Chapter 3

1919 Words
Zey POV "Anak dito ka muna ha? Kukuha lang ako ng mga order. Huwag ka aalis dito okay?" I said while gesturing where he should be sitted at tumango lang ang batang nasa harap ko at saka ito naupo sa silya then he look directly in my eyes. Kaya yumuko ako para magpantay ang mga mukha namin para sana halikan na ang pisnge nito ngunit naramdaman ko ang kamay nito sa aking mukha saka nito hinaplos iyon kaya tila naghalo ang emosyon sa puso ko. Una, lungkot na halos sasabog ang puso ko, gustong gusto ko umiyak pero 'di ko 'yon magawa sa harap ng bata kaya pinilit ko pigilan ang luha ko at mas gugustuhin ko na lang na makita nitong okay lang ako. Pangalawa awa dahil sa sitwasyon ko at pati ang bata ay nadadamay na rin, lalo na't hindi naman ito sanay sa ganitong sitwasyon dahil simula pa bata ay nakasanayan nito ang karangyaan, pero dahil sa tito ko ay lahat ng ari-arian at pera ni arnulfo ay nakuha nito wala itong tinira kaya halos mangapa na ako sa kung ano pa ang dapat kong gawin mabuhay lang ang bata at ang sarili ko ngayon pa na kailangan ko magdoble kayod para mabigyan ulit ito ng pera sa susunod na linggo Kung pwede ko lang mabawi ang panahon, kung naging matapang lang sana ako pero hindi eh dahil masyado akong talunan. At naiinis ako sa sarili ko dahil do'n. I wanted to cry and scream, at kung wala lang nga nakadepende sa'kin ay baka noon ko pa nagawang patayin ang sarili ko o 'di kaya noon pa ko nalulong sa bisyo para lang makalimot pero ngayon ni hindi ako makatikim ng alak dahil ang bawat piso ay mahalaga para mabigay sa sakim kong tiyo. Nagising ako sa aking pag-iisip ng maramdaman kong basa ang kamay ng bata ngunit ng tingnan ko ang mukha nito ay nakabakas sa mukha nito ang pag-aalala at pagtataka kaya doon ko lang napagtanto na napaluha na ako ng hindi ko napapansin. Shit! And then there I saw that expression again, he is now observing me kaya kinabahan ako sa kung ano mang makikita nito dahil napaka observant nitong bata. And after how many seconds I saw him made some gestures with his hands or making some signs at nauunawaan ko ang mga iyon. 'Why are you crying? Did someone hurt you?' I sighed at pinunasan ko ang mukha ko at saka ko ito hinarap and i show my smile to him ayoko sa lahat na mag-alala pa ito, dahil mahalaga ito sakin at kahit hindi ko ito tunay na anak ay mahal na mahal ko ang bata. Ito ang nagbibigay sa'kin ngayon ng lakas na lumaban pa kahit sinisigawan na ako ng utak ko at katawan ko na sumuko na and I always tell myself na kailangan ko lumaban at mabuhay dahil kailangan ako ng bata, dahil baka kung ano pa ang gawin ng tito ko sa bata, isa pa ako lang ang nakakaintindi sa bata, he can't speak a word kaya mas dumagdag ang awang nararamdaman ko rito. Hindi kasi dapat nito maramdaman ang hirap pero andito ito ngayon sa bar kasama ko, dahil walang magbabantay rito at kailangan nito ng pagkain at dahil libre ang pagkain namin ng mga nagtratrabaho rito sa bar ay naisipan kong dalhin na lamang ito rito para ito na ang kumain sa libreng pagkain na para sa'kin, dahil walang-wala na kasi ako o wala na akong pambili ng pagkain naming dalawa. Pero okay na rin 'to, wala akong pakealam sa sarili ko pero ang bata ay dapat hindi magutom. "I-I'm okay." I said while making some signs pero alam ko na hindi ito kumbinsido sa sinabi ko dahil umiling ito and he again made some signs. 