hakbang.
"I-itigil mo na ito Rohws please tama na." Humakbang ako papalapit dito.
Hinding-hindi ako titigil. I want her to give me another chance. Wala na akong pakealam kung siya ang may sala kaya nagkakaganito kami.
"Hindi ako titigil Z-Zey! Kahit ilang ulit akong maging ganito. Gagawin ko huwag mo lang ako balewalain." Napasinghap ito kung alam lang nito na kaya ko ng kalimutan ang ego ko bilang lalakinpara lang sa kaniya.
"f**k! Rohws! Gumising kana! Listen very carefully hindi kita mahal---" No!
Hindi ko na napigilan at kinulong ko na ang mukha nito gamit ang aking mga kamay at sapilitang pinaglapat ang aming mga labi na kinagulantang nito.
Kaya kinuha ko ang oportunidad na ito upang ipakita rito ang aking pagmamahal. Hinalikan ko ang nakaawang nitong labi which taste so sweet ito ang kauna-unahang nagawa ko ito. I respect her that much na kahit gustong-gusto ko ito gawin noon pa ay hindi ko magawa because I want to treat her like a princess which I need to respect and cherish.
Ngunit 'di ko man lang natagalan namnamin ang sarap ng sensasyon sa magkalapat naming labi dahil agad kong naramdaman ang malakas na pagtulak nito sa'kin making me stumbled a little. At kasunod no'n ay naramdaman ko ang hapdi at sakit sa kabilang pisnge ko.
At gulat na gulat akong nakahawak sa aking nasaktang pisnge at nang napatingin ako rito ay kita kong hinihingal ito at kita kong may luha sa mga mata nito habang pilit nitong pinupunas ang labi na tila nandidiri roon pa lang ay nakaramdam na ako ng pagkadismaya.
So she really hate my touch at ayaw rin nito sa'kin na tila ako'y nakakadiring basurang nadikit dito ngayon ay pinandidirihan nito.
"H-How dare you! Nakakadiri ka R-Rohws! Sobrang nakakadiri!"
I smile bitterly as I felt hope is now totally gone from my system and tears made its presence known.
Dahan-dahan ay napaluhod ako at napayuko.
"H-Hindi mo ba talaga ako magawang m-mahalin? Gano'n na ba talaga ako kahirap magustuhan? Sabihin mo nga Zey. Ano ba ang kulang sa'kin? Bakit hirap-hirap para sa'yo na mahalin ako? Nirespeto kita, at lahat ginawa ko kaya bakit?"
Hinang-hina kong sambit ni hindi ko na magawang i-angat ang mukha ko dahil sa sobrag nasasaktan na ako.
"G-Gusto mo malaman 'di ba?! Sige sasabihin ko sa'yo!" She shouted at nakarinig ako nang pagak na tawa mula rito.
"Alam mo hindi mo maibibigay ang gusto ko! At mas lalong hindi kita magugustuhan dahil may iba na akong nagugustuhan. Mahal ko siya at siya na ang pinili ko. Isa pa ginamit lang kita Rohws. At tapos na ako sa'yo so you just need to put this inside your head. Love don't exist in this world so hate me! At gusto ko pagnagkita tayong muli gamitin mo ang galit na 'yon at sana handa mo na akong pagbayarin kapag dumating ang araw na 'yon." I gritted my teeth as I tried to stop the pain from escaping.
"K-Kung iiwan mo 'ko bakit mo kailangan na itanim pa sa utak ko na magalit s-sa'yo? Ano ba 'to? A chase? So ano 'to? You really want this game? You want me to be miserable then change me into a demon?"
Ini-angat ko ang aking mukha at doon ko nakita na sadali itong natigilan at nakatalikod na sa'kin.
"Just do it because yes I want to play so give me an exciting game if we see each other again for now all I could say is Goodbye Rohws."
Pagkatapos non ay naiwan akong 'di makapaniwala but determination filled my being.
I gave you love but you rather choose hate. Sige ibibigay ko sana lang kaya mong tanggapin ang galit ko!
Dumating na ang araw na nagkita tayo muli and now I will restart the game you started.
Challenge Accepted!
Kaya tanggapin mo ang galit ko ngayon.
Zeyriel CAB.