'Liar, you are not okay because I saw your tears so tell me why.' He demanded some answers pero 'di ko naman ito masagot, paano ko sasabihin dito na pumayag akong magpapinta ng hubad at take note I just met a beast. Dagdag pa ang walang hiya kong tito na 'di pa nakontento sa perang nabigay ko dahil humihingi na naman ito, kaya ngayon hindi ko na alam kung saan ako hahagilap ng pera, ni wala nga akong kahit one hundred sa bulsa paano pa ang one hundred thousand? Saan ko kukunin 'yun? Pero kahit alam kong napakaimposible na makakuha ako ng pera ay sinusubukan ko pa rin. I need to work bago ako sumuko. "Don't worry I'm okay medyo may iniisip lang si mama, but I'm fine." Sabi ko at gumawa ulit ng mga senyas para maintindihan nito, sandali itong natigilan parang sinusubukan nitong alamin kung totoo ang sinasabi ko, kaya pinilit kong magpanggap na patay malisya kaya bumuntong-hininga ito at sumenyas. 'Do you miss dad? Me too I miss him but dad is in heaven now and he can't be with us but don't cry mama because I am still here and I will protect you, just like what I have promise to dad. and mama I don't want you to feel so sad' Tila piniga ang puso ko, kung alam lang nito ang katotohan kung alam lang nito sng lahat ay tiyak kasusuklaman nito ako at hindi ko iyon kakayanin, I love this child more than anything at hindi ko gusto na mawala ito o masaktan If only this pain would stop at king pwede lang matapos na tong paghihirap na meron ako, at kahit ilang ulit ko na tinatanong ang sarili ko kung kailan ba talaga? Kailan ba matatapos ang pagbabayad ko sa mga kasalanan na nagawa ko. Hanggang kailan pa ba? "Yes I miss your dad, pero I am okay now dahil andito ka naman anak saka lagi mong iisipin na malakas si mama dahil ikaw ang source of power ko kaya huwag kana mag-alala hindi na magiging sad si mama." Nakita kong ngumiti ito at hinawakan nito ulit ang mukha ko at naramdaman kong pinipilit nitong pangitiin ako kaya ngumiti ako saka ko hinalikan ang noo nito. "Sige nga bigyan mo si mama ng energy." I tease and I saw him blush parati kasi nitong sinasabi na malaki na siya na he is six years old na 'di na niya pwede ako bigyan ng energy gaya ng lagi niyang ginagawa pero nadadaan naman ito sa isang paraan. Kaya nag-pout ako kaya nanlaki ang mga mata nito at sumimangot ito "Hindi mo na ba love si mama?" Umiling ito kaya mas umakto akong nagtatampo kaya napabuntong hininga ito. "E' bakit nahihiya kang bigyan ako ng energy." He rolled his eyes saka hinila ako papalapit sakaniya then he rain kisses around my face kaya napatawa ako ng mahina and hug him more. Ito 'yun e' ito 'yung mga panahon na kahit masakit ay meron pa rin akong rason para maging masaya. Lumayo ito sa'kin at sumenyas sa relo nito kaya doon ko lang napagtanto na may gagawin pa pala ako. "Ayy naku ayan tuloy nagdradrama ka kasi 'yun pala nagpapa-baby ka lang kay mama." Nanunuksong sabi ko rito na kinaawang ng labi nito dahil di makapaniwala. "Joke lang." Bawi ko baka kasi sumabog ito sa galit at bago pa ito makabawi ay hinalikan ko ulit ito sa pisnge at tumayo ng maayos. "Sige na punta na si mama rito ka lang okay, dadalhin lang ni kuya Jon ang pagkain mo rito at kumain kana at si mama magtratrabaho muna." Again tumango lang ito kaya ngumiti ako ulit and I sigh. Okay Zey time to do your work time to face those jerks and some wicked people pero fighting lang para kay Milo para sa anak mo. Busy ang lahat lalo na't ang daming kostumer sa bar, and as usual gaya ng laging nakikita sa ganitong lugar ay laman nito ang mga taong naghahanap ng aliw o pampalipas oras at ng sama ng loob o sakit, pero meron din namang ang hanap lang ay ang isang mabilis na make out or sabihin nating pampalipas libog kaya nga may mga pares din akong nakikita na gumagawa na ng kababalaghan pero 'di ko na rin pinapansin dahil sanay na ako sa ganitong tanawin I've been working here more than three years. Tatlo kasi ang trabaho ko, sa umaga sa isang restaurant at sa gabi naman ay dito ako dederetso sa bar habang sa sabado at linggo ay isa akong janitor o tagalinis sa isang coffee shop, hindi din kasi ako makapag-apply ng desenteng trabaho na may malaking kita dahil hindi naman ako nakatapos ng pag-aaral kulang kasi ako ng isang taon. Napabuntong-hininga ako at kinuha ang mga shot glass na wala ng laman at nilagay sa hawak kong maliit ng tray at saka ako naglakad papalapit kay Jon na nakita kong kalalabas lang galing sa loob. "Oh Zey, nabigyan ko na ng pagkain si Milo pero ikaw? Paano ka? sana kumain ka muna, ikaw na lang ang kumain sa pagkain na para sakin total naman ay kumain na ako bago ako nagpunta rito, e' samantalang ikaw dumiretso ka agad dito at baka nga hindi ka pa nakapag-lunch." Ngumiti ako rito sa lahat ng kasamahan ko ito ang kinagaanan ko ng loob, mabait kasi ito at isang mabuting kaibigan at kilalang kilala ako nito isa maalaga din ito, pero walang namamagitan samin sadyang kaibigan ko lang ito, isa pa ikakasal na ito sa long time girlfriend nito na kakauwi lang galing sa ibang bansa at sasama na nga ito pabalik sa U.S para roon sila makapagsimula ng pamilya next month kaya masaya ako para rito. "Hmm salamat Jon, kahit kailan ang dami mong naitutulong sa'kin pero okay pa naman ako, saka tignan mo nga naman madaming kostomer na kailangan ma serve baka pagalitan lang ta ni boss kapag naging mahina tayo sa pagtrabaho." Bumuntong-hininga ito at napailing, at alam kong naiinis na naman ito. Pero nginisihan ko lang ito at tinanggal ko na mula sa tray na hawak ko ang mga nagamit ng shot glass "Kahit kailan tigas ng ulo mo, masyado mong sinusubsob ang sarili mo sa trabaho." Umiling-iling pa ito at nagsimula ng maglagay ng iilang shot glass na may mga lamang alak sa tray na hawak ko. "Alam mo naman na kailangan kong magtrabaho, hindi lang para sa sarili ko pero para sa anak ko." I said at natahimik ito sandali saka hinarap ako ng matapos na ito sa paglalagay ng mga dapat na ilagay sa tray na hawak ko.. "Basta alalahanin mo lagi na 'di naman masama na maging masaya ka kahit minsan." Tumango na lang ako dahil kapag kumontra pa ako ay baka humaba na naman ang usapan pero sa totoo lang wala na rin naman akong panahon para umastang ala teenager na nagsasaya lang ngayon kasi may dapat akong pagtuonan ng pansin at bawat oras mahalaga iyon kailangan ko lagi na makalikom ng pera. "Buti naman sa wakas sumang-ayon ka. Hala sige doon 'yan sa table 6 ingat ka 'a." I nodded again masarap din naman kasi sa pakiramdam na may mga taong nag-aalala sa'yo. Ginala ko ang paningin ko sa paligid at nakita kong may isang lalakeng nakaupo sa table na tila sobra na talagang nakainom kasi kulang na lang na sumubsob ito sa mesa pero pinipilit pa din nitong inomin ang alak na nasa baso nito. Tsk, mga lalake nga naman tiyak 'di na niya kaya pero pinipilit pa din at nag-order pa talaga ito ulit. Pagkalapit ko ay muntik pa akong matumba at mabitawan ang tray na hawak ko ng makita ko ang mukha ng nasa harapan ko. Rohws?
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD